12/10/2026
[ LATHALAIN ]
๐๐. ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐๐ซ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐๐จ
ALFONSO ZAKI HERNANDEZ
Liwanag. Isang salita na kadalasang inihahambing sa kalayaan, pag-asa, at pananampalataya โ nagsisilbing tanglaw sa mga naliligaw sa dilim sa makabagong panahon.
Sa kasalukuyan, ang mundo ay pinapalibutan ng mga makabagong teknolohiya kasabay ang pag-usbong ng sosyal midya, bihirang makakita ng kabataang inuuna ang pananampalataya kaysa kasikatan. Pero, katulad ni Carlo Acutis โ isang binatilyong Italyano na nagsilbi bilang liwanag ng kabanalan sa modernong panahon.
Si Carlo ay isinilang noong Mayo 3, 1991, sa London, United Kingdom, ngunit kalaunan ay lumipat sila sa Italya at nanirahan sa Milan dahil sa trabaho ng kaniyang mga magulang. Sa lungsod na ito siya nag-aral at kinagigiliwan, sapagkat sa halip na hintayin ang iba na lapitan siya, kilala siya bilang kaibigan ng lahat.
SINAG NG TALENTO AT PANANAMPALATAYA.
Mula pagkabata, likas na kay Carlo ang pagiging malapit sa Panginoon. Kaya nung nakitaan siya ng hitik na kaalaman tungkol sa teknolohiya, lalong-lalo na sa paggamit ng kompyuter at internet, ginawa niya itong daan ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga website tungkol sa Himala ng Eukaristiya (Eucharistic Miracle). Dagdag pa rito, noong 2004, tinanggap niya ang tungkulin bilang katulong na katekista para sa mga batang tatanggap ng Unang Komunyon at Kumpil.
Naging inspirasyon kay Carlo ang dating CEO ng Apple na si Steve Jobs, lalo na ang kasabihang labis na tumatak sa kaniyang isipan at palagi niyang binibigyang-diin: โAng lahat ng tao ay isinisilang bilang orihinal, ngunit marami ang namamatay bilang mga kopya,โ pinapaalalahanan niya ang mga kabataan na maging tapat sa kanilang sarili at sa kalooban ng Diyos, hindi sa uso ng mundo.
KISLAP NG PAGMAMALASAKIT.
โBakit masyadong nag-aalala ang mga tao sa pisikal na kagandahan, pero hindi sa kagandahan ng kaluluwa?โ
Isang turo ng Diyos tungkol sa kabutihang nagmumula sa kalooban na paulit-ulit na tinatanong ni Carlo. Nagpapatunay na hindi niya lang sinasambit ang mga salitang ito, kundi, isinakikilos niya rin bilang pagmamalasakit sa kapwa โ naglingkod siya sa mga imigrante, pulubi, may mga kapansanan, at matatanda. Sa halip na gamitin ang kaniyang talento at panahon sa sarili, tumulong siya sa mga nangangailangan.
LIYAB NG HIRAM NA BUHAY.
Buong buhay ni Carlo, sinisimulan niya ang kaniyang araw sa isang dalisay na panalangin, pagbigkas ng rosaryo, pati na rin ang pagdalo sa mga misa. Hindi lang siya basta-basta bata โ ang kaniyang puso ay tunay na nakatuon lamang kay Hesus sa Banal na Eukaristiya at patuloy na isinasabuhay ang mga turo nito.
Pagpapaalala pa niya nang masigasig, โAng kaligayahan ay ang pagtingin sa Diyos, at ang kalungkutan ay ang pagtingin sa sarili.โ
LIWANAG NG ISANG MILLENIAL.
Subalit, sa kabila ng kaniyang pagiging relihiyoso, ibinahagi niya sa isang kaibigan ang kaniyang pakiramdam na maikli lamang ang kaniyang magiging buhay โ at noong Oktubre 12, 2006, sa edad na 15 anyos, si Carlo ay sinundo na ng liwanag dahil sa sakit na Acute Leukemia. Hinarap niya ang kaniyang kamatayan nang may tapang, gayundin ang kaniyang mga magulang na kasama niya sa tabi hanggang siya ay maubusan ng hininga. Bagamat nanalangin sila para sa himala ng paggaling ng kanilang anak, naunawaan nilang hindi palaging inililigtas ng Diyos ang tao mula sa kamatayan, ngunit inililigtas Siya nito sa mismong kamatayan โ matatagpuan ang kaniyang labi sa Church of Santa Maria Maggiore sa lungsod ng Assisi
Bago ideklarang santo, si Carlo ay unang kinilala bilang Beato ng Simbahan noong Oktubre 10, 2020. Ang kaniyang unang himala ay ang paggaling ng isang batang Brazilian na may problema sa Pancreas, matapos manalangin sa kaniya. Sumunod naman noong Mayo 2024, kung saan ang isang dalagang mula sa Costa Rica ang gumaling mula sa malalang sakit sa ulo. Dahil sa mga himalang ito, noong Setyembre 7, 2025, si Carlo ay opisyal na idineklara bilang Santo ni Pope Leo XIV sa St Peterโs Square sa Vatican City.
Si Saint Carlo Acutis ay isang simbolo ng inspirasyon. Isang ilaw na gumagabay sa kabataan sa dilim na nakapalibot sa makabong panahon. Bilang kauna-unahang millenial na santo, ang kaniyang ginawa sa buhay ay nagsisilbing liwanag na hindi matapos-tapos, nagbibigay pag-asa at pananampalataya sa bawat pusong handang magtiwala sa Maykapal.