18/04/2024
Bawat kilos, malaki man o maliit, ay gumagawa ng pagbabago, Pagsasama-sama ng ating mga pagsisikap, maaari mag bigay pag asa sa iba”
Sa pangalawang pagdalaw namin sa komunidad, muling nagbigay ng saya at aral ang mga Kabataan ng Pinta- Kasi Project. Patuloy ang pagbibigay ng liwanag sa landas ng kaalaman at kaligayahan ng mga bata. Ang bawat aral at ngiti ay nagbibigay inspirasyon samin at sa kanilang mga pangarap. Kasama ninyo kami sa paglakbay tungo sa isang mas magandang kinabukasan!
Muli, maraming salamat Ginoong Romeo Quijano, sa isang masayang paraan ng pagtulong sa ating mga kabataan. Salamat din sa oportunidad na ibinigay ninyo.
07/04/2024
Nag sagawa ng community service ang mga studyante ng Arellano University Andres Bonifacio Campus para sakanilang NSTP 2 sa ilaalim ni ginoong Quijano upang mag bigay gabay sa kanyang mga estudyante.
Isang magandang pagkakataon ito upang magbigay ng tulong at magpakita ng pagmamalasakit sa ating kapwa. Sa bawat hakbang na ating ginagawa, ramdam natin ang paglago hindi lamang sa aming sarili kundi pati na rin sa mga bata na nakilahok sa programa.
Ang pagiging bahagi ng serbisyong komunidad ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng oras at lakas, kundi magsisilbing inspirasyon sa mga bata na patuloy na gumawa ng mabuti sa kapwa . Sa bawat pag- tuturo, pagpapalitan ng ngiti, at pagtulong sa isa't isa, nararamdaman namin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa na bumabalot sa bawat sulok ng paligid.💙