05/06/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ, ๐๐ป๐ฟ๐ผ๐น๐น๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฃ๐ก๐๐ฆ, ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐
PILI, CAMARINES SUR- Matagumpay na nairaos ng San Jose Pili National High School ang limang araw na Brigada Eskwela na may temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ at kasabay ng opisyal enrollment ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Pormal na binuksan ang aktibidad noong Hunyo 1, 2026 sa pamamagitan ng isang maliit na programa para sa Brigada Kick-off na sinundan agad ng pagtanggap ng mga enrollees mula Baitang 7 hanggang 12. Kasabay nito ang pagdalo ng mga magulang at ang pagboluntaryo para sa unang serye ng paglilinis ng mga silid-aralan. Naganap din sa araw na ito ang pagsagot ng mga enrollees sa Baitang 7 at 11 ng Literacy at Numeracy Assessment Test upang malaman ang kanilang mga kakayahan sa pagbasa at numero bilang isang estudyante.
Sa ikalawang araw, itinuon ng pamunuan ng paaralan ang pokus ng enrollment at Brigada Eskwela para naman sa mga mag-aaral ng Baitang 7 hanggang 9 upang masig**o ang maayos na daloy ng proseso at maiwasan ang init at pagsisiksikan ng mga tao. Kasabay din sa araw na ito ang pagsagawa muli ng mga Assessment test para sa mga estudyante sa Baitang 7.
Pansamantala namang natigil ang enrollment at paglilinis sa ikatlong araw upang bigyang-daan ang naka-iskedyul na release of report cards. Dito ay personal na nakipag-ugnayan ang mga g**o sa mga magulang upang ipamahagi ang mga marka at pag-usapan ang akademikong progreso ng mga bata.
Ipinagpatuloy ang enrollment sa ikaapat na araw para naman sa mga papasok na mag-aaral ng Baitang 10 hanggang 12, kasabay ng muling pag-arangkada ng Brigada Eskwela sa ibaโt ibang pasilidad ng paaralan at ang mga pagtataya para sa Baitang 11. Naganap din sa araw na ito ang oryentasyon para sa mga Baitang 11 upang malaman nila ang panibagong curriculum na ipinatupad ng Department of Education (DepEd).
Sa huling araw, binuksan muli ang enrollment para sa lahat ng antas (Baitang 7 hanggang 12) upang iakma ang huling humabol na estudyante at pinagpatuloy din sa araw na ito ang mga pagtataya para sa Baitang 7 at 11. Kasabay nito, tinapos ng mga boluntaryo ang huling yugto ng Brigada Eskwela upang matiyak na ligtas, malinis, at handang-handa na ang buong paaralan para sa pagbabalik-eskwela.
โ๏ธ | Zyanah Nuรฑez
๐ท | Vince Zendrick Aguilar
MC Galvante
Prince Clifford Zamora
Kurt Andrei Alzate
Allen Acunin
Raven Alde
05/06/2026
๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐๐บ ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฒ
This Pride Month, let us raise the rainbow flag for everyone to see. Every color tells a storyโof love, of freedom, and of belonging. It represents what and who we are without worry, nor doubt. Let the flag stand unwaveringโeven when the wind blows strongest, it stays firm, bright, and visible. It serves as a reminder for each and every one of us that every person matters, everyone is heard, valued, and acceptedโa reminder that we are exactly where we belong.
Be loudโspeak your truth, do not let anything hold you back. Share your story, let your voice be heard loud and far. You have nothing to feel ashamed of. Never hide portions of yourself just to become someone who fits othersโ standards, and just to make them comfortable. Your words matter. Let your voice soar, and be part of something more.
Be proudโcarry your identity and journey with honor and joy. Let everyone see all parts of who you are, the paths you have walked through, the person it wove, and the person you are still becoming. Walking with confidence will not make you less of a person. Be you without being sorry.
Stand outโwalk with honor, and celebrate with joy. Do not be afraid to shine in your own unique light and wear your colors with honor. You were never meant to blend in, you are meant to be unique, to be yourself in your own way. Our differences are our greatest strength, and what makes this world more colorful. Walk tall, and let your true self shine unapologetically.
โ๏ธ | Carla Mae C. Peรฑaranda
๐ผ๏ธ | Ian Lance Sarmiento
04/06/2026
๐๐ข๐ข๐ | ๐ฆ๐๐ฃ๐ก๐๐ฆ' ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ'๐ ๐๐ผ๐ป๐๐ถ๐ป๐๐ผ๐๐ ๐ฆ๐๐ฐ๐ฐ๐ฒ๐๐
On June 04, 2026, another productive day of Brigada Eskwela at San Jose Pili National High School themed โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ had effectively taken place. With the help of the teaching and non-teaching staffs, students, parents, and other volunteers that rendered services in cleaning and maintenance of each area inside the school, specially within each the classrooms, along as gathering heartfelt donations to be used during the Brigada Eskwela and throughout the S.Y. 2026-2027.
Aside from the Brigada Eskwela, the 3rd day of enrollment was also accomplished. The enrollment activity centered on Grade 10, Grade 11, and Grade 12 as planned. Enrollment personnel ensured that documents were properly verified and parents received guidance throughout the process to maintain an orderly flow. The numeracy and literacy assessment for incoming Grade 7 students was also continued to determine their placement and readiness for their new journey in junior high school.
Through collective effort and bayanihan spirit, SJPNHS continues to foster a stronger and more inclusive learning community. This ongoing work is the way of preparation for the upcoming school year.
โ๏ธ | Marielle Beralde
Carla Mae Peรฑaranda
๐ท | Allen Acunin
Raven Alde
02/06/2026
๐๐ข๐ข๐ | ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ฉ๐ผ๐น๐๐ป๐๐ฒ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐ฃ ๐๐ผ๐ถ๐ป๐ ๐ฆ๐๐ฃ๐ก๐๐ฆ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ
June 2, 2026, marked another productive day of Brigada Eskwela at San Jose Pili National High School, where the spirit of teamwork and bayanihan was truly clear. Students, Parents, Teacher, Community members, and Bureau of Fire Protection (BFP) volunteers, came together to clean classrooms, clear school grounds, and improve school facilities in preparation for the opening of classes.
According to FO1 Kendrick Dale O. Lasam and FO1 John Paul M. Robrigado "Bilang kabali ng bureau of fire protection kaipuhan tang siguruhon na ang satong eskwelahan bako sanang malinig at maayos kundi ligtas man laban sa sunog asin iba pang kalamidad". Their collective efforts reflected a shared commitment to providing learners with a safe, clean, and welcoming environment where they can learn and study.
Beyond the clean-up activities, the school remained active with ongoing enrollment for incoming Grade 7 to Grade 9 learners, ensuring that students are ready for the new academic year. Literacy activities for Grade 7 students were also conducted to evaluate a student's ability to decode texts, comprehend complex meaning, and communicate effectively.
Through the dedication and cooperation of everyone involved, San Jose Pili National High School continues to build a stronger and more supportive learning community, ready to face the challenges and opportunities of the coming school year.
โ๏ธ | Christian C. Olos
๐ท | Vince Zendrick Aguilar
Zyanah A. Nuรฑez
01/06/2026
๐๐ข๐ข๐ | ๐ฆ๐๐ฃ๐ก๐๐ฆ ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ฐ๐ธ-๐ผ๐ณ๐ณ ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐ฟ๐๐ ๐ง๐ถ๐บ๐ฒ
On June 1, 2026, San Jose Pili National High School (SJPNHS) led the division kick-off Brigada Eskwela 2026 for the first time with the theme of "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman."
Honorable guests present in the event were School Principal Marijane B. Matucad, PSDS Pili West District Baby Carlos P. Fajardo, Hon. Loradel E. Alamoโ the Barangay Captain of San Jose, Pili, Francia O. Salesโ Co-chairperson SGC, Norma B. Samantela Ceso Vโ SDS, SDO-Camarines Sur and the Mayor of the Municipality of Piliโ Hon. Marivic V. Solano. A video message was sent by the Secretary of Education Juan Edgardo Angara.
The program started with an energetic performance and community dance led by the SJPNHS DXC and MAJORETTES. Cleaning supplies such as brooms, brushes, and many more were used as props to the danceโ matching the movement with the beats of "Hawak mo ang beat".
In addition, sponsorships also visited the campus to promote products and services such as Rosari Optical Clinic, Varilux XR Series Essilor, LSBโ a subsidiary of BPI (Teachers Loan).
Hon. Loradel E. Alamoโ the barangay captain of San Jose, Pili stated "Bilang ina kang barangay, yaon an suporta mi lalo na pag abot sa academics. Yaon lang po ang suporta mi igdi." as she states the full support for the kick-off of the division brigada eskwela.
Furthermore, donations were also made. With Maam Anita Orobia: "We are donating 5 thousand pesos for this brigada." Additionally, the honorable Hon. Marivic V. Solano donated 20,000 pesos for this kick-off. Sir Peter also donated 2,000 pesos. And the Parent, and Teacher Assembly (PTA) Division donated 3,000 pesos.
To close off the program, Maam Jael P. Olaรฑoโ the School Brigada Eskwela Coordinator stated their full gratitude to the officials, stakeholders, to those that donated and attended the opening program."In one heart, in one goal, everything will happen." โMaam Jael P. Olaรฑo stated.
โ๏ธ | Vince Zendrick Aguilar
๐ท | Marie Claire Galvante
01/06/2026
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ
Sino nga ba ang mas nakasusuklam? Ang opisyal na nagnakaw umano sa kaban ng bayan o ang mga mambabatas na biglang nagka-konsensya dahil magkaiba na sila ng partido? Bulag ang sistema sa marangyang krimen ng mayayaman, subalit dilat na dilat ang lupit nito kapag ang mahihirap na ang nasasakdal.
Hindi na ito isang simpleng pulitika lamang; ito ay isang lantarang giyera ng mga naghaharing-uri. Pormal nang umupo bilang Impeachment Court ang Senado nitong Mayo 18, 2026 upang litisin si Bise Presidente Sara Duterte, matapos siyang i-impeach ng Kamara. Matapos ibasura ng Korte Suprema ang unang pagtatangka noong 2025 dahil sa teknikalidad, tuluyan nang gumuho ang pader ng proteksyon ng Bise Presidente. Sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano bilang presiding officer, nasasaksihan natin ngayon ang pinakamalaki at pinakamaduming teleseryeng pulitikal sa kasaysayan ng bansa.
Nakatakdang magsimula ang trial proper sa Hulyo 6, 2026, kung saan gagawing korte ang Senado tuwing Lunes hanggang Miyerkules ng hapon. Binigyan ng Senado ang Bise Presidente ng huling palugit hanggang Hunyo 1, 2026 upang sagutin ang mga paratang โ mga paratang na hindi biro. Nahaharap si Duterte sa apat na naglalakihang articles of impeachment: ang maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds; panunuhol sa mga opisyal ng DepEd; hindi maipaliwanag na bilyong pisong yaman sa mga bank account; at ang lantarang pagbabanta sa buhay ng Pangulo.
Bagamat pinalalabas ng House prosecution panel na selyado at matatag ang kanilang mga ebidensya, halatang-halata na ang motibo ay hindi ang paghahanap ng katotohanan kundi ang tuluyang pagbura sa kabanata ng mga Duterte. Hindi maitatwa na ang mga kasong ito laban kay Sara Duterte ay patunay na talamak ang kawalan ng pananagutan sa kaban ng bayan. Ang garapalang paggasta ng daan-daang milyong piso sa loob lamang ng ilang araw nang walang malinaw na resibo at ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa kaniyang mga bank account ay isang malaking sampal sa mga naghihirap na Pilipino. Hindi pwedeng gamitin ang salitang โconfidentialโ bilang lisensya sa korapsyon at pag-iwas sa audit. Kung tunay siyang tapat sa bayan, bakit kailangang dumaan sa ganitong marahas na proseso bago mailatag ang katotohanan? Nararapat lamang ang paglilitis na ito upang basagin ang kultura ng kawalang-parusa ng mga nasa kapangyarihan.
Ang mas malaking trahedya rito ay ang kawalan ng kredibilidad ng mismong Senado na tatayong mga โSenador-Hukom.โ Paano natin aasahan ang isang patas na paglilitis kung ang karamihan sa mga senador ay may kani-kaniyang kulay, ambisyon sa 2028, at utang na loob sa Malacaรฑang? Si Senate President Cayetano mismo ay may mahabang kasaysayan ng pabago-bagong alyansa. Ang 16 na botong kailangan upang mapatalsik si Duterte ay hindi ibabase sa bigat ng ebidensya, kundi sa kung magkano ang presyo ng kompromiso o kung aling partido ang mas makikinabang.
Ang makasaysayang impeachment na ito ay hindi magpapasikat sa Pilipinas, kundi magpapakita kung gaano kabulok ang ating sistema. Kung ang paglilitis sa Hulyo 6 ay mauuwi lamang sa bentahan ng boto at politikal na pagpapakitang-tao, tuluyan nang mamamatay ang tiwala ng taumbayan sa demokrasya. Nililitis si Sara Duterte sa kaniyang mga maling gawain, ngunit kasabay nito ay nililitis din ang isang gobyernong handang sunugin ang buong institusyon para lamang sa kapangyarihan. Walang bayani sa kuwentong ito; ang mga nag-aakusa at ang inaakusahan ay pare-parehong sumasayaw sa iisang musika ng pansariling interes habang ang sambayanang Pilipino ang nagbabayad ng pamasahe sa kanilang moro-moro.
Hindi nakakatakot ang gobyernong may kapangyarihan; ang nakakatakot ay sila lamang ang may kakayahang pumili kung sino ang pananagutin. Huwag tayong pumili ng kakampihan sa dalawang paksiyon na parehong may pansariling interes; sa halip, bantayan natin ang proseso nang may matalas na kritisismo. Gamitin natin ang ating mga boses upang kondenahin ang korapsyon ng Bise Presidente, habang sabay nating kinakalampag ang Senado na huwag gawing palengke ang impeachment court. Singilin natin sila ng hustisyang walang kinikilingan, dahil kung hindi tayo kikilos, habang-buhay tayong magiging bihag ng kanilang maruming laro. Dahil sa huli, ang hustisyang namimili kung sino ang sisisilipin ay hindi tunay na hustisya, kundi isang batas na pikit-mata.
โ๏ธ | Zyanah A. Nuรฑez
๐ผ๏ธ | Carla Mae C. Peรฑaranda
31/05/2026
๐๐ฟ๐ถ ๐ถ๐ ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ, ๐ฎ๐ป๐ผ? ๐ง๐ฎ๐ฟ๐ฎ?!
This is it pancit! Ready na ba, Joseans?
Label your calendar now as June 1, 2026, marks the beginning of the first step for the upcoming School Year 2026-2027, Brigada Eskwela, the most awaited sign that we are about to embark on a new journey! Hindi tulad ng ka-chat mo na puro mixed-signals lang ang binibigay! ๐๐ซข
Starting June 1, until June 5, letสผs romanticize being a responsible and helpful students rather than just romanticizing ka-delulu-han! ๐ค Itสผs finally time to turn the โOMG! Nag-chat na siya!โ to โFinally! Brigada na!โ
So when someone invited you ng, โAno? Tara?โ Gora na! Spare brooms? Rugs? Padlocks? Paints? And even floorwax that youสผre afraid that might go to waste? Dalhin mo na!
At since mukhang quality time naman ang love language mo, why not invite your friends? Classmates? Kahit yung crush mo pa! ๐ Turn sweeping and scrubbing into a wondrous and sweet activity to do ngayong Brigada season! And the catch? ๐คญ May memory to treasure ka na, may brigada slip ka pa! ๐คช
26/05/2026
๐๐ข๐ข๐ | New Three-Storey School Building Expected to Ease Classroom Shortage
A newly completed three-storey school building has now been officially completed at San Jose Pili National High School that is expected to solve the shortage of classrooms and shifting of classes. This new building should improve the overall learning environment for the students and school personnel as the school makes an effort to expand campus facilities.
The funding to build the new structure was sourced from the national government through the General Appropriations Act (GAA), with implementation carried out through the Department of Education (DepEd) and the Department of Public Works and Highways (DPWH).
The new building contains nine classrooms with three rooms located on each floor. The additional learning spaces are anticipated to reduce the congestion of classrooms and to minimize shifting of classes that students experienced during the school years 2024-2025 and 2025-2026.
The building is solar-powered and is equipped with water pumps to ensure consistent water pressure across all floors. It is now equipped with four fluorescent bulbs and ceiling fans in each classroom. CCTV cameras are installed on each floor to ensure campus safety and security measures. It is also equipped with ramps specialized for persons with disabilities (PWDs). These features are expected to help students to ensure quality and accessibility to all students.
Despite the addition of nine new classrooms to the campus, whole-day classes are still not expected as the school faces a shortage of classrooms due to the overpopulation of students on campus.
โAng building na ito ay para sa inyo. Ang hinihingi lang namin ay mag-aral nang mabuti at mangarap.โ School Principal Marijane B. Matucad said as a message to the students to continue and value education.
โ๏ธ | Vince Zendrick Aguilar
๐ท | MC Galvante
24/05/2026
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ฎ: ๐ ๐ด๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ป๐ถ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
Magkano na lang ang mararating ng isang libong piso mo ngayon sa palengke? Sa bawat araw na lumilipas, kasabay nito ang patuloy at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Lahat ay apektado, at ramdam ng bawat pamilyang Pilipino ang bigat ng pagbabagong ito sa ekonomiya. Ang implasyon ay hindi lamang simpleng pagtaas ng presyo, kundi isang tanikalang unti-unting gumagapos at nagpapabigat sa kabuhayan ng karaniwang mamamayan.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng malaking pagtalon ang pangkalahatang antas ng implasyon ng bansa. Mula sa 4.1 porsyento noong Marso 2026, ito ay tumaas nang husto at umabot sa 7.2 porsyento nitong Abril 2026. Ang ganitong paggalaw ay mas kapansin-pansin kapag inihambing sa nakaraang taonโdahil noong Abril 2025, ang antas ng implasyon ay naitala lamang sa 1.4 porsyento. Kung titingnan ang kabuuan sa unang apat na buwan ng taon, ang karaniwan na implasyon mula Enero hanggang Abril 2026 ay nakatayo sa 3.9 porsyento, isang malinaw na senyales na patuloy na bumibilis ang paggalaw ng mga presyo sa buong bansa.
Kasabay rin nito ang paghina ng halaga ng piso kumpara sa dolyar. Ayon pa rin sa datos, ang halaga ng โฑ1.00 noong taong 2018 ay katumbas na lamang ng โฑ0.75 sa kasalukuyang taon. Sa simpleng salita, ang mga produktong nabibili mo sa halagang โฑ750 noong 2018 ay kailangan nang ibayad sa halagang โฑ1,000 ngayong Abril. Ipinapakita nito kung paano lumiliit ang halaga ng ating salapi at nababawasan ang kakayahan nitong tumugon sa ating mga pangangailangan.
Bahagi rin ng sanhi nito ang tumitinding tensyon at kaguluhan sa Gitnang Silangan, isang pangunahing pinagmumulan ng suplay ng langis sa buong mundo. Dahil dito, naaapektuhan ang daloy ng suplay at tumaas ang presyo ng gasolina at diesel sa pandaigdigang pamilihan, na agad ding naramdaman sa loob ng bansa at nagdulot ng karagdagang bigat sa gastusin ng lahat.
Ang bawat sentimong idinadagdag sa presyo ng mga bilihin, gasolina, at diesel ay hindi lamang usapin ng numero. Isa itong mabigat na pasanin na direktang nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhayโ hindi lamang sa mga namamasada at mga ordinaryong komyuter, kundi sa lahat na mamamayang pilipino na maliit lamang ang kinikita at sinasahod.
Para sa mga manggagawa at may maliliit na kabuhayan, ang bawat pagbabago sa presyo ay may direktang epekto sa kanilang bulsa. Ang dating sapat na kita para sa pangangailangan ay nagiging kulang pa, habang ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay patuloy na tumataas. Ang dating kayang bilhin ay nagiging hirap nang abutin dahil sa bilis ng pagbabago sa ekonomiya.
Masakit isipin na sa kabila ng mga pangakong pagbaba ng presyo at pag-unlad ng ekonomiya, marami pa rin ang patuloy na naghihirap. Para sa karaniwang mamamayan, ang mga pangakong ito ay tila napakoโnananatiling salita na walang konkretong katuparan habang sila ay pasan ang bigat ng tumataas na gastusin.
Dahil dito, kailangan nang kumilos nang mabilis at tiyak ang pamahalaan upang mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo at maprotektahan ang kapakanan ng mamamayan. Kinakailangan siguruhin na ang mga tulong pinansyal at subsidiya ay direktang makararating sa mga pinaka-nangangailangan, habang mahigpit na binabantayan ang mga presyo upang maiwasan ang panlalamang at pagtatago ng paninda ng ilang negosyante. Kasabay nito, dapat ding isaalang-alang ang pagtaas ng sahod na akma sa kasalukuyang halaga ng pamumuhay, upang hindi lalong maiwan at maghirap ang mga manggagawang Pilipino.
Sa huli, ang implasyon ay hindi lamang isyung pang-ekonomiya kundi isang malalim na usaping panlipunan. Hanggaโt hindi natutugunan ang mga ugat na sanhi ng mabilis na pagtaas ng presyo at kahinaan ng ating salapi, mananatiling nakabaon ang sambayanan sa hirap, at mananatiling tanikala ang implasyon na pumipigil sa pag-asenso ng bawat Pilipino.
โ๏ธ | ๐ฏ๐๐๐๐ผ๐พ Clifford Zamora
๐ผ๏ธ | ๐ข๐บ๐๐
๐บ ๐ฌ๐บ๐พ ๐ข. ๐ฏ๐พ๐ฬ๐บ๐๐บ๐๐ฝ๐บ