04/07/2015
Benepisyo ng K to 12, ipinaliwanag
Ni: John Rey dela Cruz
===========================
Sinagot ng ilang kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang iba’t-ibang isyu tungkol sa pagpapatupad ng K – 12. Ito ay may kaugnayan pa rin sa isinagawang chance interview ng mga kabataang mamamahayag sa Pavia National High School Teens Center, Hulyo 4, 2015.
Ayon kay Ruby Therese Palmaira, education supervisor para sa Ingles, ang K to 12 ay sagot upang ang mga estudyante ay mabigyan ng mahahalagang kasanayang makatutulong para sila ay magkaroon ng dekalidad na edukasyon.
“Ang tatlong kasanayang ito ay binubuo ng entrepreneurship (negosyo), college degrees (kolehiyo) at workforce preparedness (trabaho),”paliwanag pa ni Palmaira.
Sinig**o naman ni Dr. Nordy Siason Jr., puno ng Curriculum Implementation Division na ang mga g**o sa kolehiyo ay hindi mawawalan ng trabaho bagkus magtuturo sila sa Senior High School lalung-lalo na iyong may espesyal na kakayahan.
“Kailangan ninyong ipaalam sa inyong mga magulang ang mga benepisyong maibibigay ng K to 12 para sa inyong kinabukasan,“ dagdag pa ni Siason.
Layunin ng nasabing pakikipanayam na makapagbigay kamalayan at pag-unawa tungkol sa K to 12 upang matanggap ito at makakalap ng suporta sa bawat mamamayan.