18/03/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ณ๐ฅ
Sa bawat tinta ng panulat ay may tinig na naghahangad na marinig. Sa bawat pahina ay may pangarap na nais maisulat sa kasaysayan ng ating samahan. Ngayong taon, muling bubuksan ng Rizalianong Manunulat ang pinto para sa mga kabataang handang maging ilaw ng panitikan, tagapagdala ng diwa ni Rizal, at tinig ng malikhaing kaisipan ng mga mag-aaral.
Mula ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ด ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ hanggang ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ, bukas ang rehistrasyon para sa mga interesadong mag-aaral na nais tumakbo bilang susunod na lider ng samahang Rizalianong Manunulat.
๐ Google Form for Filing of Candidacy:
https://forms.gle/GG7CbrS9s5NM3EsD6
https://forms.gle/GG7CbrS9s5NM3EsD6
https://forms.gle/GG7CbrS9s5NM3EsD6
Mangyaring basahin ang mga kwalipikasyon at kinakailangang mga dokumento sa ibaba na isusumite sa ibinigay ng GFORMS link.
Sa Rizalianong Manunulat, ang panulat ay hindi lamang tinta sa papelโito ay sandata ng katotohanan, tulay ng damdamin, at liwanag ng karunungan. Kung ikaw ay handang maging bahagi ng paghubog sa hinaharap ng ating samahan, hayaang ang iyong panulat ang magsalita.
Isulat ang pagbabago. Isulat ang pamumuno. Isulat ang kasaysayan. โ๏ธโจ
โ๏ธ: Bb. Ingrid Candace Del Rosario | Wordsmith Committee
๐จ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat
14/03/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Good day, RiManunulats. ๐
To all members and students who support Rizalianong Manunulat, we sincerely apologize as we had to create a new group chat due to unforeseen issues that have prevented the officers and members from accessing our main GC since February.
To keep the organization active and maintain communication, we have temporarily created a new GC. You may join our NEW GROUPCHAT by scanning the QR code below or accessing the link in the comment section. Thank you for your understanding and continued support.
Thank you for your continued support and cooperation. Rest assured that we are doing our best to address this matter. ๐โ๏ธ
โ Rizalianong Manunulat Officers
13/03/2026
๐จ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐. ๐ต๐ญ๐
Ipinagdiwang ng ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ถ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น (๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ญ) at ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐ ang Buwan ng Sining noong ika-10 ng Marso, 2026 sa pamamagitan ng isang paligsahan na pinamagatang ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐๐๐ na may temang, "๐๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ด๐ฆ๐ด. ๐๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐จ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ. ๐๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฏ๐จ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ."
Mula sa masining na pag-iisip hanggang sa paglalapat ng mga naaayong salita, sinukat nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na sumulat tungkol sa mga pangunahing isyu ng walang anumang paghahanda.
Kung kaya't ating balikan ang magiting na pakikiisa ng mga mag-aaral upang pairalin ang kanilang kahusayan at maipaglaban ang ikaaayos at ikaliligtas ng ating inang bayan. ๐ต๐ญโ๏ธ
โ๏ธ: Bb. Anne Awili | Pangulo ng Rizalianong Manunulat
๐จ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat at Bb. Anne Awili | Pangulo ng Rizalianong Manunulat
09/03/2026
๐๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐ด, ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐! โ๏ธ
Muling nagbubukas ang isang pagkakataon para sa bawat manunulat na ipahayag ang kanilang tinig at damdamin. Sa pagkakataong ito, huhukayin ang mga kuwentong matagal nang ibinaon sa ilalim ng takot at katahimikan.
Inaanyayahan kayo sa ๐ข๐ป-๐๐ต๐ฒ-๐ฆ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฃ๐ผ๐ฒ๐๐ฟ๐ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐๐, isang patimpalak na inihahandog sa pagtutulungan ng ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐ (๐ฅ๐ถ๐ ๐ฎ) at ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ญ. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng panulaan, isang tula ang magiging tinig ng ating hangarin para sa pagbabago.
๐ง๐๐ ๐:
๐ฆ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป: ๐๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐น๐ฎ๐ฎ๐ป
โ๐๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฒ๐. ๐๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ.โ
REGISTRATION FORM:
https://forms.gle/peaxVopC33CwdKN7A
https://forms.gle/peaxVopC33CwdKN7A
https://forms.gle/peaxVopC33CwdKN7A
CONSENT FORM (Makikita rin po ito sa loob ng registration form):
https://drive.google.com/file/d/1eluvbwGGvW-IuuVr422aAE6StJ4RI1G7/view?usp=drivesdk
Sangkap ang mga salitaโ panahon na upang ๐ถ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ด, ihanda ang sarili, at bigyang-buhay ang mga salitang matagal nang nakabaon sa katahimikan.
Kaya naman, handa ka na bang maging boses ng lipunan?
๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ฅ๐ฆ:
๐ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป: Alumni Building, 3rd Floor
๐ ๐๐ฎ๐๐ฒ: March 10, 2026
๐ ๐ง๐ถ๐บ๐ฒ: 2:00 PM โ 5:00 PM
โ๏ธ: Bb. Euchariz Arriola | Kalihim ng Rizalianong Manunulat
๐จ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat at Bb. Anne Awili | Pangulo ng Rizalianong Manunulat
08/03/2026
โ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐ช๐ข๐ ๐๐กโ๐ฆ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐ ๐
Marahil kung susulat ang kasaysayan gamit ang tibok ng puso, ang tinta nito ay magmumula sa lakas ng mga ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป. Sa katahimikan ng kanilang pagtitiis at sa ingay ng kanilang pakikibaka, unti-unting nabubuo ang mundong mas may pag-asa. Ang babae ay parang ilaw na hindi nagmamakaawa na mapansinโngunit kapag dumating ang dilim, ๐ด๐ช๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต. ๐๐ฉท
Sa bawat sugat na kanilang pinagdaanan, may umuusbong na panibagong tapang. Sa bawat pangarap na minsang sinabihang โhindi para sa kanila,โ may babaeng patuloy na naglalakad lampas sa hangganan na itinakda ng iba. ๐ท
Sila ang mga pusong marunong magmahal nang buong-buo, mga isip na kayang maglikha ng pagbabago, at mga kaluluwang hindi basta-basta napapawi ng pagod o pagdududa. Tahimik man o matapang ang kanilang tinig, ang bawat babae ay may dalang kuwento ng lakas na dapat marinig ng mundo.
Kaya ngayong Buwan ng Kababaihan, hindi lamang ito simpleng pagbatiโito ay pagpupugay. Isang paalala na ang mundo ay patuloy na nagiging mas maliwanag dahil sa mga babaeng hindi sumuko sa kanilang liwanag. ๐ค
Sapagkat ang babae ay hindi lamang bahagi ng kuwento ng mundoโ
sila ang mga ๐ด๐ช๐ถ๐ช๐ na patuloy na ๐จ๐ช๐ข๐ช๐จ๐ช๐ก๐๐ฉ ng mas makatarungan at mas mapagpalayang bukas.
Sila ang ๐น๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ sa masukal na daan,
at ang ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด sa dilim. ๐
โ๏ธ: Bb. Ingrid Candace Del Rosario | Wordsmith Committee
๐จ: G. Rendie Gil Miranda | Creatives Committee
04/03/2026
๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐| "๐๐๐ ๐๐๐๐"
Written by: Pearl
She was a Poet,
And his always the subject.
In every words, Admiration just lingers.
In every language she used,
His name always mentioned.
I may never been in his chapter,
But in mine's, he's my favorite actor.
On every pages, I never thought I've loved you,
More than I ever knew.
But now, the only thing I know,
Is that your always gonna be my best muse in everything I wrote.
๐จ: G. Rendie Gil Miranda | Creatives Committee
04/03/2026
๐๐๐๐ผ | "๐๐๐ฎ ๐ฝ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ฃ"
Akda ni: Kyuh_
May mga pag-ibig na hindi marunong sumigaw,
Hindi kailanman hinabol ang tanawing may mga ilaw.
May mga damdaming mas piniling manahimik,
Dahil mas ligtas magmahal kapag walang nakaririnig.
Sapagkat ang pag-ibig ay hindi laging palakasan,
Hindi palaging paramihan ng salitang binibitawan.
Minsan ang pagmamahal ay siyang marahang pag-upo,
Sa isang sulok ng damdaming may ipinangako.
Dahil aaminin ko..
Akoโy nabubuhay pa sa pagitan ng tapang at pangamba,
Sa pagitan ng pag-asa at pag-atras palayo sa drama.
Sa pagitan ng "baka" at "siguro",
At doon ko natutunang magmahal ng hindi pa sigurado.
Kaya bakit ang dali para sa ibang bitawan ang salitang "mahal kita"?
Hindi tulad ko, mas pinili ang katahimikang ibigin ka.
Dahil kung gaano man kadali sa iba ang mga letra at tunog nitong bigkasin,
Siya namang kay hirap at kabaliktaran para sa akin.
Gayong hindi ako marunong sa matatapang na salita,
Hindi ako eksperto sa pangakong kayang bitawan nang bigla,
Pero sinubukan ko...
Sinubukan kong iparamdam sa'yo, hindi sa salita bagkus sa gawa.
Ngunit tila ba ako'y parang isang ibong naulanan,
Sadyang tumitiklop na, kapag ika'y nariyan.
At ngayon, iniisip ko parin saan ako sisilong kapag nais kitang maramdaman,
Gayong ikinulong ko ang aking sarili sa pagitan ng "subukan" at "'wag nalang".
Na ang mga init mo'y tila naging banta sa aking pagkatao.
Hindi dahil ayaw kitang mahalin kundi dahil ang tiwala sa sarili ko'y hindi pa buo.
Ito'y aking naging digmaanโ
Sa hangaring nais ko lamang ng may pag dahan-dahan.
Dahil kung ang pag-ibig mang ito'y walang malakas na deklarasyon,
Makakaasa ka namang taimtim ang aking bawat intensyon.
Na kahit walang pagsigaw o ni kahit ano mang paggalaw,
Sa gabi namang tahimik ay may "Ikaw" na patuloy na hinihiling sa mga bulalakaw.
At kung sakaling itanong ng mundo
kung bakit hindi kita minahal nang maingay,
Sasabihin kong mas pinili kong maging ,
"malumanay",
Yung tipong Tahimik, mabagal ngunit may patagong iniaalay.
Sapagkat minsan,
Hindi kakulangan ang katahimikanโ
Ito ay anyo ng pagmamahal
Na puro, totoo, at banal
Marunong maghintay,
Marunong magbigay.
At Hindi kailngang ipilit,
Ni Hindi kailngang iguhit
Napagtanto kong hindi lahat ng hindi nagsasalita ay walang nararamdaman.
Dahil hanggang ngayon mas buo kong pinaniwalaan,
Na ang kapayapaan ay mahahanap kapag naniwala kang
"May Banayad sa Katahimikan"
๐จ: G. Kendrick Moyo | Creatives Committee
โ
04/03/2026
๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | "โ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ฎ '๐๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐"
โAkda ni: Amelemlem
โWalang kalaman-laman ang distansya,
โLanguyan man ang lawa ng apoy,
โLakarin man ang sahig ng karagatan,
โPag-ibig ay 'di batid pero ako'y iyong-iyo.
โ
'โWag pansinin ang lawak ng mga bagay na nakikita,
โAt ang mga bagay na pinagkakatiwalaan lang.
โPara kang rebulto ng anghel na-
โHabang buhay yumayakap sa aking kaluluwa.
โ
โAng pag-ibig natin 'di kailangan malaman ang hangganan,
โSapat na narito ka lang sa tabi ko.
โKahit tahimik ang dating, walang bagay na pinapangalan,
โDalawang manlalakbay na nais maging isang buo.
โ
โKaya bitawan mo ang dala mong ala-ala,
โIwanan mo sa aking kamay ang hapdi.
โHumiga ka sa puso ko at dumuyan,
โAt palipasin natin ang 'di mababatid na hangganan ng gabi.
๐จ: G. Kendrick Moyo | Creatives Committee
04/03/2026
๐๐๐๐ผ | "๐๐ช๐๐ก๐"
Akda Ni: Binibining Joana
Sa apat na sulok na aking kinaroroonan, ikaw lang bukod tangi kung tinatanaw
Na sa bawat tawag ng iyong ngalan, ako'y biglang napapalingaw Tahimik akong umaasang mapansin ng isang mataas na talang nakakaakit Dahil Isa akong marikit na nagbabakasakaling ika'y masungkit
Ngunit habang ako'y nahuhumaling saiyong nabubukod-tanging katangian Ikaw naman ay dumaraan na para lamang akong hangin saiyong harapan! Ako'y hanging kay dali mong lampasan, Ako ay naririto sa tabi mo, ngunit hindi kailanman ninais na mahanggan.
Marahil ngayon, unti-unti napapalayo ang pagsintang saiyo'y nagkukumbli Na tila lampara ang puso ko dahil saiyong pinaparamdam ay unti-unti akong napupundi Kaya nanaisin ko na lamang na ako'y magtago sa dilim kasama ang pagsinta ko'y naging madilim na rin...
๐จ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat
28/02/2026
๐๐๐๐ผ | "๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ฃ"
Akda ni: Mei
Mahal kita, at kailanmaโy hindi iyon magbabago.
Sa gulo at ingay ng mundo,
giliw ko, ikaw ang nagsisilbing pahinga ko.
Ang boses mo na kay lamig
ang nagpapanatili ng katahimikan
sa ingay ng isip ko.
Ikaw ang nagpatunay na mayroon pa ring isang lalaki
na magpapakatotoo
sa henerasyon na puro mangloloko.
Sobrang layo man ng agwat na ating pagitan,
handa kitang puntahan kahit saan pa man iyan.
Gagawin ko ang lahat
makita ka lang.
๐จ: Bb. Elaiza Demillo | Creatives Committee
28/02/2026
๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐ | "๐๐๐ก๐๐ฃ๐ฉ๐ค ๐ ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฎ"
Likha ni: Yuka
Talento ko ang maghintay,
Sa oras, sa tiyansa, sa tao at sa pangarap,
Maging sa mga pagkakataong nahinto na lang sa sulyap.
Hindi dahil sa duwag ako at mahina,
Kundi dahil sa pusong nagtitiwalaโ
Na ang para sa'tin ay 'di mawawala.
Dahil mabuti ang 'di minamadali,
Tulad ng kape na may tamang timpla,
At tamang lasa ng masarap na sopas ni lola.
Masaya kasi ang bagay na pinaghihirapan,
Sa pag-usad ng pila sa gitna ng siksikan,
Lalo na ang makasama ka sa bawat darating na kinabukasan.
Kaya patuloy lang akong maghihintay
Sa paraang 'di mo maiisipโ
Gamit ang pasensiya na parang totoo lang sa panaginip.
Sa terminal na may mahabang pila,
Kahit mas mabilis ang pag-usad ng iba,
Hindi kailanman maiinip na hintayin ka.
Hanggang sa mapuno ang jeep sa sakayan,
Kasabay ang pagbilis ng espada ng orasan,
Sa ikot ako ay sasabay at maghihintay lang sa'yo ng tuluyan.
Patitilain ko kahit ang malakas na ulan,
Mahalin ka lang sa kalmado at may katahimikan,
Para ang ingay ng 'aking mundo ay 'di mo maranasan.
Kaya,
Dahan mo lang ihipan ang mainit na sopas,
Haluin mo ng mabuti ang tinimplang kape
Maghihintay ako sa lahat ng oras maging sa araw at sa gabi.
Dahil may pagmamahal sa paghihintay,
Kung saan 'di natitimbang ng oras at pagkabagot,
Ang kapalit na tiyansang makasama ka habang buhay.
Kaya mamahalin muna kita ng malumanay.
Mamahalin ka ng dahan-dahan,
Sa pagtagal ay patuloy ding masasanay,
Dahil talento ko ang maghintay.
๐จ: Bb. RV Joy Biaca | Creatives Committee