DepEd RXII Sultan Memorial HS

Call Directions Contact the school

DepEd RXII Sultan Memorial HS A School of Peace �

Ang Alab ng Sultanian sa DSPC 2026!Hindi lamang simpleng panulat at papel ang bitbit ng ating mga matatapang at magagali...
03/10/2026

Ang Alab ng Sultanian sa DSPC 2026!

Hindi lamang simpleng panulat at papel ang bitbit ng ating mga matatapang at magagaling na kinatawan sa nagpapatuloy na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 sa bayan ng Midsayap, Cotabato.

Higit pa rito, dala nila ang nag-aapoy na diwa at dangal ng Sultan Memorial High School (SMHS)—isang patunay na ang bawat patak ng kanilang tinta ay lakas ng loob na naglalarawan ng katotohanan.

Sa gitna ng mababangis na tagisan ng talino at panulat, buong-giting nilang iwinawagayway ang bandila ng kahusayan:

Jonalyn Sapto

Bai Alos

Jonaisa Timan

Taya Seman

Asmaira Gumaga

Sa ilalim ng matatag na gabay at paggabay ng kanilang mga tagapayo:

Muslimin A. Maniling

Abdulnasser A. Andik
..patuloy nilang pinatutunayan na ang pusong Sultanian ay kailanman hindiuurong sa hamon ng panahon.

Ipagpatuloy ninyo ang pag-ukit ng kasaysayan. Buong-gawang sumasainyo ang buong komunidad ng SMHS!





Realidad: Pighati Habang Tawa ay Di MapigilNi Hadiguia MamengkasAng realidad natin ay puno ng sakit at pagsubok. Habang ...
02/10/2026

Realidad: Pighati Habang Tawa ay Di Mapigil

Ni Hadiguia Mamengkas

Ang realidad natin ay puno ng sakit at pagsubok. Habang tumatanda tayo, mas lalo natin itong naiintindihan. Mahirap man, ngunit kailangan nating gumising sa katotohanan na ang buhay ay hindi madali. Kahit sa mga panahong parang hindi mo na kaya, kailangan mo pa ring lumaban para sa mga pangarap na nais mong makamit.

Isa ito sa mga natutunan ko sa mga ibinahaging kwento ng aming guest speaker. Si Sir Datuali M. Bertudan, isang Senior High School teacher sa SMHS, ang nag-perealize sa akin, at maging sa iba pang mga estudyante, na ang buhay ay talagang punong-puno ng hamon. Na hindi lahat ng tao ay totoo; minsan, sa ilalim ng ngiti at tawa, mayroong nakakubling kalungkutan at sakit na pilit kumakawala, ngunit pinagtatakpan din para lamang ipagpatuloy ang laban sa buhay.

Ang aktibidad na ito na ginanap sa SMHS ngayong Oktubre 1 ay isa sa pinakamahalagang pangyayari na hinding-hindi ko malilimutan. Dahil dito, nasagot ng aming guest speaker ang aking katanungan: "Ano-ano ang mga dapat gawin kung ikaw ay nahihirapan nang lumaban para sa iyong kinabukasan?"

“Kahit gaano kahirap ang buhay, kahit madapa ka ng madapa, bumangon ka pa rin para sa iyong mga pangarap. Huwag sumuko sa mga pagsubok sa buhay,” ito ang naging makabuluhang kasagutan at payo sa akin ni Sir Bertudan.

Sa dami ng mga ibinahagi niyang kwento tungkol sa kanyang buhay, napakarami naming natutunan. Isa na rito ang katotohanang hindi hadlang ang kahirapan upang sukuan ang ating mga pangarap. Ayon sa kanyang karanasan, dumaan siya sa matitinding pagsubok, nakaranas siyang lumipat-lipat ng paaralan at may mga pagkakataon pang natigil sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Ngunit dahil sa determinasyong maabot ang kanyang mga pangarap, pinagpatuloy niya ito hanggang sa magtagumpay.

Sa dami ng impormasyong kanyang ibinigay, mayroong isang pahayag na labis na tumatak sa aking isipan: kahit gaano pa kahirap ang buhay, dapat pa rin tayong lumaban. Kahit madapa tayo ng paulit-ulit, dapat pa rin tayong tumayo at ipagpatuloy ang ating sinimulan.

Bilang isang manunulat, nais kong iparating sa aking mga kapwa kabataan na kahit gaano tayo nahihirapan sa buhay, huwag tayong sumuko. Bumangon kapag nadapa, at laging magtiwala sa ating sarili.

(Check out this stellar piece by Asmaira Gumaga, one of the most promising outputs from our recent "Ink and Impact" Basi...
02/10/2026

(Check out this stellar piece by Asmaira Gumaga, one of the most promising outputs from our recent "Ink and Impact" Basic Campus Journalism Workshop at Sultan Memorial High School.)

SMHS to Hold Ink and Impact: Journalism Workshop

By: Asmaira Gumaga
Date: October 2, 2026

TINUTULAN, Pikit, Cotabato — To sharpen the journalistic edge of its campus writers, Sultan Memorial High School (SMHS) successfully conducted its Basic Campus Journalism Workshop for school press members and aspiring writers on October 1, 2026, at the SMHS Computer Laboratory.

Carrying the theme "Ink and Impact," the workshop was designed to enhance fundamental journalistic writing, sharpen critical thinking skills, and prepare student-writers for upcoming district and division press conferences.

“Ang purpose ng workshop na ito ay para mas mapaigting ang galing ng ating mga writers at matrain ang ating mga aspiring writers,” said school paper adviser Muslimin A. Maniling, emphasizing the school's dedication to fostering credible and proactive campus journalism.

Participants underwent intensive training sessions covering various journalistic categories, including news and feature writing. Resource speakers provided practical tips, actual writing drills, and editorial standards to guide the students in producing ethical and high-quality campus publications.

Following the success of the workshop, school officials and advisers expect a stronger and more competitive lineup of campus journalists from SMHS as they gear up for the upcoming school press competitions later this year.

Basahin!Ating isigaw ang boses ng Sultanian...
23/09/2026

Basahin!

Ating isigaw ang boses ng Sultanian...

Eyes here! Tara na at magsulat...
23/09/2026

Eyes here!

Tara na at magsulat...

Louder and clearer for our amazing educators! Masayang tinanggap ng ating mga gurong patuloy na nagbibigay ng inspirasyo...
23/09/2026

Louder and clearer for our amazing educators!

Masayang tinanggap ng ating mga gurong patuloy na nagbibigay ng inspirasyon ang kanilang mga bagong lapel mics mula sa DepEd.

Dahil sa dagdag na kagamitang ito, mas maihahatid na natin ang bawat leksyon nang mas malinaw at puno ng sigla.

Maraming salamat, DepEd Cotabato Division. Ready na kaming iparinig ang boses ng pagbabago at pagkatuto!

Alhamdulillah for this incredible blessing!Sending the biggest congratulations to our very own SMHS alumni who have succ...
18/09/2026

Alhamdulillah for this incredible blessing!

Sending the biggest congratulations to our very own SMHS alumni who have successfully passed the Licensure Examination for Social Workers (LESW)!

All your hard work, late-night studies, and dedication have truly paid off. We are beyond proud to see you embody the values of compassion and leadership.

Your SMHS family will always be behind you, cheering you on every step of the way!

Thrilling!This was how the participants described their experience at the Division Learners Convergence 2026, held from ...
12/09/2026

Thrilling!

This was how the participants described their experience at the Division Learners Convergence 2026, held from September 7–9, 2026, at Antipas National High School in Antipas, Cotabato, where our delegates from Sultan Memorial High School, Pikit, Cotabato, proudly represented our institution.

Our school principal, Mr. Norsalam S. Maganod, shared an inspiring message for the team:

"To our student leaders, adviser, and chaperon: you carry the name of Sultan Memorial High School with pride. Go forth, lead with integrity, and bring back the fire of excellence to inspire others."

Congratulations to our 7 brilliant student key leaders for diving into every activity with passion and energy:

Alvin Balulao

Emran Kabunto

Ramaden Kempek

Norhanie Angkad

Ashraila Ampas

Jonaisa Timan

Junior Manisi

Special thanks to our dedicated adviser, Norhairah Maganod, and our supportive chaperon, Muslimin Maniling, for guiding them every step of the way.

Our leaders return home with sharper skills, stronger bonds, and unforgettable memories of a truly thrilling journey to share with our school community.

Wrapping up a successful INSET session led by our Principal, Mr. Norsalam S. Maganod, who reminds everyone to bring your...
10/09/2026

Wrapping up a successful INSET session led by our Principal, Mr. Norsalam S. Maganod, who reminds everyone to bring your new insights straight to real-life practice and use your learnings in everyday life.

A massive congratulations to all of you for participating, and a special round of applause for our amazing LAC Coordinator, Jeralyn C. Silagan, for flawlessly facilitating the event!

Wow!Mas malinis, mas maaliwalas, at mas ligtas na Sultan Memorial High School para sa ating mga estudyante! Ayon nga sa ...
10/09/2026

Wow!

Mas malinis, mas maaliwalas, at mas ligtas na Sultan Memorial High School para sa ating mga estudyante!

Ayon nga sa ating minamahal na Principal, Mr. Norsalam S. Maganod:

"Alagaan natin ang ating mga estudyante dahil sila ang buhay ng ating paaralan at ang pag-asa ng ating kinabukasan."

Kaya naman tuloy-tuloy ang pagdating ng ating mga bagong katuwang, ang mga bagong mowers at herbicides, para masigurong laging ligtas, malinis, at student-friendly ang ating campus para sa kanila.

Address

Tinutulan
Pikit
9409

Telephone

+639515194403

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII Sultan Memorial HS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd RXII Sultan Memorial HS:

Shortcuts

Share

Category