Santolan HS GSP

Santolan HS GSP

Share

Adventure awaits, and we're a GSP ready to explore! ๐Ÿ’šโ˜˜๏ธ

25/08/2025

๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ค๐š ๐ซ๐ข๐ง! ๐“๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐  ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Tuwing sasapit ang Araw ng mga Bayani, hindi lamang mga bandila ang winawagayway at mga bulaklak ang iniaalay. Higit pa rito, ito ay isang araw ng pagninilay sa mga sakripisyong inialay ng mga taong nagmahal sa bayan nang higit pa sa kanilang sariling buhay. Sila ang mga ilaw na gumabay sa atin sa gitna ng dilim, mga tinig na nagpaalala sa atin ng tunay na kahulugan ng kalayaan at pagkakaisa.

Ang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang para sa mga kilalang pangalan na nakaukit sa ating kasaysayan. Ito rin ay para sa mga ordinaryong Pilipino na nagpakita ng katapangan at pagmamalasakit sa kapwa sa araw-araw. Sila ang mga g**o na walang sawang nagtuturo, mga doktor na naglilingkod sa liblib na lugar, mga magsasakang nagpapakain sa bayan, at mga manggagawang nagtataguyod ng ekonomiya. Sila ang mga bayani ng ating panahon, mga buhay na patunay na ang pagiging bayani ay hindi lamang sa panahon ng digmaan.

Sa paggunita natin sa Araw ng mga Bayani, sariwain natin ang kanilang mga aral. Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang sa salita, kundi sa gawa. Ang tunay na kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad. Ang pagkakaisa ay susi sa pag-unlad. Sa bawat isa sa atin, may kakayahang maging bayani sa sarili nating paraan.

Kaya't sa araw na ito, magbigay pugay tayo sa mga bayani ng nakaraan, kasalukuyan, at maging sa mga bayani ng kinabukasan. Ipagpatuloy natin ang kanilang nasimulan, itaguyod ang kanilang mga pangarap, at sama-sama nating itayo ang isang bayang karapat-dapat sa kanilang sakripisyo. Ang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang isang araw ng paggunita, kundi isang paalala na ang diwa ng pagkabayani ay buhay sa bawat pusong Pilipino.



21/08/2025

๐—ฆ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜๐—ฒ! ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ! ๐Ÿซก

Ngayong Ninoy Aquino Day, inaalala natin ang buhay at sakripisyo ng isang lider na buong tapang na lumaban para sa kalayaan at demokrasya ng ating bansa. Tulad ng kanyang ipinakitang tapang at pagmamahal sa bayan, nawaโ€™y maging inspirasyon ito para sa atin bilang mga Girl Scouts na maging handa, matapang, at tapat sa ating tungkulin sa kapwa at sa bansa. ๐Ÿ’š๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Tandaan natin na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi lang nakikita sa malalaking bagay, kundi pati na rin sa maliliit na gawa na may malasakit at katapatan. Sa bawat simpleng hakbang natin, maaari rin tayong maging daan ng pagbabago para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bansa. ๐ŸŒŸ

18/08/2025

๐๐’๐“๐“โ€ฆ..๐˜๐”๐‡๐Ž๐Ž๐Ž!!! ๐Ž๐•๐„๐‘ ๐๐€๐Œ๐€๐ ๐’๐€~

Girl Scouts on duty! ๐Ÿšฎ๐Ÿงน Hindi lang kami nakangiti sa camera, kundi nakahawak din ng panglinis para siguradong wagi laban sa kalat. ๐Ÿ’ช๐Ÿ˜œMasaya, maingay, pero malinis ang resulta dahil kapag Girl Scouts ang kumilos, kahit kalat napapaurong! โœจ๐ŸŒ

Photos from Santolan HS GSP 's post 17/08/2025

๐’๐ฐ๐ž๐ž๐ฉ ๐’๐ฐ๐ž๐ž๐ฉ ๐‡๐จ๐จ๐ซ๐š๐ฒ!!โœจ๐Ÿงน

Hindi lang sa camping at bonding magaling ang mga Girl Scouts champion din kami pagdating sa paglilinis! ๐Ÿšฎ๐Ÿงน Sama-sama kaming kumikilos para maging mas malinis, mas maganda, at mas fresh ang ating paligid. Kahit simpleng pagtutulungan lang, malaking epekto na para sa ating komunidad at sa kalikasan. ๐ŸŒ๐Ÿ’ช Dahil kapag may Girl Scouts, siguradong may malasakit at may gawa, hindi lang salita! ๐ŸŒฟ๐Ÿ’š

โ€

09/08/2025

๐‘ฏ๐‘ผ๐‘ฌ๐’€๐’€ ๐‘จ๐‘ต๐‘ถ๐‘ผ๐‘ฏ? ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ ๐‘ต๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ ๐‘ฒ๐‘จ๐’€๐‘ถ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ฒ๐‘จ-๐‘บ๐‘ฏ๐‘บ? ๐‘ป๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘ต๐‘จ ๐‘บ๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ ๐‘ต๐‘จ!๐Ÿ€

Inaanyayahan namin kayo maging bahagi ng Girl Scouts isang samahan para sa mga batang babae na may pangarap, tapang, at malasakit sa kapwa. Sa Girl Scouts, hindi lang bagong kaalaman ang matututuhan mo, kundi pati mga aral sa buhay na dadalhin mo habang-buhay.

Matututo ka ng teamwork, pamumuno, at ibaโ€™t ibang kasanayan gaya ng pagluluto, camping, at paghahanda para sa mga sitwasyong nangangailangan ng pagtutulungan. Mararanasan mo rin ang saya ng community service, pagtulong sa iba, at pagkakaroon ng mga kaibigang kalaunan ay magiging parang pamilya mo na.

Bawat karanasan sa Girl Scouts ay pagkakataon para mas makilala mo ang sarili mo ang iyong mga lakas, talento, at kakayahang magbigay-inspirasyon sa iba. Dito, natututo tayong maging mas responsable, mas maunawain, at mas handa sa mga hamon ng buhay.

Kung handa ka nang simulan ang bagong kabanata ng iyong kwento, sumama ka na sa amin. Sama-sama nating gawing mas masaya, mas makabuluhan, at mas makulay ang ating komunidad.๐Ÿ’š

13/07/2025

SANTOLEร‘OS | GIVE ME A BEAT! ๐Ÿ’ฅ๐Ÿฅ

Join the Girl Scouts of the Philippines and unleash your inner leader! ๐ŸŒŸ

๐Ÿ”ฅ Develop your passions and interests
๐Ÿ’ช Build your confidence and self-esteem
๐Ÿค Form lifelong friendships and connections
๐ŸŒฑ Make a positive impact in your community

Be part of a legacy of strong, empowered women who are changing the world! ๐Ÿ’š

Join us and discover your potential, develop your skills, and become a leader who makes a difference!

Let's scout together and shape the future of the Philippines, GIRLS IN GREEN! โ˜˜๏ธ

Photos from Santolan HS GSP 's post 08/12/2024

CONFRADIA DELA SEMANA SANTA DE SANTOLAN ON ITS 16TH YEAR โ€” THE GRAND MARIAN PROCESSION ๐Ÿ˜‡

The Santolan High School Girl Scouts extend our heartfelt thanks to the Confradia de la Semana Santa de Santolan for trusting us to take part in your 16th Grand Marian Procession last December 07, 2024. It was truly an honor to contribute to this meaningful event. ๐Ÿ™

A huge shoutout to the Santolan High School Senior Scouts and the Sta. Lucia High School Senior Scouts for their outstanding teamwork and dedication. Your support and cooperation made a significant impact on the success of the parade. ๐Ÿ’š

To everyone who lent a helping hand, your efforts did not go unnoticed. Congratulations to all for a beautiful and successful procession! ๐Ÿ€

Photos from Santolan HS GSP 's post 20/09/2024

GIRL SCOUTS WEEK, ESCODA DAY ๐Ÿ™Œ

Honoring the legacy of Josefa Llanes Escoda, the founder of the Girl Scouts of the Philippines, we celebrated Escoda Day with pride and purpose! โ˜˜๏ธ

This September 20, 2024 at Santolan High School, together with our dedicated troop leaders, Ma'am Claricel Ilagan, Rhea Muyco, and Angela Alamil, we spent the day empowering one another, learning, and strengthening our commitment to leadership, service, and community. Here's to continuing the journey of growth and making a positive impact, just like Escoda envisioned. ๐Ÿ’šโ˜˜๏ธ



Photos from Santolan HS GSP 's post 16/09/2024

A BLESSED GIRL SCOUTS WEEK, GREENS! ๐Ÿ™Œ

Theme: "Women of Today for the Girls of Tomorrow."

Celebrating Faith and Gratitude | The GSP of Santolan High School, alongside their dedicated troop leaders Ma'am Claricel Ilagan and Rhea Muyco, come together for Girls Scout Week - Faith Day Thanksgiving this Sunday, September 15, 2024, at Sto. Thomas De Villanueva Parish, Santolan, Pasig City. A day of reflection, unity, and giving thanks. ๐Ÿ’šโ˜˜๏ธ

Credits to the Gsp Pasig Page.








ALL GLORY TO THE HIGHEST ๐Ÿ™

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Santolan
Pasig