18/08/2021
Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa Setyembre kaya naman umpisa na ng ating taunang Brigada Eskwela. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga programa ng ating paaralan para sa BRIGADA ESKWELA 2021!
Narito ang ilan sa mga proyekto natin:
1. Brigada Pagbasa
2. Knorr Quarantipid Sustansiyang Pagkain
3. CES Upskilling for Learners, Teachers, and Stakeholders
4. Best Home Learning Spaces for Learners Contest
5. Best Home Working Spaces for Teachers Contest
6. Share a Load, Build a DreamProject
7. Gulayan sa Tahanan
Maaari rin po tayong magdonate ng mga sumusunod:
1. garden soil
2. garden tools
3. face masks
4. Face shields
5. alcohol
6. Thermal scanners
7. reading materials
8. vitamins/supplements
9. survival kits, at iba pa
Para naman po sa mga nais magpa-abot ng pinansiyal na tulong ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating mga focal persons na si Gng. Junette S. Permitez-School Principal, Gng. Prezy V. Gloria-Brigada Eskwela Coordinator, Gng. Jasmin Valdez-Resource Mobilization Chairperson, o sa mga g**o ng inyong mga anak. Maari niyo rin pong ipaabot ang inyong tulong sa GCASH No. 09184493222/ 09562250711
Ang anumang tulong mula sa inyo ay malayo ang mararating. Lubos ang aming pasasalamat na kayo ay magiging katuwang namin sa ating Bayanihan sa Paaralan.
Tara na at Magbayanihan sa ating Paaralang Caniogan!