08/09/2021
Magsisimula na po ang pasukan sa Setyembre 13, 2021 para sa taong panuruan 2021-2022.
Mga ilan lang pong paalala/gabay/tagubilin para po sa ating mga magulang ngayung darating na pasukan at sa susunod pang mga araw!
1. Modular learning pa rin po tayo. Di pa po pwede ang face to face. Bagama't ganito ang sitwasyon, ihanda po natin ang kalooban ng ating mga anak ngayung nalalapit na ang pasukan at sabihin na magsisimula na muli ang klase.
2. Kahit hindi po tayo face to face, dapat regular din po ang gising at sa tamang oras magsasagot ng modules ang mga mag-aaral. Sundan po ang Home Learning Plan na ibibigay po sa mga anak natin pagkat ito rin ang magiging gabay ninyu para magabayan din sila nang wasto sa pag-aaral ng kanilang modyul.
3. Igawa po sila ng lugar aralan o home learning space, at hindi kung saan-saan lang. Dapat po ay maayos, malinis, maliwanag , may mga kagamitan tulad ng ballpen, papel,at iba pang kagamitan na maari nilang gamitin sa kanilang pag-aaral. Laanan din sila ng sarili nilang mesa at upuan.
4. Lagi pong ilagay ang scheduled time sa lugar na madaling makikita para po magabayan ang bata at pati na rin po kayo na magulang. Kailangan din po ng bata ng healthbreak kaya maghanda pa rin ng maari nilang kainin.
5. Sa pagsagot po ng modules, hayaan po natin ang ating mga anak ang sumagot, hindi po si nanay, tatay, ate , kuya o tutor. Mahalaga po ito upang kahit papaano ay may matutunan sila. Tandaan din po ninyo na alam ni teacher kung gawa ito ng bata o hindi.
6. Ipasulat/Ipagawa/Pasagutan ang modules/activity sheets sa takdang araw upang hindi po matambakan ng gawain ang mga anak.
7. Makibahagi sa Group Chat na gagawin ni teacher para po sa pagmonitor sa klase at magabayan kayo at mga bata kung sakali man na may hindi naintindihan sa modyul.
8. Ang mga pagkakamali noong nakaraang taon ay huwag na po sana nating ulitin at magsilbing aral para mas mapabuti pa ang edukasyo ngayun bagong normal. Tandaan, kayo po ay katuwang ng ating PAARALAN para sa pagkatuto ng mga anak/mag-aaral. Nasa pagtutulungan ang ikapagtatagumpay nila.
9.Ang suporta at agarang pakikipag ugnayan sa paaralan ay malaking tulong para malapatan ng solusyon ang anumang pagkukulang sa kasanayan ng mga mag aaral bukod sa pagpapatibay ng magandang ugnayan sa pagitan ng magulang at paaralan.
Isang malugod at ligtas na pagsalubong po sa pagbubukas ng taong panuruan 2021-2022!
Para sa Bata, Para sa kinabukasan Para sa bayan!