Quinabigan National High School

Call Directions Contact the school

Quinabigan National High School This is the official page of Quinabigan National High School.

23/09/2026

POV: Leader nyong hirap na hirap na sa research. 😆

Seriously speaking Shoreliners, ang research ay collaborative dapat. Gawin ang inyong bahagi sa grupo, magtulungan upang ang trabaho ay gumaan! Mas masarap ang tagumpay kung bawat isa ay nakibahagi! 🤝

18/09/2026

Happy Birthday, Sir Marjhon !🎂💐 May God bless this new chapter of your life with more meaningful moments, answered prayers, and abundant blessings. May His grace continue to guide you every step of the way. 🙏

“My grace is sufficient for you.” — 2 Corinthians 12:9

18/09/2026

Kinumusta lang ang grades eh! Bakit nagagalit? 😂

Kidding aside Shoreliners, ano ang feeling ngayong nakita nyo na ang inyong mga grado?

Mag-aral, magsumikap lagi upang makamit ang minimithing grades, at higit sa lahat upang matuto tayo!

18/09/2026

“𝐌𝐚𝐠𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠”: 𝐐𝐍𝐇𝐒, 𝐍𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐏𝐮𝐠𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐲 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐈𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐌. 𝐌𝐚𝐠𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲

Salamat, Ma’am Ireen, sa lahat ng ginawa,
Sa bawat pusong iyong binigyan ng pag-asa.
Bilang mentor, educator, kaibigan,
At lider na nagsilbing ilaw ng aming paaralan.

Salamat sa taon ng tapat na serbisyo,
Sa bawat pangarap na iyong ipinaglaban.
Ngayon, kami naman ang magsasabi—
“Ma’am Ireen, salamat… at mabuhay ang iyong bagong paglalakbay!”

𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗼𝗿𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝗿𝘀, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼Bilang pagkilala sa mahalagang ambag n...
17/09/2026

𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗼𝗿𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝗿𝘀, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗸𝗿𝗶𝗽𝗶𝘀𝘆𝗼

Bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga magulang sa tagumpay ng kanilang mga anak at sa patuloy na suporta sa paaralan, kinilala ng Quinabigan National High School (QNHS) ang mga magulang ng mga mag-aaral na lumahok at nag-uwi ng karangalan sa iba’t ibang timpalak sa pang dibisyon na kompetisyon.

Pinangunahan ni Dr. Elainie F. Barredo, punongg**o ng QNHS, ang inisyatiba bilang paraan ng pagpapasalamat sa mga magulang na patuloy na nagbibigay ng suporta, panahon, at mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa bawat kompetisyong kanilang nilalahukan.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, hindi lamang talento at pagsisikap ng mga mag-aaral ang bumubuo sa bawat tagumpay. Malaki rin ang bahagi ng mga magulang na nagsisilbing unang tagasuporta at katuwang ng paaralan sa paghubog sa kakayahan ng mga kabataan.

Kabilang sa kinilala ang mga magulang ng mga mag-aaral na nagpakita ng husay sa iba’t ibang larangan tulad ng pamamahayag, akademiko, sining, palakasan, agham, at iba pang patimpalak na nagbigay ng karangalan sa QNHS.

Sa bawat pagkapanalo, naging bahagi ng paglalakbay ng mga mag-aaral ang kanilang mga magulang mula sa pagbibigay ng moral na suporta hanggang sa pagtugon sa mga pangangailangan sa pagsasanay at kompetisyon.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, ipinakita ng QNHS ang pagpapahalaga nito sa mga magulang bilang mahalagang katuwang sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral at sa pagtataguyod ng mga programa at layunin ng paaralan.

Para sa QNHS, ang bawat karangalang naiuuwi ng mga Batang Shoreliners ay tagumpay na pinagsasaluhan ng mag-aaral, magulang, g**o, at buong pamayanan ng paaralan.


15/09/2026

Happy Birthday, Ma’am Lyca 🎂💐 May God continue to bless you with wisdom, strength, and joy as you inspire your learners with your dedication and caring heart.

May your days be filled with the same kindness and warmth you generously share with others. Wishing you a truly meaningful, joyful, and blessed year ahead! 🤍

“Whatever you do, work at it with all your heart.” — Colossians 3:23

13/09/2026

𝐓𝐄𝐍𝐝𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐢𝐝𝐞, 𝐓𝐨𝐮𝐠𝐡𝐞𝐧𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐬

Sa sampung Shoreliners na buong tapang na humarap sa hamon ng Division School Press Conference, maraming salamat.

Salamat sa bawat salitang isinulat, bawat ideyang ipinaglaban, bawat oras ng pagsasanay, at bawat kaba na inyong hinarap. Maaaring hindi lahat ay nag-uwi ng medalya o tropeo, ngunit ang inyong tapang na lumaban, lakas na tumindig, at dangal na dalhin ang pangalan ng paaralan ay isa nang tagumpay.

Sa larangan ng pamamahayag, hindi lamang husay sa pagsusulat ang sinusukat. Higit sa lahat, hinuhubog nito ang mga kabataang mapanuri, mapanindigan, at mapanagot sa katotohanan.

𝙺𝚊𝚢𝚊 𝚝𝚊𝚊𝚜-𝚗𝚘𝚘, 𝚜𝚊𝚖𝚙𝚞𝚗𝚐 𝚂𝚑𝚘𝚛𝚎𝚕𝚒𝚗𝚎𝚛𝚜. 🌊

𝙇𝙪𝙢𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙮𝙤. 𝙏𝙪𝙢𝙞𝙣𝙙𝙞𝙜 𝙠𝙖𝙮𝙤. 𝙄𝙨𝙞𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙬𝙚𝙣𝙩𝙤.

At saan man kayo dalhin ng inyong panulat, lagi ninyong tandaan ang tunay na mamamahayag ay hindi sumusuko sa laban para sa katotohanan.

Maraming salamat sa pagtindig para sa QNHS. Proud kami sa inyo, Shoreliners! 🖋️🌊💙

JUST IN: Jerdick N. Lontoc, 9th Place sa Sci-Tech Writing (Filipino) sa 2026 DSPCIpinamalas ni Jerdick N. Lontoc ng Quin...
13/09/2026

JUST IN: Jerdick N. Lontoc, 9th Place sa Sci-Tech Writing (Filipino) sa 2026 DSPC

Ipinamalas ni Jerdick N. Lontoc ng Quinabigan National High School (QNHS) ang husay sa pamamahayag matapos makamit ang ika-9 na puwesto sa Sci-Tech Writing (Filipino) sa 2026 Division Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa Bansud, Oriental Mindoro, Set. 11–13.

Nakipagsabayan si Lontoc sa 54 na kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa dibisyon, kung saan nasubok ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng makabuluhan, malinaw, at siyentipikong tumpak na artikulo.

Ipinahayag nina Gng. Julie Ann B. Solas at G. Jaymark S. Julao, Journalism Coordinators, ang kanilang pagbati kay Lontoc sa ipinakitang dedikasyon at husay, na nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pamamahayag sa QNHS.

Nagpaabot din ng taos-pusong pagbati si Dr. Elainie F. Barredo, punong-g**o ng QNHS, at kinilala ang tagumpay ni Lontoc bilang bunga ng tiyaga, paghahanda, at suporta ng buong paaralan.

Samantala, pinangunahan ni G. Dennis A. Solamillo, coach, ang paghahanda at paggabay kay Lontoc bago at habang isinasagawa ang paligsahan.

Bagama’t ika-9 na puwesto ang nakamit, higit na mahalaga ang karanasang nakuha ni Lontoc sa pakikipagsabayan sa 54 na batang manunulat, patunay na ang bawat salita, ideya, at kuwentong isinusulat ay hakbang tungo sa mas mataas na antas ng kahusayan sa pamamahayag.

10/09/2026

𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐆𝐇𝐀𝐌 𝐒𝐇𝐎𝐔𝐓-𝐎𝐔𝐓!

𝘛𝘩𝘪𝘯𝘬. 𝘌𝘹𝘱𝘦𝘳𝘪𝘮𝘦𝘯𝘵. 𝘐𝘯𝘯𝘰𝘷𝘢𝘵𝘦. 𝘊𝘰𝘯𝘲𝘶𝘦𝘳.

Sa bawat tanong, eksperimento, at hamon ipakita ang galing, talino, at siyentipikong diwa!

𝙂𝙤, 𝙋𝙖𝙣𝙩𝙖𝙨 𝘼𝙜𝙝𝙖𝙢! 𝙂𝙤, 𝙌𝙉𝙃𝙎!
𝙋𝙖𝙙𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙇𝙖𝙣𝙜, 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙝𝙤𝙧𝙚𝙡𝙞𝙣𝙚𝙧𝙨!



09/09/2026

Her children arise and call her blessed.” — Proverbs 31:28

Happy Birthday Ma’am Elai! 🤍
May God bless you with good health, wisdom, and happiness. Thank you for leading us with purpose, understanding, and a heart filled with genuine, motherly love and care. May your special day be filled with the same warmth and joy that you generously share with your QNHS Family.

May you continue to be a blessing and an inspiration to everyone you lead. Happy and blessed birthday, Ma’am! ❤️

With love and warmest wishes,
Your QNHS Fam❤️🎂

Address

Barangay Quinabigan
Pinamalayan

Telephone

+639952918531

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quinabigan National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Quinabigan National High School:

Shortcuts

Share