16/05/2026
๐ก๐ฎ๐ถ๐ ๐บ๐ผ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ?
๐ ๐ฎ๐ด๐บ๐ฒ๐ฑ๐๐ผ๐ฟ ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ!
Ang mga sumusunod na gawain ang magpapatunay na kapag nagmedyor ka sa Filipino ay sasakses ka!
๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐-๐๐ฟ๐ฎ๐น๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด-๐ง๐๐ฟ๐ผ
Isa sa mahahalagang bahagi ng pagiging g**o sa hinaharap ay ang paghahanda at pagsulat ng banghay-aralin. Kapag nagmedyor ka sa Filipino, maaga mong malilinang at mahuhubog ang iyong kasanayan sa pagbuo ng epektibong banghay-aralin, gamit ang ibaโt ibang estratehiya sa pagtuturo. Hindi lamang ito nakatuon sa pagsusulat sapagkat mayroon ding Pagpapakitang-Turo o "demo teaching," na magsisilbing pagsasanay upang maging mahusay, malikhain, at mabisang g**o sa hinaharap. Sa tulong ng mga g**ong tagapayo sa Filipino, higit pang mapauunlad ang iyong kakayahan sa pagtuturo, pagbabahagi ng kaalaman, at wastong paggamit ng wikang Filipino.
โ๏ธ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐๐ฎ ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป
Ang pagsusulat ay isang mahalagang makrong kasanayan kaya sa Filipino Major ay higit itong pinauunlad sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay, repleksiyong papel, pananaliksik, at iba pang akademikong sulatin. Dito rin mas napalalalim ang iyong kaalaman hinggil sa ibaโt ibang katutubong wika sa bansa, gayundin sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at panitikan ng ibaโt ibang rehiyon sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pananaliksik at pagsusuri, mas mauunawaan at mapahahalagahan mo ang yaman ng wikang Filipino at kulturang Pilipino.
๐ฃ๏ธ ๐ ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
Ang mabisang pakikipagkomunikasyon ay isa sa mahahalagang kasanayang dapat taglayin ng isang g**o. Sa Filipino Major, maaga pa lamang ay hinahasa na ang iyong kakayahan sa malinaw, epektibo, at wastong pagpapahayag sa pasalita at pasulat. Mahalaga ito sa pakikipagtalastasan, pagtuturo, pag-uulat, talakayan, at maging sa pakikisalamuha sa ibaโt ibang tao. Sa pamamagitan ng mga talakayan, kolokyum, pag-uulat, at iba pang gawaing pang-akademya, mas lalawak ang iyong kaalaman at mas mahahasa ang iyong kumpiyansa sa paggamit ng wikang Filipino sa ibaโt ibang larangan at diskurso.
๐ญ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ผ๐ผ๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ
Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga nagmemedyor sa Filipino ay ang pakikilahok sa pag-oorganisa at pagsasagawa ng ibaโt ibang gawaing pampaaralan tulad ng Buwan ng Wika, mga seminar, kolokyum, at patimpalak pampanitikan. Sa mga gawaing ito, nahuhubog ang iyong kakayahan sa pamumuno, pagpaplano, at pakikipag-ugnayan sa iba. Nagkakaroon din ng pagkakataong maging tagapagdaloy ng programa, tagapagsalita, o tagapag-ulat na higit pang nagpapalawak ng iyong tiwala sa sarili at kasanayan sa komunikasyon.
Kasama rin dito ang Panitikang Filipino. Dito ay nagsasagawa ng sabayang pagbigkas, pagtula, talumpati at iba pang pagtatanghal na nagpapalalim sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa Panitikang Filipino. Sa pamamagitan ng mga kolokyum at seminar, nadaragdagan pa ang iyong kaalaman hinggil sa wika, panitikan at kulturang Pilipino mula sa sariling atin.
๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐ต๐ฎ ๐บ๐ผ ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ! ๐ต๐ญ
Kaya enroll na sa Abada College at piliin ang BSED- Medyor sa Filipino! Ano, tara?