10/04/2024
Florante at Laura - buod ng Saknong 373 to 392 - https://youtu.be/GoZ877rEFKs?si=Yf6IUs9eSktBUp-H - Kamatayan sa Palaso ni Flerida
Florante at Laura Summary of Saknong 373 to 392
Quick summary in Filipino of stanzas 373 to 392 in Florante at Laura. Voiceover by Manny Viloria (not AI), who studied BSREM as a second course so that he co...
25/06/2021
Bakit kaya binura uli yung Saknong 258 to 273? Anyway, take 5...
( NOTE: Yung complete set ay nasa SWAmazing[.]com )
Florante at Laura – Dakilang Pagpapakasakit – Saknong 258 to 273 – Buod – Paliwanag
258 – Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham para kay Duke Briseo, ama ni Florante. Ang hari ng Krotona ay biyenan (father-in-law) ni Duke Briseo.
259 – Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng tulong. Pinaliligiran kasi ang Krotona ng hukbo ni Heneral Osmalik na taga Persiya.
260 – Kwento ni Florante: “Ayon sa mga balita, si Heneral Osmalik ay pangalawa sa tanyag at sikat na Aladin, isang gerero (warrior) na kinatatakutan ng maraming gerero, at hinahangaan ko.”
261 – Napangiti si Aladin sa kwento ni Florante. Mahinahon niyang sinabi na bihira namang tama o buo ang mga bali-balita, at kahit na totoo ang balita, maraming nadadagdag sa pag kwento.”
262 – Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang katapangan ay napapalaki sa isip ng isang kinakabahang kalaban. Ang habang nananalo ang isang gerero, lalong tumitindi ang pagkwento ng iba tungkol sa kagalingan nito, kaya lalo siyang iniilagan o iniiwasan ng ibang mga manlalaban.
263 – Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na kung naging sikat ang matapang na si Aladin, tandaan din ni Florante na may pagkakataong muntik nang mamatay si Aladin. Hindi rin magtatagal ay malalaman ni Florante na pantay din silang dalawa ni Aladin sa kamalasan at sakit.
264 – Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi maranasan ni Aladin ang kasamaang-palad ni Florante. Ayaw niyang maranasan ninuman ang kanyang sinapit. Kahit sa mga kalaban ni Florante, ayaw niyang maranasan nila ang dusa ni Florante.
265 – Nagpatuloy sa kwento si Florante… Nang malaman ni Duke Briseo ang banta sa Krotona, sinama niya si Florante kay Haring Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.
266 – Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo, sinalubong na ni Haring Linceo yung dalawa. Niyakap niya si Duke Briseo, at kinamayan niya si Florante.
267 – Sinabi ni Haring Linceo kay Duke Briseo na kamukha ni Florante yung gererong nasa panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa kaharian.
268 – Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung taga-saan siya. Sinabi ni Duke Briseo na anak niya si Florante.
269 – Namangha si Haring Linceo. Niyakap niya si Florante, at ginawa siyang Heneral ng hukbo na tutulong sa Krotona.
270 – Sabi ng Haring Linceo kay Florante – Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero sa aking panaginip, na magsasabi sa buong mundo ng kapurihan at kapangyarihan ng Haring Linceo.
271 – Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng Krotona ay nuno (ancestor) ni Florante. Kaya may dugong bughaw si Florante (royal blood), at kailangan niyang makamit ang dangal at bunyi (honor and glory) sa giyera.
272 – Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring Linceo, pumayag si Duke Briseo (kahit masakit sa kanyang kalooban), na ipadala si Florante sa giyera, kasi napakabata pa nito, at kahit hindi pa siya dalubhasa sa patayan.
273 – Walang magawa si Florante kundi sabihin ang Haring poo’t (My Lord, My King) habang dumapa siya sa paanan ng hari. Hahalikan na niya sana ang mga paa ng hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at muling niyakap.
10/04/2020
Pinaka BUOD ng Florante at Laura - https://youtu.be/SYCWx9Z-sEU (YouTube format)
Buod ng Florante at Laura - Manny M. Viloria
https://LamangAngMayAlam.com gives you the podcast episode where I talk about the overall summary (buod) of Florante at Laura. Parents and educators may use ...
09/04/2020
Ang pinaka-buod ng Florante at Laura ay nasa http://006notes.LamangAngMayAlam.com - 👍 Parents and Educators, may these notes help inspire you when you teach Philippine literature with your loved ones.
LAMA-005-20200202-Florante-at-Laura-Buod.pdf
10/01/2020
Pag nag-aral nang mabuti at nagtiyaga.......