27/09/2026
DFOT-STEMAzing 2026
Ipinapaabot ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Abucay ang taos-pusong pagbati at pagkilala sa ating mga kinatawan na sina Camille V. PeriΓ±a at Rhianne Catherine M. Gocoyo sa kanilang pakikilahok sa DFOT-STEMAzing 2026 na ginanap sa Gubat National High School.
Sa ilalim ng paggabay ni Gng. Riza N. AΓ±onuevo, buong husay at dedikasyon nilang kinatawan ang ating paaralan sa mga isinagawang gawain noong Setyembre 25, 2026 (Simulation Activity) at Setyembre 26, 2026 (Contest Proper).
Ang inyong pagsisikap, determinasyon, at pagpupursige ay tunay na kapuri-puri at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa mag-aaral. Nawa'y magsilbi itong hakbang tungo sa higit pang tagumpay sa larangan ng agham, teknolohiya, inhinyeriya, at matematika.
Muli, binabati namin kayo at ipinagmamalaki ng buong paaralan ang inyong natatanging ambag at representasyon.