PRNHS APSoc Dimas-Ilaw

PRNHS APSoc Dimas-Ilaw

Share

This platform aims to foster civic responsibility and national pride

Photos from PRNHS APSoc Dimas-Ilaw's post 18/05/2026
13/05/2026

May nagsabi sa akin na huwag ko nang bigyan ng pansin ang mga bagay na wala sa kontrol ko, tulad ng pulitika. "Hayaan mo na," sabi nila, "wala ka rin namang magagawa."

Maaaring tama sila kung titingnan sa personal na antas. Ngunit kung iisipin sa mas malawak na konteksto, mali ito. Kung lahat tayo ay p**iliing manahimik, mawalan ng pakialam, at tanggapin na lang ang nangyayari, mawawalan tayo ng pag-asa. Ang isang lipunan ay hindi bumabagsak dahil lamang sa may masasamang namumuno. Bumabagsak ito kapag ang mabubuti at may kakayahang magsalita ay piniling manahimik.

Kailan ka makikialam? Kailan ka makikisangkot?

10/05/2026

Behind every strong person is a mother who prayed, worked, and loved harder than anyone knew. Happy Mother’s Day, your strength is my foundation.

30/04/2026

MAYO UNO, LABOR DAY 👏

Unang ipinagdiwang ang Labor Day sa Pilipinas noong Mayo 1, 1903, nang magmartsa ang mahigit 100,000 manggagawa mula Plaza Moriones sa Tondo papuntang Malacañang para ipaglaban ang 8-hour workday at mas maayos na kondisyon sa trabaho. Ginawa itong national holiday noong 1908. Simula noon, tuwing Mayo 1 ay regular holiday na sa Pilipinas para parangalan ang kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino at maging araw ng pagpapahayag ng kanilang mga hinaing at karapatan.

28/04/2026

Maligayang Kaarawan 🎂

27/04/2026

We are elated to share that our entire department’s roster of applicants has been approved for promotion under the Expanded Career Progression.

This success story is written in the ink of hard work and the spirit of a team that refuses to settle for anything less than excellence. To our newly promoted teachers: Your time is now. Keep reaching, keep leading, and keep soaring. 👏❤️

Photos from PRNHS APSoc Dimas-Ilaw's post 27/04/2026

Important Announcement📢
Enrollment📍

Photos from PRNHS APSoc Dimas-Ilaw's post 24/04/2026

FYI 📢

ATTENTION🫵

MUST READ

22/04/2026

The Araling Panlipunan Department of Pablo Roman National High School extends its heartfelt congratulations to Mrs. Reciel S. Cayanan on her promotion to Teacher V under the Expanded Career Progression.

May this achievement inspire greater dedication and excellence in the teaching profession. 👏🎉

17/04/2026

"Nakabarong ang Salot, Nakaposas ang Salat"
ni Elvis T. Malang

Sa bayang ito, may batas na mahigpit sa dukha, at batas na marupok sa naka-kurbata.
May hustisyang mabilis sa salat, mabagal sa sikat.
May parusang agad sa hamak, may paumanhin sa ganid na tiyak.

Dito, nakabarong ang salot, nakaposas ang salat.
Ang mahirap na nagkamali, agad hinahatulan, agad pinagbabayad.
Ang makapangyarihang nagnakaw, pinagtatanggol, pinagtatakpan.
Ang walang-wala, kinukulong sa piso.
Ang meron na, nagpapakasasa sa bilyon mo.

Ninakaw nila ang kaban, ninakaw pati kinabukasan.
Binutas ang pondo, binutas din ang dangal ng bayan.
Nakabarong sa larawan, ngunit nakahubad sa katotohanan:
Hubad sa hiya, hubad sa tapang, hubad sa paninindigan.

Hangga’t ang barong ay sagisag ng kapangyarihan at hindi ng pananagutan,
Mananatiling bulag ang timbangan.
Mananatiling p**i ang katotohanan.
Mananatiling sugatan ang Inang Bayan, dahil nakabarong ang salot at nakaposas ang salat.

16/04/2026

Maligayang Kaarawan 🎉🎊

Want your school to be the top-listed School/college in Pilar?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


PRNHS
Pilar
2101

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm