28/10/2020
PTP
CTTO
FAQ's ng mga taga Private School, "what if may naiwang bayarin ang learner from private school, ang parents ay nag decide na magtransfer na ang anak nila sa public school, ngunit ang report card at SF10 ay hindi pa rin nakukuha from private school, ngunit ang present school na pinasukan ng learner ay nagpapa confirm na sa LIS para matransferred-out na ang learner from private school at matrasferred-in na rin ang files ng learner sa present school nya. Paano naman yung mga naiwang bayarin ng mga learners? Anong hakbang ang maaaring gawin ng mga taga private school?"🤔🤔🤔
28/10/2020
PTP
Please Read😊
CTTO:
10/08/2020
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay patuloy na nakikiisa sa pagtataguyod ng karapatang pantao, pag-aari, at pagpapayaman ng kultura ng bawat katutubong Pilipino ngayong Araw ng mga Katutubo.
Tuwing Agosto 9, ipinagdiriwang ang International Day of the World's Indigenous Peoples. Gayundin, ayon sa Republic Act No. 10689, ipinagdiriwang ang Pambansang Araw ng mga Katutubo (National Indigenous Peoples Day) ngayong araw.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay "COVID-19 and Indigenous People's Resilience" na kumikilala sa angking kakayahan at gawi ng mga katutubo sa kanilang paglaban sa kinahaharap na pandemya ng mundo.
08/08/2020
Itinuturing ni DepEd Sec. LEONOR M. BRIONES ang mga G**O bilang mga pinakamamahal na nilalang dahil sa kanilang ambag sa lipunan!
BASAHIN ang kabuuang ideya ni SEC. BRIONES sa mga G**ONG PINOY sa 1st Quarter Issue ng MAESTRA Professional Journal at makibahagi sa darating na Agosto 17 sa ganap na 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali para sa VIRTUAL CONFERENCE on EDUCATION VISION Amidst Disruption.
MAGREHISTRO na rito https://forms.gle/tuxdZwpJp6QSxkdW9
04/08/2020
Ngayong buwan ng Agosto, bigyan natin ng pagpapahalaga ang ating sariling wikang pambansa.
Nakikiisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa Komisyon sa Wikang Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Enero 15, 1997.
Tangan ang temang, "Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan kontra Pandemya," ang pagdiriwang na ito ay nagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino sa mga talakayan at diskurso hinggil sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Napapanahon na rin upang itaas ang antas ng paggamit ng ating sariling wika.
Gawin nating makabuluhan at makahulugan ang pagdiriwang na ito upang makapag-ambag tayo sa pagbangon ng ating bansa.
04/08/2020
Imbes na nakatambay lang sa bahay, mas mabuti na gamitin na lang natin ang oras para mag-aral.
01/08/2020
Handa ba tayo para sa School Year 2020-2021?
Ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ay distance learning, blended learning, at homeschooling gamit ang printed o digital modules, TV, radio, at/o online resources.
Ngayong darating na Agosto, tulong-tulong tayo sa pagtamo ng dekalidad na edukasyon dahil ang HANDANG ISIP, HANDA BUKAS!
_______
Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang DepEd Philippines sa Facebook at bisitahin ang www.deped.gov.ph.
Panoorin ang Handang Isip, Handa Bukas video: https://youtu.be/DLMGHDfROvE
30/07/2020
Ang Learner Enrollment and Survey Form (LESF) ay ang pangunahing kagamitan o enrollment tool sa isinagawang remote at dropbox enrolment para sa SY 2020-2021. Ito ay ang mas pinalawig na gamit sa regular enrollment form upang makuha hindi lamang ang basic profile ng learners kundi maging ang mga mahahalagang survey questions para sa mga magulang tungkol sa kanilang kahandaan para sa distance education.
Sa paggamit ng LESF ay nakuha ang mahahalagang impormasyon na magsisilbing basehan ng DepEd para sa implementasyon ng Learning Continuity Plan gaya ng: i) employment status ng mga magulang o guardian, ii) paraan ng pagpunta sa paaralan, iii) bilang ng mag-aaral sa bahay, iv) presensya ng kapamilya o kasama sa bahay na gagabay sa distance learning, v) pagkakaroon ng gadgets o devices, vi) access sa internet, vii) preferred o mas pabor na pamamaraan sa pag-aaral, viii) hamon o suliranin na makaaapekto sa distance learning, at ix) bilang ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan na lumipat sa pampublikong paaralan.
Ang mga datos at impormasyon ay ginamit ng bawat regional at schools division office, at mga paaralan sa pagdisenyo ng kanilang sariling learning continuity plan partikular sa pagpili ng ipatutupad na learning modalities. Ang mga datos ay ginamit rin upang tukuyin ang budget requirements para sa LCP lalo na sa paggawa ng learning resources.
Patungkol naman sa gustong learning modality ng mga magulang para sa kanilang mga anak, ipinakita ng LESF data na 8.8 milyon na magulang ang may gusto sa modular, 3.9 milyon para sa blended, 3.8 milyon para sa online, 1.4 milyon para sa Educational TV, 900,000 para sa radyo, at kalahating milyon ang may gusto sa iba pang modalities. Samantala, ipinakita rin ng LESF na may 395,743 na mag-aaral ang lumipat mula pribadong paaralan at SUCs/LUCs patungong pampublikong paaralan.
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga magulang na lumahok sa nasabing sarbey at nagpakita ng kanilang suporta sa Learning Continuity Plan ng Kagawaran. Suportahan natin ang pagpapatuloy ng mga mag-aaral sa kanilang edukasyon habang pinoprotektahan namin ang kanilang kalusugan at kapakanan.
27/07/2020
Naantala man ang pagbubukas ng klase ngayong taon, tiyak na magpapatuloy ang pag-aaral sa basic education simula ngayong Agosto 24 sa pamamagitan ng online learning, modular learning, at TV and radio-based instruction, depende sa kakayahan at konteksto ng bawat mag-aaral.
27/07/2020
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, tinalakay at sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng basic education sa bansa sa ilalim ng 'new normal' ngayong Agosto, sa pamamagitan ng implementasyon ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) ng DepEd.