08/08/2025
๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐ฟ, ๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐-๐๐๐๐๐?
Sa panahon ngayon, tila mas mabilis pang sumali ang ilang mag-aaral sa mga uso sa social media kaysa matapos ang kanilang mga takdang-aralin at proyekto. Ang pagiging โinโ sa TikTok o iba pang platform ay nagiging mas mahalaga kaysa sa pagiging ligtas at responsable. Hindi masama ang makisabay sa uso, ngunit kapag nalagay na sa panganib ang kaligtasan at pag-aaral, panahon na para huminto at mag-isip.
Ayon sa ulat ng Routenote (2025), mahigit 50 milyon ang aktibong TikTok users sa Pilipinas, isa sa pinakamalaking porsyento sa buong mundo. Hindi nakapagtataka na maging mabilis ang pagkalat ng mga โchallengesโ sa mga paaralan, kabilang na ang kasalukuyang na pagsabit sa rehas ng hagdan. Sa video, mukhang nakakatawa at madali, ngunit sa realidad, maaari itong magdulot ng isang malalang pinsala.
Sa ating paaralan, hindi na bago ang makita ang mga mag-aaral na abala sa paggawa ng trending videos. Minsan pa nga, sa loob mismo ng mga silid-aralan. Ang nakakabahala, mas nauuna pang makapagsumite ng entry sa social media challenge kaysa sa takdang-aralin o proyekto. Ang tanong: paano natin haharapin ang ganitong gawi na tila inuuna ang pansamantalang kasikatan kaysa sa pangmatagalang kabutihan?
Isang patunay na indikasyon ng problema ay ang mababang pagpapahalaga sa kaligtasan. Halimbawa, ang pagsabit sa hagdan, hindi lang basta gasgas o pasa ang maaaring mangyari, posibleng mabalian ng buto o, sa pinakamatindi, mamatay kung mahulog mula sa taas. Ngunit ang nakikita lamang sa video ay tawanan at โlikes.โ Ito ang panganib ng social media: tinatakpan nito ang tunay na kapahamakan sa likod ng ilang segundo ng aliw. Ang resulta, dumadami ang mga mag-aaral na napapatawag sa guidance o nabibigyan ng kaukulang interbensyon.
Isa ring malinaw na palatandaan ng maling prayoridad ng mga mag-aaral ay ang mas mabilis na pagsabay sa uso kaysa sa akademikong gawain. Kapansin-pansin sa ating paaralan na ang isang assignment o proyekto ay inaabot ng linggo bago isumite, ngunit kapag trending sa TikTok, ilang oras lang tapos agad. Ang ganitong gawi ay nagpapakita ng kakulangan sa time management at disiplinaโ mga kasanayang mahalaga hindi lang sa paaralan kundi pati sa buhay. Kung hindi ito mababalanse, unti-unting masisira ang ugali ng sipag at tiyaga na pundasyon ng tagumpay.
Ang labis na pagsunod sa mga mapanganib at walang saysay na trends ay hindi lang naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng kabataan, kundi sinisira rin ang kanilang disiplina at pagpapahalaga sa pag-aaral. Ang social media ay hindi kaaway, ngunit kung walang tamang paggamit, nagiging bitag ito para sa kabataang naghahanap ng pansin kapalit ng kanilang kinabukasan.
Kung kayang gawing viral ang kalokohan, kaya ring gawing trending ang katalinuhan.
โ๐ฝ Vivienee V. Violanda
๐ผ๏ธ Sean Amber P. Ancheta