03/08/2021
Sama-sama, tulong-tulong, at sabay-sabay na susuporta sa gitna ng pandemya! Kaya't halina at makiisa sa “Brigada Eskwela 2021” simula ngayong ika-3 ng Agosto hanggang ika-30 ng Setyembre na may temang "Bayanihan para sa Paaralan".
Bilang paghahanda sa nalalapit na taong panuruan 2021-2022, ang ating munting paaralan ay muling lumalapit sa inyo, mga mahal na ka-Brigada, upang matugunan ang mga pangangailangan ng paaralan at upang maipagpatuloy ang paghahatid ng kalidad na edukasyon sa ating mga mahal na mag-aaral. Ang pagsadya ng alinman sa mga sumusunod ay lubos na ipinagpapasalamat at talaga namang maraming mag-aaral ang makikinabang.
Halina at maging bahagi ng pag-unlad ng edukasyon ng kabataang Iluginian!
Para sa mga donasyon, hanapin lamang po si Ms. Catherene S. Acabado sa paaralan. At para naman sa mga katanungan, maaari kayong mag-iwan ng mensahe rito sa page ng IES Alumni.