20/03/2026
Next School Year po padeworm ta po mga aki. 😊
Alamin: Ano nga ba ang deworming o purga sa mga bata
🤔Dok,Totoo ba na kung saan-saan lumalabas ang bulate?
👉 Hindi ito totoo sa normal na sitwasyon.
✔️Kapag gumamit ng tamang gamot tulad ng Albendazole o Mebendazole: Sa bituka lang sila kumikilos.
✔️Doon nila pinapatay o pinapahina ang bulate
✔️Ang lalabas ay sa dumi lang (tae)
✔️Kadalasan, durog o hindi na nakikita
👉 Yung mga kwento na lumalabas sa ilong o bibig ay sobrang bihira at kadalasan nangyayari lang sa:
☝🏽Matinding infestation (sobrang daming bulate)
☝🏽Walang gamutan nang matagal
☝🏽At hindi ito ang typical na mangyayari sa isang normal na batang magde-deworm.
💊 May “durog” ba na lumalabas?
👉 Oo—yan na mismo ang ginagawa ng gamot.
Hindi naman literal na parang buo silang lalabas. Kadalasan:
🪱Natutunaw / nadudurog sila
🪱Nahahalo sa dumi
🪱Hindi mo mapapansin
👶 Para sa 3 years old:
👉 Safe at recommended:
✔️Albendazole 400 mg, isang beses lang
✔️Ulitin after 2 weeks
__________
Ang deworming o purga ay
👉🏼Ginagamit ang mga gamot na ito sa milyon-milyong bata
👉🏼Kasama ito sa programs ng DOH at WHO
👉🏼Ligtas at tested kapag tama ang dose
Kung kabado pa rin kayo, pwede:
✔️Ibigay ang gamot pagkatapos kumain
✔️Bantayan lang ang bata (usually wala namang problema)
⚠️Hindi kailangan makita ang bulate para masabing gumana ang gamot
💊Mga safe na gamot na pampurga
👉 Generic: Mebendazole
✔ Available sa botika
✔ May syrup (maganda sa bata)
✔ Mas “gentle” – kadalasan hindi mo makikita ang bulate
👉Generic: Albendazole
✔ 400 mg, isang beses lang
✔ Mas malakas laban sa iba’t ibang bulate
📌 Ito ay broad-spectrum na gamot laban sa iba’t ibang worms
Tandaan❗️Normal at safe ang deworming.
❌Hindi totoo na kung saan-saan lalabas ang bulate
☝🏽Mas nakakatakot pa ang hindi pagpurga (pwede magdulot ng anemia at malnutrition).
_________
Mga sintomas ng may bulate ang bata
😖 1. Pangangati ng puwit (lalo na sa gabi)
Pinaka-common, lalo na sa pinworms
Nagigising ang bata dahil sa kati
🤢 2. Pananakit ng tiyan
Paulit-ulit o minsan lang
Pwedeng may kabag o bloating
⚖️ 3. Hindi tumataba / pumapayat
Kahit kumakain naman
Dahil “inaagawan” ng sustansya ng bulate
🍽️ 4. Walang gana kumain (o minsan sobra naman)
Pabago-bago ang appetite
😴 5. Madaling mapagod / mahina
Posibleng may anemia kung matagal na
💩 6. May makikitang bulate sa dumi
Maaaring:
Maliit, maputi, parang sinulid
O mahaba (parang spaghetti)
🤮 7. Pagtatae o minsan pagsusuka
Hindi palagi, pero possible
⚠️ Minsan walang sintomas
👉 Maraming bata na walang nararamdaman, pero may bulate pa rin
👉 Kaya ginagawa ang regular deworming
🧠 Kailan dapat maghinala?
Kung ang bata ay:
Madalas magkamot ng puwit
Payat o hindi lumalaki nang maayos
May nakitang kakaiba sa dumi
👉 Possible na may bulate eto.
_________
🤔Dok, Kailan HINDI dapat magbigay ng pampurga?
👶 1. Wala pang 1 taong gulang
Hindi pa recommended ang mga gamot tulad ng Albendazole o Mebendazole
Kailangan muna ng advice ng doktor.
🤒 2. May sakit ang bata
May lagnat, ubo, trangkaso
May pagsusuka o matinding pagtatae.
👉 Hintayin muna gumaling bago mag-deworm.
😣 3. May matinding sakit ng tiyan
Lalo na kung:
Tuloy-tuloy at malakas
May kasamang pagsusuka
May dugo sa dumi
👉 Kailangan muna ma-check—baka hindi bulate ang sanhi
⚠️ 4. Malnourished o sobrang hina ng bata
Kailangan minsan i-evaluate muna ng doktor
Para maiwasan ang komplikasyon.
💊 5. Kakainom lang ng ibang gamot
Lalo na kung may iniinom para sa ibang sakit
👉 Mas mabuting kumonsulta muna
🤧 6. May allergy sa gamot
Kung dati nagka-allergy sa Albendazole o Mebendazole
❗️❗️❗️❗️❗️
🧠 Simple rule para tandaan
👉 Kung ang bata ay mukhang hindi okay o may iniindang sakit — huwag muna magpurga❌
_________
✅ Kailan naman pwede magbigay ng pampurga?
•Kung may napansin na sintomas (pangangati ng pwet, may nakita bulate sa dumi)
•Walang lagnat o matinding sintomas
•Edad ay 1 year old pataas
•Malusog na bata at gusto mo may regular na madeworm ang anak mo pwede din ibigay isang beses.
Para maiwasan ang bulate sa mga bata, ugaliin o turuan sila ng tamang proper personal hygiene
✔️Paghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo.
✔️Hugasan o linisan ang mga laruan lalo kung eto ay sinusubo sa bunganga
✔️Laging maging malinis sa kapaligiran
✔️Lagi mag tsinelas o sapatos kung nasa labas.
✔️Regular na paglinis at pagputol ng kuko.
Dr.Mitch V. Mendoza