DepEd Rizal-Maabot Elementary School

Directions

DepEd Rizal-Maabot Elementary School Rizal–Maabot Elementary School is a barrio school under Perez District, located in Brgy.

Rizal, Perez, Quezon—right at the boundary between Alabat, Quezon and Perez, Quezon

🇵🇭✨ MASIGLANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA! ✨🇵🇭Isang makulay, masaya, at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang i...
04/09/2026

🇵🇭✨ MASIGLANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA! ✨🇵🇭

Isang makulay, masaya, at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang isinagawa sa ating paaralan! ❤️💙💛💚

Naging tampok sa selebrasyon ang makukulay at magagandang kasuotan ng ating mga mag-aaral na sumasalamin sa yaman at kagandahan ng kulturang Pilipino. 👗👔🌺

Ipinamalas din ng bawat baitang ang kanilang mga natatanging talento at husay sa pamamagitan ng pagtula, pagsayaw, pag-awit, at sabayang pagbigkas. 🎤💃🎶📖 Tunay na kahanga-hanga ang kanilang ipinakitang talento, tiwala sa sarili, at pagmamahal sa ating sariling wika at kultura. 🇵🇭❤️

Maraming salamat sa lahat ng mag-aaral, g**o, magulang, at mga taong naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito. Sama-sama nating patuloy na mahalin, gamitin, at pahalagahan ang ating Wikang Filipino at kulturang Pilipino. 🌾🇵🇭

Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang kulturang Pilipino!❤️💙💛💚






Lubos ang aming pasasalamat sa Escalona Family, sa pangunguna ni Hon. Charizze Marie E. Escalona, kasama ang kanyang mga...
04/09/2026

Lubos ang aming pasasalamat sa Escalona Family, sa pangunguna ni Hon. Charizze Marie E. Escalona, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Architect Errol Escalona at Morel Escalona, Jr. sa napakagandang sorpresa at biyayang ibinahagi para sa ating mga mag-aaral. 🎉🎂

Maraming salamat sa inyong Jollibee treats, lunch boxes, at tumblers para sa aming mga learners! ❤️🍱🥤 Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay tunay na nagbigay ng saya at inspirasyon sa aming mga mag-aaral.

At higit sa lahat, Happy Birthday Architect Errol Escalona! 🎂🎈 Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gamitin bilang instrumento ng kabutihan sa ating komunidad.

Maraming salamat, Escalona Family! ❤️
Ang inyong munting handog ay malaking ngiti at masasayang alaala para sa aming mga mag-aaral. 🥰





📚READING VALIDATION | AUGUST 4, 2026📚Isinagawa noong  Agosto 4, 2026 ang Reading Validation upang masukat at mapatunayan...
12/08/2026

📚READING VALIDATION | AUGUST 4, 2026📚

Isinagawa noong Agosto 4, 2026 ang Reading Validation upang masukat at mapatunayan ang kasalukuyang antas ng pagbasa ng ating mga mag-aaral. 📖✨

Pinangunahan ito ng ating mga School Heads ng Perez District sa gabay at patnubay ni Doc.Rexter J. Anda, PSDS, na personal na nagsagawa ng pagbasa at pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay at pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagbasa.

Layunin ng gawaing ito na matukoy ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral at makapagbigay ng angkop na suporta at interbensyon upang higit na mapaunlad ang kanilang reading fluency, comprehension, at overall reading skills.

Sama-sama tayo sa paghubog ng mga batang mahusay, masigasig, at mapagmahal sa pagbabasa! 📚❤️





Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Pontifical Mission Society England Wales Santa Infantia, at St. Anthony De Padua P...
12/08/2026

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Pontifical Mission Society England Wales Santa Infantia, at St. Anthony De Padua Parochial Church sa inyong napakalaking suporta at kabutihang-loob sa aming mga mag-aaral. ❤️

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng school supplies at transportation allowance. Malaking tulong po ito sa aming mga mag-aaral upang masuportahan ang kanilang pag-aaral.

Lubos din po ang aming pasasalamat kay Rev. Fr. Jovito E. Olaya sa pagiging tulay at instrumento upang makarating sa aming mga mag-aaral ang mga biyaya at tulong na ito. Ang inyong malasakit at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga.

Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay nagbibigay ng malaking inspirasyon at pag-asa sa aming mga mag-aaral. Tunay na malaking bagay ang inyong pagtulong sa kanilang paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan. 🌟

Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal sa inyong pusong mapagbigay. 🙏💙





DISTRICT ATHLETIC MEET 2026🏅Noong Hulyo 11, 2026, buong husay at determinasyong lumaban ang ating mga atletang RMES Whit...
05/08/2026

DISTRICT ATHLETIC MEET 2026🏅

Noong Hulyo 11, 2026, buong husay at determinasyong lumaban ang ating mga atletang RMES White Horse sa District Athletic Meet, kung saan ipinakita nila ang kanilang talento sa Athletics at Badminton.

🎖️ Mga Nagwagi sa Athletics
🥇 Junzee Pepaño**
• Gold – 200m Run
• Bronze – 400m Run

🥈 Shantal Oblino
• Silver – 400m Run
• Bronze – 4×100m Relay

🥉 Zairech Noscal
• Bronze – 100m Run

🥉 4×100m Relay (Girls)
• Shantal Oblino, Zairech Noscal, Jessel Oliveros and Juliane Temporas

🏸 Mga Kinatawan ng RMES White Horse sa Athletics
Eusebio Susada
Xian Kurt Oreta
Jhay Em Basbas
Jann Maerick Mendoza
Lloyd Denver Obligasyon

🏸 Mga Kinatawan ng RMES White Horse sa Badminton

Boys
• Joyan A. Armando
• Vien Amiel E. Villasin
• Gian Gabriel U. Estrella

Girls
• Queen Maiden A. Diaz
• Princess Jannel M. Bas
• Mary Xiannelle L. Vezro
• Thea Agatha A. Onate

👏 Taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga atleta, coaches, at mga magulang sa inyong dedikasyon at walang sawang suporta. Ipinagmamalaki kayo ng buong Rizal-Maabot Elementary School. Patuloy ninyong dalhin ang diwa ng RMES White Horse—matatag, disiplinado, at laging handang magtagumpay.

RMES White Horse! 🐎💙🤍🏅

🥦🌿 CLASSROOM-BASED NUTRITION MONTH CELEBRATION 2026 🌿🥦Matagumpay na isinagawa ang Classroom-Based Nutrition Month Celebr...
01/08/2026

🥦🌿 CLASSROOM-BASED
NUTRITION MONTH CELEBRATION 2026 🌿🥦

Matagumpay na isinagawa ang Classroom-Based Nutrition Month Celebration noong Agosto 29, 2026 na may temang "Nutrisyon at Kapaligiran, Ating Pangalagaan!"

Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain at pagpapahalaga sa wastong nutrisyon sa pamamagitan ng Nutri Basket, Nutri Lunch, at Nutri Hat na tampok ang iba't ibang masusustansyang gulay at prutas.

Nakiisa rin ang mga mag-aaral sa Coloring Activity (KS1) at Poster Making Activity (KS2), kung saan kanilang ipinahayag ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Lalo pang naging makahulugan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasalo salo ng masusustansyang pagkain ng mga mag-aaral at g**o. Bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok at suporta, iginawad din ang mga sertipiko sa mga mag-aaral.

Sama-sama nating isabuhay ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa mas malusog na pamayanan at mas magandang kinabukasan.

🍎 Nutrisyon at Kapaligiran, Ating Pangalagaan! 🌱

📌 Classroom Monitoring ng KALAHI Project                        JULY 22, 2026Isinagawa ang classroom monitoring ng KALAH...
31/07/2026

📌 Classroom Monitoring ng KALAHI Project
JULY 22, 2026

Isinagawa ang classroom monitoring ng KALAHI Project kasama ang mga kinatawan ng Pamahalaang Bayan upang masuri ang kalagayan ng mga naipatupad na proyekto sa ating paaralan.

Layunin nito na matiyak na ang mga pasilidad ay nananatiling maayos, ligtas, at patuloy na nagagamit para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at g**o.

Maraming salamat sa ating mga katuwang sa kanilang suporta at patuloy na pakikipagtulungan. 💙💛



👮‍♂️📚 PNP OPLAN BES: Bisita Eskwela I am Strong Isang taos-pusong pasasalamat sa PNP Perez sa pangunguna ni PCPT Mitchel...
31/07/2026

👮‍♂️📚 PNP OPLAN BES: Bisita Eskwela I am Strong

Isang taos-pusong pasasalamat sa PNP Perez sa pangunguna ni PCPT Mitchelle Barbacena Acana sa kanilang pagbisita at pakikiisa sa ating paaralan Rizal-Maabot Elementary School sa ilalim ng programang PNP OPLAN BES.

Ang inyong presensya at suporta ay malaking inspirasyon sa ating mga mag-aaral, g**o, at magulang. Sa pamamagitan ng inyong pagbisita, naipakita ang patuloy na pagtutulungan ng paaralan at ng kapulisan sa pagpapanatili ng ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran para sa pagkatuto.

🤝 Sama-sama para sa ligtas at matagumpay na edukasyon.




✨ RMES Induction and Ball 2026✨                    July 29, 2026Isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ang isina...
31/07/2026

✨ RMES Induction and Ball 2026✨
July 29, 2026

Isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang ang isinagawa ng aming paaralan Rizal-Maabot Elementary School (RMES) sa ginanap na Induction and Ball 2026.

Pormal na nanumpa ang mga bagong halal na Grade PTA Officers mula Kinder hanggang Grade 6, School PTA Officers, at RMES Faculty Club Officers bilang tanda ng kanilang kahandaan at buong pusong paglilingkod para sa ikauunlad ng ating mga mag-aaral at ng buong paaralan.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Inducting Officers, Hon. Richard Mascarina at Hon. Robert Buerano, gayundin kina Hon. Gilbert Tarrega at Hon. Victor Alpay sa kanilang oras, suporta, at pakikiisa upang maging matagumpay ang seremonya.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga minamahal na lingkod-bayan na patuloy na sumusuporta sa ating paaralan.

💙 Hon. Charizze Marie E. Escalona, Municipal Mayor — bagama’t hindi nakadalo, lubos naming nararamdaman ang inyong patuloy na suporta, malasakit, at pagkalinga sa ating paaralan at mga mag-aaral.

💙 Hon. Ryan A. Panol, Vice Mayor — maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa sa mga programa ng RMES.

💙 Hon. Airee Leria — taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa inyong suporta at pakikipagtulungan.

Gayundin, maraming salamat kay Hon. Efren Ursolino, Punong Barangay ng Rizal, sa kanyang pagdalo at sa patuloy na suporta at malasakit sa ating paaralan.

Pasasalamat din kay Hon. Wenard Luna bagama’t hindi nakadalo dahil sa karamdaman, ramdam pa rin namin ang inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa mga gawain at programa ng paaralan.

Nagkaroon din ng masayang bahagi ng programa ang patimpalak ng Muse, kung saan itinanghal bilang Mrs. SPTA 2026 si Mrs. Melissa Bamonde. Binabati namin siya at ang lahat ng kalahok sa pagpapakita ng kumpiyansa, galing, at suporta sa ating organisasyon.

Maraming salamat din sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakibahagi sa espesyal na okasyong ito. Ang inyong presensya at patuloy na suporta ay patunay ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng paaralan at tahanan.

Sa lahat ng aming bagong halal na opisyal, maraming salamat sa inyong kahandaang maglingkod. Nawa’y maging daan ang inyong pamumuno upang lalo pang mapaunlad ang ating paaralan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang puno ng pagkakaisa, malasakit, at tagumpay. 💙💛

🎉Congratulations to all our newly inducted officers!
Mabuhay ang ating paaralan 🥳

Warmest congratulations to our proud alumna"RICA MHELL S. LUNA"Bachelor of Science in Business AdministrationMajor in Hu...
21/07/2026

Warmest congratulations to our proud alumna
"RICA MHELL S. LUNA"
Bachelor of Science in Business Administration
Major in Human Resources Development Management
Leadership Awardee! 🏆🎉

Your alma mater is truly proud of your remarkable achievement. May your dedication, perseverance, and leadership continue to guide you toward greater success. Keep inspiring others and reaching for your dreams!

We are so proud of you! 💐🎓✨

Address

Perez

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Rizal-Maabot Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share