29/08/2026
🇵🇭 PAGGUNITA SA LABANAN SA DULUMBAYAN 🇵🇭
Ngayong Agosto 29,2026, nakikiisa ang Captain H. Francisco Elementary School – Main sa paggunita sa ika-130 anibersaryo ng Labanan sa Dulumbayan, isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan na iniuugnay sa kabayanihan ni Guillermo Manalo at ng mga Pilipinong buong tapang na lumaban para sa bayan.
Sa kabila ng nararanasang masamang panahon, patuloy nating binibigyang-pugay at inaalala ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bayan. Sa bawat pagbisita at pag-aalay ng bulaklak, ipinapakita natin ang ating paggalang at pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo at kabayanihan. 🙏🌺
Mabuhay ang mga Bayani! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭❤️
DULUMBAYAN (Starter)
🇵🇭