21/08/2022
โผ๏ธโผ๏ธโผ๏ธ
Basa, mga aki!
To our dear students, pasukan na po bukas. Unahin ang kaligtasan.
1. Wag maghintay o sumakay ng sasakyan ng mag-isa. At least ride in duo.
2. Bago sumakay ng trike o habal-habal, kunan ng litrato ang plate number. Mas mabuti kung kahit ang driver ay makunan niyo ng litrato. Ipadala ang picture sa pamilya niyo. Kung may masamang intensiyon ang driver sainyo, ito ay magdadalawang isip kapag alam niya na kinunan mo siya ng litrato. Kapag tinanong kayo bakit niyo kinunan ng litrato, sabihin niyo ang dahilan at para lang ito sa inyong kaligtasan.
3. Wag magtiwala kahit kilala niyo ang driver.
4. Habang nakasakay, ugaliing magkunwari na may kausap ka sa cellphone at iparinig niyo na parang binabalita niyo sa kausap niyo kung nasaan na kayo at detalye ng sasakyan at driver.
5. Huwag maglakad ng nag iisa sa daan, lalo na kung madilim na. Magpasundo sa kapamilya ang pinakamabuting paraan.
6. Ugaliing mag-update sa pamilya kug nasaan kayo, san kayo papunta at sinu-sino kasama niyo.
7. Iwasang magpagabi. Tama na muna ang tambay kung saan-saan. Umuwi na kaagad sa bahay. Tandaan, kung makatapos kayo ng pag-aaral at magkatrabaho, maaari kayong makabili ng sariling sasakyan at mas marami pa kayong matatambayang lugar.
Tandaan. Kahit ano pa yan, unahin ang kaligtasan.
------------------------------------------------------------
CTTO