Colegio de San Rafael Arcangel

Colegio de San Rafael Arcangel The First Archdiocesan College in Caceres

23/08/2026

20th SUNDAY IN ORDINARY TIME

REV. FR. JAIME DANILO VIOLA
Parish Priest
Presider and Preacher

22/08/2026

IKA - XXI DOMINGO SA ORDINARIONG PANAHON

๐“๐ก๐ž ๐‘๐š๐ฉ๐ก๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง, ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  Isinagawa sa CBSUA Main Gathering Hall, San Jose, Pili, Camarines...
18/08/2026

๐“๐ก๐ž ๐‘๐š๐ฉ๐ก๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง, ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ 

Isinagawa sa CBSUA Main Gathering Hall, San Jose, Pili, Camarines Sur, nitong Agosto 15, 2026, mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., ang unang araw ng pagsasanay ng The Raphaelian, katuwang ang The Stateans at AngSalinsinag ng CBSUA, bilang paghahanda sa nalalapit na Congressional School Press Conference.

Isinagawa ang pagsasanay sa temang โ€œ๐‘จ๐’…๐’—๐’‚๐’๐’„๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฑ๐’๐’–๐’“๐’๐’‚๐’๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’„ ๐‘ณ๐’Š๐’•๐’†๐’“๐’‚๐’„๐’š ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฌ๐’•๐’‰๐’Š๐’„๐’‚๐’ ๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’š๐’•๐’†๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’ ๐’‚ ๐‘ต๐’†๐’˜ ๐‘จ๐’„๐’‚๐’…๐’†๐’Ž๐’Š๐’„ ๐‘ช๐’‰๐’‚๐’‘๐’•๐’†๐’“,โ€ na naglalayong hasain ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga campus journalist sa ibaโ€™t ibang larangan ng pamamahayag.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng mensahe nina G. John Rey Estiva, Editor-in-Chief (EIC) ng AngSalinsinag, at G. Angelo Payra, Editor-in-Chief ng The Stateans. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng paghahanda, kolaborasyon, at patuloy na paglinang ng kasanayan sa pamamahayag bilang pagtugon sa hamon ng nalalapit na Congressional School Press Conference.

Tinalakay sa mga sesyon ang Journalistic Writing, na pinangunahan ni Bb. Roanne V. Paat, former Editor-in-Chief ng The Raphaelian; Photojournalism at Editorial Cartooning, na nilahad ni G. Darwin Xavier Laforteza, alumnus ng The Stateans; Layout at Storytelling, na pinangunahan ni G. John Kennith Rosetes, alumnus ng The Stateans; at Broadcasting, na pinamunuan ni G. Chris Yuri T. Fabricante, former Sci-Tech Writer at RSPC qualifier.

Tampok din sa programa ang bukas na talakayan, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong, magbahagi ng pananaw, at linawin ang kanilang mga katanungan hinggil sa ibaโ€™t ibang larangan ng pamamahayag.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at kolaborasyon, layunin ng The Raphaelian na higit pang hasain ang kakayahan, disiplina, at kahusayan ng mga campus journalist bilang paghahanda sa darating na patimpalak.

Isinulat ni ๐˜•๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฐ
Larawang kuha nina ๐˜ž๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฆ๐˜ช ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ at ๐˜‘๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ

๐‘๐š๐Ÿ๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ขBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, isinagawa nitong ika-...
18/08/2026

๐‘๐š๐Ÿ๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‹๐š๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐‹๐š๐ก๐ข

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, isinagawa nitong ika-14 ng Agosto 2026 ang Laro ng Lahi na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang antas ng Colegio de San Rafael Arcangel.

Sa kabila ng matinding sikat ng araw at maalinsangang panahon, itinuloy ang ibaโ€™t ibang palaro na pinangasiwaan ng mga g**o. Sila rin ang nagbigay ng mga panuto at nagtala ng puntos upang matiyak ang maayos at patas na daloy ng bawat kompetisyon.

Kabilang sa mga larong isinagawa ang hatakang lubid, pokpok palayok, tingga, at patintero na ginanap sa quadrangle ng paaralan. Samantala, isinagawa naman sa isang silid-aralan ang sungka. Sa mga palarong ito, nagtagisan ang mga mag-aaral sa lakas, bilis, diskarte, at koordinasyon.
Naging bahagi rin ng paligsahan ang aktibong pagsuporta ng mga kaklase at g**o mula sa ibaโ€™t ibang seksyon na nagbigay ng sigla sa mga kalahok sa bawat laro.

Lumahok sa Laro ng Lahi ang mga mag-aaral mula primarya hanggang sekondarya bilang bahagi ng mga aktibidad para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Layunin ng gawain na maitaguyod ang pagpapahalaga sa mga tradisyonal na larong Pilipino at mahikayat ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawaing nagpapalakas ng pagkakaisa at pakikipagkapwa.

Isinulat ni ๐˜‹๐˜ข๐˜ญ๐˜บ๐˜ฏ ๐˜”๐˜ข๐˜ฆ ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ณ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ
Larawang kuha nina ๐˜ž๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฆ๐˜ช ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜‘๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜๐˜ท๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ช๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฐ, at ๐˜™๐˜ฆ๐˜ข ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฐ

๐“๐ก๐ž ๐‘๐š๐ฉ๐ก๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง, ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ž๐š๐ฆ-๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐š๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒPinagtibay ng mga miyembro ng The Raphaelian ang kanilang ugnayan at ...
18/08/2026

๐“๐ก๐ž ๐‘๐š๐ฉ๐ก๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง, ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐ญ๐ž๐š๐ฆ-๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐š๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ

Pinagtibay ng mga miyembro ng The Raphaelian ang kanilang ugnayan at pagtutulungan sa pamamagitan ng isang team-building activity na ginanap sa Central Bicol State University of Agricultureโ€“Agriville nitong Agosto 9, 2026.

Nagsimula ang aktibidad sa pagpaparehistro ng mga kalahok, na sinundan ng maikling pagpapakilala ni Bb. Avegail T. Temporal, School Paper Adviser. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na samahan at maayos na ugnayan sa pagitan ng mga miyembro.
Hinati ang mga kalahok sa limang pangkat upang makilahok sa serye ng mga larong naglalayong malinang ang kanilang kooperasyon, pagkamalikhain, at pagtutulungan.

Nagsimula ang sesyon sa umaga sa pamamagitan ng sack relay at garter relay na naging panimulang pampasigla ng mga kalahok.

Bukod sa mga laro, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga miyembro na magpakitang-gilas sa pag-awit gamit ang karaoke. Naglaan din sila ng oras upang libutin ang lugar at kumuha ng mga larawan habang tinatamasa ang tanawin sa lugar.

Ipinagpatuloy naman sa hapon ang mga aktibidad sa pamamagitan ng Charades, Build a Tower, at Find the Treasure. Ang bawat laro ay nagbigay ng pagkakataon para sa mga miyembro na maipakita ang kanilang kakayahang makipag-usap, makipagtulungan, at palakasin ang kanilang mga ugnayan sa isa't isa.

Kasabay ng team-building activity, isinagawa rin ang halalan para sa mga posisyon ng Editor-in-Chief, Associate Manager, Managing Editor, at Circulation Editor, gayundin para sa mga miyembro ng Editorial Board. Nahalal si King Yuri Felizmenio bilang bagong Editor-in-Chief.

Sa pagtatapos ng gawain, sama-samang nilinis at inayos ng mga miyembro ang venue bago tuluyang umuwi, bilang huling gawain ng kanilang buong araw na pagtutulungan.

Isinulat ni ๐˜”๐˜ข๐˜ฆ ๐˜Ž๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฐ
Larawang kuha nina ๐˜ž๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฆ๐˜ช ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜‘๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ at ๐˜๐˜ท๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฐ

๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐š, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‚๐’๐‘๐€Nagkaisa ang buong komunidad ng Colegio de San Rafael A...
18/08/2026

๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐š, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐‚๐’๐‘๐€

Nagkaisa ang buong komunidad ng Colegio de San Rafael Arcangel sa pagdiriwang ng Banal na Misa noong Agosto 7, 2026, bilang bahagi ng pagpapatibay ng pananampalataya at pagpapahalaga sa Kristiyanong pamumuhay.

Pinangunahan ang banal na pagdiriwang ni Rev. Fr. Juan Pablo Carpio, na nagbahagi ng homiliyang nakatuon sa temang "Home of Discipleship." Binigyang-diin niya na ang mga pagsubok na hinarap ng mga disipulo ni Hesukristo ay hindi upang sila'y pahirapan, kundi upang higit na mahubog ang kanilang pananampalataya, katapatan, at disiplina. Hinikayat din niya ang bawat isa na huwag sumuko sa kabila ng mga hamon sa buhay, sapagkat ang mga disipulo ay naging matatag at disiplinado sa pamamagitan ng kanilang pagsunod at pagsasabuhay ng mga turo ni Hesukristo. Ipinaalala rin niya na ang tunay na disiplina ay nagmumula sa pagsunod sa mga aral ni Hesus.

Dagdag pa niya, ang mga magulang at g**o ay nagsisilbing gabay sa paghubog ng kabataan, ngunit ang Panginoon ang tunay na sandigan sa paglinang ng mabuting asal at pagiging responsableng anak, mag-aaral, at Katoliko.

Bago tuluyang magtapos ang Banal na Misa, isinagawa rin ang koronasyon ng Little St. Maria Goretti at St. John Mary Vianney bilang bahagi ng pagdiriwang ng pananampalataya at debosyon sa mga banal. Binigyang-pugay si St. Maria Goretti bilang huwaran ng kadalisayan, pagpapatawad, at katapangan, habang si St. John Mary Vianney naman ay kinilala bilang patron ng mga pari at huwaran ng panalangin, pagpapakumbaba, at pagtatalaga sa Diyos.

Ayon kay Bb. Andrea Nicole Labios, g**o ng mga bata, nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang buhay ng mga banal upang mahubog ang mga bata sa pananampalataya, pag-ibig, at debosyon sa Diyos.

Sa pagtatapos ng Banal na Misa, hinikayat ang bawat isa na patuloy na isabuhay ang disiplina at pananampalataya bilang tunay na mga disipulo ni Kristo sa loob at labas ng paaralan.

Isinulat ni ๐˜—๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ช๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ
Larawang kuha ni ๐˜ž๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฆ๐˜ช ๐˜›๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ

๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ค๐šโ€™๐ญ ๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ , ๐ญ๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐šNoong ika-3 ng Agosto, binigyang-hudyat ang pagbubukas ng Buwan...
18/08/2026

๐Œ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ค๐šโ€™๐ญ ๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ , ๐ญ๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š

Noong ika-3 ng Agosto, binigyang-hudyat ang pagbubukas ng Buwan ng Wika sa Colegio de San Rafael Arcangel (CSRA) na may temang โ€œ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐‘ฐ: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’."

Matapos ang matagumpay na pagbubukas ng nasabing pagdiriwang, idinaos nitong Biyernes, ika-7 ng Agosto, ang ibaโ€™t ibang patimpalak na sumubok at nagbigay-daan sa paglinang ng kakayahan at talento ng mga mag-aaral.

Pinangasiwaan ng mga miyembro ng kaguruan at mga boluntaryo ang bawat kategorya ng patimpalak upang matiyak ang maayos na daloy ng mga aktibidad sa ibaโ€™t ibang antas.

Isa sa mga pinakaaabangang tampok ng pagdiriwang ang paligsahan sa pag-awit na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang baitang, gayundin ng mga g**o. Nagbigay-sigla sa programa ang mga solista sa pamamagitan ng kanilang mga natatanging tinig at pagtatanghal. Sinundan ito ng patimpalak sa tambalang mang-aawit na naghatid ng panibagong himig at saya sa mga manonood.

Sa pangwakas na bahagi ng paligsahan, ipinamalas naman ng mga kinatawang g**o mula sa Special Needs Education (SNED), antas ng elementarya, junior high school, at senior high school ang kanilang natatanging talento sa pag-awit. Ang kanilang pagtanghal ay naghatid ng positibong enerhiya at saya sa buong komunidad ng paaralan.

Isinulat ni ๐˜Œ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ต ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข
Larawang kuha nina ๐˜’๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ป๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜‘๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ

๐“๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐ข๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Matagumpay na isinagawa ang patimpalak na T...
18/08/2026

๐“๐š๐ ๐ข๐ฌ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐ข๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Matagumpay na isinagawa ang patimpalak na Tagisan ng Talino ngayong Biyernes, ika-7 ng Agosto 2026, bilang isa sa mga tampok na gawain sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.

Isinagawa ang paligsahan sa ilalim ng temang, "๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐‘ฐ: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’," na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa wikang Filipino at sa responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pananaliksik at paghahanap ng impormasyon.
May apat na kategorya ang patimpalak, mula sa Primarya hanggang Senior High School. Lumahok ang mga kinatawan mula sa bawat departamento ng paaralan at nagpaligsahan sa kani-kanilang kategorya sa serye ng mga tanong na sumubok sa kanilang kaalaman sa wikang Filipino, panitikan, gramatika, at iba pang kaugnay na paksa. Ayon sa mga tagapag-organisa, gaganapin ang paggawad ng parangal sa mga magwawagi sa Agosto 14, 2026.

Ang patimpalak ay nagsilbing daan upang higit pang mapalalim ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino, kasabay ng pag-unawa sa papel ng artificial intelligence (AI) bilang makabagong kasangkapan sa pananaliksik at pagkalap ng impormasyon.

Isinulat ni ๐˜ก๐˜ข๐˜ช๐˜ซ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜Ž๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ป๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด
Mga larawang kuha ni ๐˜’๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช ๐˜๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ป๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜‘๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ

๐’๐‡๐’ ๐‘๐š๐ฉ๐ก๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐๐’๐”๐€Bilang bahagi ng kanilang asignaturang Practical Research 2, nagtungo ang mg...
18/08/2026

๐’๐‡๐’ ๐‘๐š๐ฉ๐ก๐š๐ž๐ฅ๐ข๐š๐ง๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐๐’๐”๐€

Bilang bahagi ng kanilang asignaturang Practical Research 2, nagtungo ang mga mag-aaral ng Grade 12 Senior High School ng Colegio de San Rafael Arcangel (CSRA) sa aklatan ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) nitong Agosto 5, 2026. Layunin ng pagbisitang ito na mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong magkaroon ng akses sa ibaโ€™t ibang literatura at malawak na impormasyong makatutulong sa pagsasagawa ng kanilang pananaliksik.

Pinamunuan nina Bb. Avegail T. Temporal at G. Daryl C. Robrigado, mga g**o sa Practical Research 2, ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang strand tulad ng HUMSS, STEM, ABM, at GAS. Isinagawa ang pagbisita sa aklatan mula 8:30 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Nilalayon ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral, partikular sa mga sangguniang pananaliksik, kabilang ang mga lokal at internasyonal na literatura na nagsisilbing batayan ng kanilang pag-aaral.
Ayon sa OIC University Librarian na si G. Geofrey M. Almazar, sinisikap ng aklatan na matiyak na ang bawat panauhin ay makalabas na taglay ang kinakailangang impormasyon at makitang naging kapaki-pakinabang ang kanilang pagbisita sa pagsasagawa ng pananaliksik. โ€œ๐‘ฒ๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’‚๐’๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’” ๐’Œ๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Œ๐’–๐’‰๐’‚ ๐’Œ๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’Ž๐’. ๐‘ณ๐’‚๐’๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’” ๐’Œ๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’”๐’‚๐’š๐’‚ ๐’Œ๐’‚, ๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’•๐’Š ๐’Œ๐’‚,โ€ pahayag niya.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagkaroon ng pagkakataong makapagkuha ng larawan ang mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang strand kasama ang mga kawani ng aklatan ng CBSUA bilang paggunita sa isinagawang aktibidad.

Isinulat ni ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜น๐˜ข ๐˜‰๐˜ข๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฐ
Mga larawang kuha ni ๐˜‘๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‚๐’๐‘๐€โ€Žโ€ŽPormal nang binuksan ng Colegio de San Rafael Arcangel (CSRA) ang pag...
18/08/2026

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐ฌ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐‚๐’๐‘๐€
โ€Ž
โ€ŽPormal nang binuksan ng Colegio de San Rafael Arcangel (CSRA) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ngayong ika-3 ng Agosto, na dinaluhan ng mga administrador, g**o, at mga mag-aaral.
โ€Ž
โ€ŽSa ilalim ng temang, โ€œ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐‘ฐ: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’,โ€ binigyang-diin ng pagdiriwang ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang katuwang ng makabagong teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman at pananaliksik.
โ€Ž
โ€ŽBinuksan ang programa sa pamamagitan ng panalangin, pag-awit ng pambansang awit, himno ng paaralan, at panunumpa sa watawat ng Pilipinas. Sinundan ito ng pambungad na pananalita at simbolikong pagbubukas ng pagdiriwang na pinangunahan ng pamunuan ng paaralan bilang opisyal na hudyat ng pagsisimula ng selebrasyon. Naging tampok din ang pampasiglang bilang nina Seven Tatlongmaria, Audrey Tiffany Rimando, Kenn Nathan Dumalaza, at Lorence Dela Rama, na nagbigay ng sigla at kulay sa okasyon.
โ€Ž
โ€ŽLayunin ng taunang pagdiriwang na patibayin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang susi sa pagkakaisa, pagkakakilanlan, at pag-unlad, maging sa panahon ng artificial intelligence.
โ€Ž
โ€ŽInaasahang magpapatuloy ang pagdiriwang sa buong buwan ng Agosto sa pamamagitan ng iba't ibang patimpalak at gawaing pangwika na magpapalalim sa pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Isinulat ni ๐˜ก๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜”๐˜ข๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ด
Larawang kuha nina ๐˜๐˜ท๐˜ข๐˜ฏ ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜™๐˜ฆ๐˜ข ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฐ

Address

San Antonio
Pili
4418

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+63544773213

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Colegio de San Rafael Arcangel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category