23/08/2026
“𝐀𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐫𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐝𝐚.” — 𝐃𝐫. 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥
Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, kung saan sama-sama nating binibigyang-halaga, pinayayaman, at ipinagmamalaki ang ating sariling wika.
Bilang mga magiting na agila, mahalaga sa atin na patuloy nating mahalin, gamitin, at pahalagahan ang ating sariling wika. Ito ay hindi lamang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, kundi isang mahalagang yaman na nag-uugnay sa ating kultura, kasaysayan, at pagkakaisa.🦅🇵🇭