20/09/2021
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐ฆ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฝ๐ฟ๐๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ถ๐บ๐ฝ๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐บ๐ถ๐๐ฒ๐ฑ ๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ฒ-๐๐ผ-๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐ฐ๐น๐ฎ๐๐๐ฒ๐ ๐๐ฎ ๐ญ๐ฎ๐ฌ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
Setyembre 20, 2021 โ Nais ipabatid ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na pinahihintulutan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot implementation ng face-to-face classes sa mga low-risk areas.
Gayumpaman, nais naming bigyang-diin na ang pilot ay lalahukan lamang ng hindi hihigit sa 100 na mga pampublikong paaralan at 20 na mga pribadong paaralan. Ang mga paaralang ito ay matatagpuan sa mga minimal-risk areas base sa pamantayan na itinakda ng Department of Health (DOH), at kinakailangan na pumasa sa safety assessment gamit ang school safety assessment tool ng DepEd, at mayroong suporta ng lokal na pamahalaan sa anyo ng resolusyon o sulat ng pagsuporta. Habang ang mga pampublikong paaralan ay nakatapos na sa selection process, ang mga kalahok na pribadong paaralan ay kinakailangan pang dumaan sa selection.
Dagdag pa rito, ang mga kalahok na paaralan ay kinakailangang may written support at pahintulot ng mga magulang na lalahok sa pilot. Walang mag-aaral ang pipiliting dumalo sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Isasagawa ang pilot na may kombinasyon ng face-to-face classes sa paaralan at distance learning modalities nang dalawang buwan. Ang face-to-face classes ay dapat na isagawa nang half-day nang pasalit-salit na linggo, na ang mga kalahok na paaralan ay titiyakin na ang iskedyul ng klase ay nakaayos upang lahat ng kwalipikadong mga mag-aaral ay magkaroon ng oportunidad na makadalo ng face-to-face classes.
Inihanda ng DOH at DepEd at may kasamang suporta ng World Health Organization (WHO), United Nations Childrenโs Fund (UNICEF), at iba pang mga organisasyon na dalubhasa sa kalusugan ng bata, ang operational guidelines ng pilot implementation of face-to-face learning modality ay nagbibigay ng pamantayan sa kalusugan at kaligtasan sa mga tuntunin ng personal protective equipment, sanitation, detection at referral, ventilation, contact tracing, at quarantine, koordinasyon, at contingency measures. Nakalista rin dito ang mga hakbang kung paano ihanda ang tauhan ng paaralan, mga mag-aaral, at ang komunidad bago ang pagbubukas ng paaralan.
Sa paggawa natin ng mga hakbang para sa Ligtas na Balik Eskwela, hinihimok namin ang aming stakeholders na ipagpatuloy ang Bayanihan para sa tagumpay ng pagsisikap na ito at ang kaligtasan ng ating mga g**o at mga mag-aaral.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/09/20/on-the-approval-of-the-pilot-implementation-of-limited-face-to-face-classes-in-120-schools/]
16/09/2021
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐ฆ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐ญ๐ฌ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฒ ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด
Setyembre 16, 2021 โ Mariing kinokondena ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahit anomang karahasan na ginagawa laban sa mga mag-aaral at mahigpit na ipinatutupad ang Anti-Hazing Act na nagbabawal sa pagsasagawa ng hazing o anomang initiation rites na may kinalaman sa mga fraternities, sororities at katulad na samahan. Kami ay nagpalabas ng mga kautusan na nagbabawal sa pagsasagawa ng hazing sa mga paaralan at nagpapataw ng parusa sa paglabag nito.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 7, s. 2006, na pinamagatang โReiterating the prohibition of the practice of hazing and the operation of fraternities and sororities in elementary and secondary schools,โ inaatasan ang mga paaralan na makipagtulungan sa mga lokal na yunit ng Department of Interior and Local Government, Department of Social Work and Development, at ng Philippine National Police upang masubaybayan at makontrol ang pagkalat ng mga fraternities, sororities at mga kahalintulad na samahan sa elementarya at sekondaryang mga paaralan sa kani-kanilang lugar.
Dagdag pa rito, ang DepEd Order No. 3, s. 2021, o ang Child Protection Unit ng Kagawaran ay binuo upang isagawa ang aming pangako sa isang zero-tolerance policy laban sa anomang uri ng pang-aabuso, pagsasamantala, diskriminasyon at pambu-bully. Anomang pagkilos na gang-related o fraternity violence na isinagawa ng mga mag-aaral ay haharapin alinsunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 18, s. 2015 o ang Guidelines and Procedures on the Management of Children-At-Risk and Children in Conflict with the law.
Sisiguruhin ng Kagawaran na ang agarang imbestigasyon ay maisasagawa. Inatasan natin ang mga paaralan na maging mas aktibo sa pagganap sa pagpigil ng anomang karahasan.
Lubos ang aming pakikiramay sa pamilya, higit lalo sa ganitong panahon, at nagdarasal na matanggap nila ang katarungang nararapat para sa kanila.
15/09/2021
Natatakot? ๐ฑ
Nangangamba? ๐ฌ
Hindi alam ang gagawin sa oras ng lindol? ๐ค
Huwag magalala dahil nandito kami para tulungan ka. Sabay-sabay nating labanan ang takot at pangamba. Tayong lahat ay maging laging handa. โ๐ช๐ผ
โ
Tandaan na ang mahalagang hakbang tungo sa kaligtasan ay ang pagiging
โ
Tara na at makiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bukas ng Huwebes, ika-8 ng umaga.
Sabi nga ni Ready Kid, sa panahon ng sakuna! ๐๐
15/09/2021
Batay sa huling datos ng enrollment ngayong araw, Setyembre 15, 2021, 2:00 AM, umabot na sa kabuuang bilang na 26,308,875 ang mga nakapagpatalang mag-aaral na papasok sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region 4-A (3,440,205), na sinusundan ng Region 3 (2,579,984), at NCR (2,415,663).
May kabuuang bilang na 20,029,767 na mag-aaral ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan; 1,668,489 sa mga pribadong paaralan; 53,292 sa SUCs/LUCs; at 4,557,327 naman sa ginanap na early registration.
Atin na ring nahigitan ang 100% na enrollment mula sa nakaraang taong-panuruan at inaasahan pang tumaas ang bilang ngayong taon para sa mga late enrollees.
Ang enrollment ay magpapatuloy hanggang Setyembre 30, 2021.
13/09/2021
The Department of Education issues DepEd Order No. 38, s. 2021 or the Extension of Enrollment Period for School Year 2021-2022.
In consideration of the current limitations and difficulties due to community quarantine restrictions in various areas, all public schools are directed to accept late enrollees until September 30, 2021 upon submission of the Modified Learner Enrollment and Survey Forms (MLESF).
For more information, read DepEd Order No. 38, s. 2021:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2021/09/DO_s2021_038.pdf
12/09/2021
In today's official opening of classes, letโs pray as one nation for this school year's successโthat we may be able to deliver quality education to all our beloved Filipino learners. ๐
12/09/2021
OBE 2021: Bayanihan para sa Ligtas na Balik-Eskwela! ๐ช๐ต๐ญ
Tunghayan ang National School Opening Day Program para sa SY 2021-2022 ngayong Lunes, Setyembre 13, 7:30 AM sa opisyal na page ng DepEd Philippines at sa lahat ng DepEd regional pages.
Makakasama natin sa programa sina DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones upang pormal na ideklara ang pagbubukas ng klase, at Presidente Rodrigo Roa Duterte upang magbigay ng kanyang mensahe.
Kitakits sa Lunes para sa panibagong simula ng isang yugto ng paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng Pilipinong mag-aaral!
[I-click ang larawan para sa buong programa]