20/07/2026
π’ OFFICIAL ANNOUNCEMENT
CLASS SUSPENSION
July 21, 2026 (Tuesday)
Dear Parents and Guardians,
In accordance with the official announcement of the Local Government Unit (LGU) of Pateros, all classes at Ark of Hope Learning Center are suspended on Tuesday, July 21, 2026.
The safety and well-being of our learners, families, and staff remain our highest priority.
π Please wait for further updates regarding the rescheduling of affected classes.
Thank you for your understanding and cooperation.
Stay safe! π
Ark oh Hope Learning Center
Helping Every Child Learn, Grow, and Thrive.
π’ WALANG FACE-TO-FACE CLASSES SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA PATEROS | π
Hulyo 21, 2026 (Martes)
Kaugnay ng mga bomb threats na kumakalat sa social media at bilang bahagi ng ating pag-iingat, matapos ang coordination meeting ngayong araw, ipinatutupad ang suspensyon ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan sa Pateros mula Child Development Centers hanggang Grade 12 bukas, araw ng Martes, Hulyo 21, 2026.
Ang hakbang na ito ay isang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani habang patuloy na sinusuri at bineberipika ng mga kinauukulang awtoridad ang iniulat na usaping pangseguridad.
Ang desisyong ito ay sinusuportahan ng School Parents-Teachers Association (SPTA) Officers, Philippine National Police (PNP), School Heads (SHs), at Public Schools District Supervisor (PSDS) matapos ang masusing pagtaya sa kasalukuyang sitwasyon.
π Bilang kapalit ng face-to-face classes, ipatutupad sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan ang Alternative Delivery Mode of Learning (ADM) alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng Department of Education (DepEd) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa patuloy na pakikiisa at pag-unawa. Ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng Pateros ay nananatiling pangunahin nating prayoridad.
Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos