10/09/2026
𝐏𝐎𝐂𝐋𝐒𝐆 | 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀
Sa araw na ito, Setyembre 7, 2026, ginanap ang pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 na may temang “𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐀𝐈: 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐘𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧.”
Isinagawa ang makabuluhang pagdiriwang sa loob ng Gymnasium ng NEUST-POC, kung saan nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, at mga piling hurado mula sa ibang paaralan upang sama-samang gunitain at pahalagahan ang ating sariling wika.
Pinangunahan ni Micah Mae A. Ramirez, Tagapag-ulat, SSD, ang hakulatorya, na sinundan ng Pambansang Awit na pinangunahan ni John Mark Raidey A. Bengil, Pangulo ng PAMANA. Nagbigay naman ng panimulang pagbati si Atty. Emmanuel G. Santiago, Tagapangasiwa, NEUST-Peñaranda Off-Campus at sinundan Sir Michael Altubar upang ipakilala ang mga piling hurado.
Sa pagpapatuloy ng programa, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang kanilang talento, kaalaman, at husay sa iba't ibang gawain tulad ng 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐚, 𝐝𝐞𝐛𝐚𝐭𝐞, 𝐝𝐞𝐤𝐥𝐚𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐢𝐠𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧. Naging mas masigla rin ang programa sa pamamagitan ng mga intermedyo at harana, na nagdagdag ng saya at kulay sa pagdiriwang.
Hindi rin nawala ang mga gawaing nagpapakita ng ating kultura at pagkakakilanlan. Isinagawa ang iba't ibang aktibidad tulad ng “𝐈-𝐓𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐠 𝐌𝐨 𝐀𝐤𝐨,” “𝐀𝐥𝐚𝐦 𝐌𝐨 𝐁𝐚?,” “𝐌𝐚𝐲𝐫𝐨𝐨𝐧 𝐊𝐚 𝐁𝐚 𝐍𝐢𝐭𝐨?,” 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐡𝐢, kung saan naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman, talento, pagiging malikhain, at pakikiisa.
Samantala, sa labas ng gymnasium, naging masigla ang Palarong Lahi, kung saan nagpakitang-gilas ang mga manlalaro upang ipakita ang kanilang husay at ibandera ang kanilang mga pangkat at seksiyon. Sa bawat laro, nasilayan ang kanilang sigla, tiyaga, pagtutulungan, at pagkakaisa.
Naging bahagi rin ng matagumpay na pagdiriwang ang mga organisasyong 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐍𝐀, 𝐌𝐌𝐒 𝐚𝐭 𝐀𝐑𝐀𝐋, na nagpakita ng kanilang pagkamalikhain at paghahanda sa pamamagitan ng kanilang maayos at organisadong mga booth. Malaki rin ang naging bahagi ng𝐋𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐦𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥, mga g**o, at mga organisasyong tumulong sa pangunguna at pagsasagawa ng iba't ibang gawain.
Sa pagpapatuloy ng programa, isinagawa ang huling palaro at paggawad ng mga parangal sa pangunguna ni Reign C. Mariano, Gobernador ng Lokal na Pamahalaang Pangmag-aaral. bilang pagkilala sa mga mag-aaral na nagpakita ng husay, talento, at dedikasyon sa bawat paligsahan.
Bilang pagtatapos ng programa,isinagawa ang “Pasarang Hirit” sa pangunguna ni Elmerson M. Madrid, Bise Gobernador ng Lokal na Pamahalaang Pangmag-aaral
Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika dahil sa sama-samang pagsisikap, pakikiisa, at dedikasyon ng mga mag-aaral, g**o, hurado, organisasyon, at Lokal na Pamahalaang Pangmag-aaral. Ang kanilang oras, paghahanda, at pagtutulungan ang naging daan upang maging makulay at masaya ang pagdiriwang ng ating wika at kultura.
🎨: 𝙼𝚒𝚢𝚎, 𝙻𝚊w
✒️: 𝙰𝚍𝚛𝚒𝚊𝚗, 𝙼𝚒𝚢𝚎, 𝙻𝚊w