14/07/2026
🥦🌽 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 💚
"𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗠𝗼? 𝗦𝗮 𝗚𝘂𝗹𝗮𝘆!"
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐠𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐟𝐥𝐚𝐠 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐥𝐢𝐟𝐞... 𝐦𝐢𝐧𝐬𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐨 𝐦𝐨 𝐩𝐚𝐥𝐚! 🥬
Maraming naghahanap ng taong magsasabing "I'll stay." Pero teka muna... ang gulay, hindi ka gino-ghost. 🤣 Nandiyan lang siya, naghihintay na piliin mo para alagaan ang kalusugan mo.
"𝒀𝒐𝒖𝒓 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒊𝒔 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒈𝒓𝒆𝒂𝒕𝒆𝒔𝒕 𝒘𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉." 🌿
Ngayong Nutrition Month, ipinapaalala sa atin na ang pagkain ng masustansyang pagkain ay hindi lang para maging fit o maganda sa pictures. Ito ay para magkaroon tayo ng mas malakas na katawan, mas matalas na pag-iisip, at mas maraming enerhiya sa pag-aaral at sa pang-araw-araw na buhay.
Oo, masarap ang fries, burgers, at soft drinks. Pero tandaan...
Gulay ngayon, iwas ospital bukas.
Hindi kailangang maging perfect ang diet. Small healthy choices every day make a big difference.✨
Kung kaya mong habulin ang crush mo, kaya mo ring habulin ang healthy lifestyle. 😆🥦
Hindi lahat ng "I love you" nakakabusog... pero ang gulay, may vitamins pa! 🤭
Mas okay nang ma-friendzone kaysa ma-confine dahil sa unhealthy lifestyle.
Waiting ka pa rin ba sa "Good Morning" niya? Baka mas kailangan mong marinig ang... "Kumain ka na ba ng gulay?" 😭🥬
Sa huli, ang tunay na "green flag" ay ang pag-aalaga sa iyong sarili. Hindi man lahat ng relasyon ay panghabambuhay, pero ang katawan mo ay makakasama mo habang buhay.💚
Sama-sama nating piliin ang masustansyang pagkain at gawing lifestyle ang pagiging healthy. Dahil ang pinakamagandang investment ay ang sariling kalusugan. 🌽🥑
𝐄𝐚𝐭 𝐬𝐦𝐚𝐫𝐭. 𝐄𝐚𝐭 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲. 𝐋𝐢𝐯𝐞 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲. 🌿💚
𝑯𝒂𝒑𝒑𝒚 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉, 𝐋𝐢r𝐢𝐚𝐧𝐬! 🥦✨
🖼️: Gonzaga, MT
✍️: Pablo, AP