24/04/2026
Congrats Saudiah Jeanneth Erlano
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Isang taos-pusong pagbati kay Saudiah Jeanneth Erlano, Special Program in Journalism (SPJ) Alumna (Batch Paghimakas) at nagsilbi ring dating Ikalawang Punong Patnugot ng 'Ang Biyaya,' na kasalukuyang Bachelor of Arts in Broadcasting student ng West Visayas State University (WVSU)-Main Campus, sa kanyang pagkapanalo bilang Miss Ungka II 2026.
Sa nasabing kompetisyon, buong husay niyang ipinamalas ang talino, galing, at tiwala sa sarili na siyang mga katangiang naghatid sa kanya sa korona at tagumpay.
Sa Final Interview Round, malinaw na naipahayag niya ang kanyang adhikaing maging tinig ng kabataan at magsilbing inspirasyon sa kanyang kapwa.
"I believe as a young leader myself, we are not just championing the youth, we are promoting diligence, honesty, and perseverance to each one of us. Instilling knowledge and purpose for us to lead our nation and to lead our community," bahagi ng sagot ni Erlano.
Maliban sa korona, naiuwi rin ni Erlano ang mga sumusunod na Special Awards:
โข Ms Photogenic
โข Best in Production Number
โข Best in Playsuit
โข Best in Gown
โข Best in Interview