28/08/2026
โจ ๐๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ 2026 ๐ค๐
Sa pagsasanib ng tradisyon at teknolohiya, nakita natin ang isang henerasyong marunong magpahalaga sa ating pinagmulan habang handang yakapin ang mga oportunidad ng makabagong panahon.
๐ค๐ Ang AI ay kasangkapan. Ang teknolohiya ay daan. Ngunit ang wika at kultura ang tulay na nag-uugnay sa atin sa yaman ng kaalaman at sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Taos-pusong pasasalamat sa aming Punongguro, Teacher Langga Elena Alug Dillera sa pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga mag-aaral na maipakita ang kanilang mga talento, pagkamalikhain, at kakayahan, pati na rin ang pagkakataong makilahok, makapaglaro, at magsaya, sa mga gawaing inihanda para sa kanila. Ang mga masasayang karanasang ito ay tunay na mahalagang bahagi ng kanilang pagkatuto at paglaki. ๐
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga magulang sa kanilang walang sawang suporta, oras, at pagsisikap. โค๏ธ Dahil sa inyong pakikiisa, naging mas masaya, makulay, at makahulugan ang ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika.๐
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang mga katutubong wika!
Mabuhay ang kulturang Pilipino!
Mabuhay ang kabataang Pilipino! ๐ต๐ญโค๏ธ๐๐