03/08/2026
Agosto 3, 2026
Mahal na mga Magulang at Tagapag-alaga,
Magandang araw po!
Bilang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, ipinababatid po namin na suspendido ang lahat ng klase simula Agosto 3, 2026 hanggang Agosto 4, 2026, alinsunod sa umiiral na sitwasyon at bilang pag-iingat sa lahat.
Kaugnay nito, magkakaroon ng isang Emergency Parents' Teachers Association (PTA) Meeting sa Agosto 4, 2026 (Martes), ganap na ika-8:30 ng umaga, na gaganapin sa Silik High School Multipurpose Hall.
Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mga mahahalagang usapin at mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa ating paaralan. Dahil dito, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at pagdalo sa nasabing pagpupulong.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pakikipagtulungan, at pag-unawa. Nawa'y manatiling ligtas ang bawat isa.