18/08/2026
Attention All Students, School Personnel, and Visitor/s of Quisao Integrated National High School
Para po sa kaligtasan at seguridad ng buong school community, mahigpit na pong ipatutupad ang:
"NO ID, NO ENTRY"
Ang lahat po ng mag-aaral at kawani ng paaralan ay kinakailangang magsuot at magpakita ng kanilang valid School ID sa pagpasok sa school premises.
Ang patakarang ito po ay ipinatutupad upang:
Matukoy at mapatunayan ang mga awtorisadong pumapasok sa paaralan.
Maiwasan ang pagpasok ng mga hindi awtorisadong tao.
Maprotektahan ang mga mag-aaral, g**o, kawani, at school property sa kung ano mang kapahamakan.
Mapalakas ang seguridad at kaayusan sa loob ng paaralan.
FOR VISITOR/s
Ang lahat ng bisita, magulang, delivery personnel, at iba pang hindi regular na kawani o mag-aaral ay kailangang dumaan sa visitor/s registration at security verification bago payagang pumasok.
LAHAT AY DAPAT DUMAAN SA INSPECTION.
Ang security personnel (School Guard) ay magsasagawa ng kaukulang inspection alinsunod sa umiiral na school safety and security protocols.
Walang exemption sa security procedures na ito.
Ang inyong pong kooperasyon, disiplina, at pagsunod ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng ligtas at secure na paaralan, tandaan sa QINHS, Kaligtasan ng Bawat Isa ay Prayoridad.