09/09/2026
π’ WALANG IN-PERSON CLASSES SA BAYAN NG PATEROS
π
SEPTEMBER 10, 2026 (THURSDAY)
π ALL LEVELS | PUBLIC & PRIVATE
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 ng Office of the President, kanselado ang lahat ng in-person classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, sa lahat ng antas, sa buong Kamaynilaan, kabilang ang Bayan ng Pateros, ngayong Setyembre 10, 2026 (Huwebes) dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon.
Samantala, alinsunod sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN ay magkakaroon ng Learnersβ Wellness Break mula Setyembre 10 hanggang 15, 2026, bilang bahagi ng pagbibigay-halaga sa kanilang kalusugan, kapakanan, at kabuuang kagalingan.
ποΈ TUNGKOL SA TRABAHO SA PAMAHALAANG BAYAN
Magpapatuloy naman ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Pateros, sapagkat sa kasalukuyan ay hindi naaangkop ang pagpapatupad ng Alternative Work Arrangement (AWA).
Gayunman, kaligtasan pa rin ang pangunahing prayoridad. Kung may nakaambang panganib o hindi ligtas ang pagbiyahe at pagpasok sa trabaho, pinapayuhan ang mga kawani na gumamit ng wastong pagpapasya batay sa aktuwal na sitwasyon at agad na makipag-ugnayan at mag-ulat sa kani-kanilang mga pinuno ng tanggapan.
π Patuloy tayong maging mapagmatyag, maingat at handa para sa kaligtasan ng bawat isa.
Gobyernong Maayos,
Gobyernong Bilis-Kilos!