30/09/2026
๐๐๐๐๐๐ || ๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐๐ณ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐ข๐ ๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐ ๐ก๐๐ฆ
Nagtipon ang mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10 sa Room 206 ng Sta. Martha Building noong Setyembre 26, 2026, upang lumahok sa Aghamazing Race bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Agham.
Hinati ang mga kalahok sa tig-walong pangkat bawat baitang, na binigyan ng pagkakataong bumuo ng kani-kanilang pangalan bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa paligsahan at upang makilala ang mga kasapi ng bawat pangkat.
Pormal na nagsimula ang paligsahan alas-10 ng umaga, kung saan unang nagtungo ang mga kalahok sa unang istasyon sa ikatlong palapag ng Sta. Martha Building. Samantala, isinagawa naman ang ikalawa hanggang ikalimang istasyon sa Wet and Dry Laboratory sa ikalimang palapag.
Matapos makumpleto ang unang limang istasyon, nagtungo ang mga mag-aaral sa gymnasium upang harapin ang ikaanim hanggang ikasampung istasyon. Sa bawat hamon, kinailangan ng mga kalahok na gamitin ang kanilang kaalaman sa agham, gayundin ang kanilang pakikipagtulungan bilang isang pangkat.
Matapos ang isaโt kalahating oras ng paligsahan, kinilala ang mga pangkat na nanguna sa Aghamazing Race matapos malampasan ang ibaโt ibang hamon sa bawat istasyon.
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Emerjohn Rewdson L. Yabut (10 - St. John Chrysostom)
Adrian Jake S. Aguja (9 - St. Ignatius of Loyola)
Karl Roy Fellix B. Cruz (8 - St. Camillus)
Jaiannah Macey A. Castillo (7 - St. James the Great)
๐ฅ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Evo Joaquin N. Abraham (10 - St. Robert)
Zolydad M. Marquez (9 - St. John Bosco)
Kristen Claire B. Rubino (8 - St. Irenaeus)
Sinag Xaniel M. Bringas (7 - St. Norbert)
๐ฅ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Aaron Paul R. Simangan (10 - St. Sebastian)
Amara Caimbrie S. Mangoba (9 - St. Robert De Peรฑafort)
Craig Erving P. Latayan (8 - St. Polycarp)
Prince Kristian Paulo E. Ellis (7 - St. Peter)
Sa pamamagitan ng Aghamazing Race, naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman sa agham, pakikipagtulungan, at pagkakaisa sa pagharap sa ibaโt ibang hamon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Agham.
โ๏ธ: Amber A. Mecua
๐ธ: Marian Anthonytte Cartera
๐ป: Alfred Dylan Nicholas C. Lapus