RHS Rizalianong Manunulat - RiMa Club

RHS Rizalianong Manunulat - RiMa Club

Share

๐‹๐ข๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ang mga ๐จ๐›๐ซ๐š๐ง๐  ginamitan ng mga ๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ; salita mula sa ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ๐ข๐š๐ง๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ.

Photos from RHS Rizalianong Manunulat - RiMa Club's post 18/03/2026

๐‘๐ˆ๐Œ๐€ ๐‡๐€๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฅ๐จ ๐Ÿ—ณ๐Ÿ”ฅ

Sa bawat tinta ng panulat ay may tinig na naghahangad na marinig. Sa bawat pahina ay may pangarap na nais maisulat sa kasaysayan ng ating samahan. Ngayong taon, muling bubuksan ng Rizalianong Manunulat ang pinto para sa mga kabataang handang maging ilaw ng panitikan, tagapagdala ng diwa ni Rizal, at tinig ng malikhaing kaisipan ng mga mag-aaral.

Mula ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿญ๐Ÿด ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ hanggang ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ๐Ÿฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€๐—ผ, bukas ang rehistrasyon para sa mga interesadong mag-aaral na nais tumakbo bilang susunod na lider ng samahang Rizalianong Manunulat.

๐Ÿ“Ž Google Form for Filing of Candidacy:
https://forms.gle/GG7CbrS9s5NM3EsD6
https://forms.gle/GG7CbrS9s5NM3EsD6
https://forms.gle/GG7CbrS9s5NM3EsD6

Mangyaring basahin ang mga kwalipikasyon at kinakailangang mga dokumento sa ibaba na isusumite sa ibinigay ng GFORMS link.

Sa Rizalianong Manunulat, ang panulat ay hindi lamang tinta sa papelโ€”ito ay sandata ng katotohanan, tulay ng damdamin, at liwanag ng karunungan. Kung ikaw ay handang maging bahagi ng paghubog sa hinaharap ng ating samahan, hayaang ang iyong panulat ang magsalita.


Isulat ang pagbabago. Isulat ang pamumuno. Isulat ang kasaysayan. โœ๏ธโœจ

โœ’๏ธ: Bb. Ingrid Candace Del Rosario | Wordsmith Committee
๐ŸŽจ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat

Photos from RHS Rizalianong Manunulat - RiMa Club's post 14/03/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“.

Good day, RiManunulats. ๐Ÿ‘‹

To all members and students who support Rizalianong Manunulat, we sincerely apologize as we had to create a new group chat due to unforeseen issues that have prevented the officers and members from accessing our main GC since February.

To keep the organization active and maintain communication, we have temporarily created a new GC. You may join our NEW GROUPCHAT by scanning the QR code below or accessing the link in the comment section. Thank you for your understanding and continued support.

Thank you for your continued support and cooperation. Rest assured that we are doing our best to address this matter. ๐Ÿ’›โœ๏ธ

โ€” Rizalianong Manunulat Officers

Photos from RHS Rizalianong Manunulat - RiMa Club's post 13/03/2026

๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’•๐’‚๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ€

Ipinagdiwang ng ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ถ ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น (๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ญ) at ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ang Buwan ng Sining noong ika-10 ng Marso, 2026 sa pamamagitan ng isang paligsahan na pinamagatang ๐ƒ๐š๐ ๐ฅ๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ฅ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” na may temang, "๐˜๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด. ๐˜๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜”๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ฐ."

Mula sa masining na pag-iisip hanggang sa paglalapat ng mga naaayong salita, sinukat nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na sumulat tungkol sa mga pangunahing isyu ng walang anumang paghahanda.

Kung kaya't ating balikan ang magiting na pakikiisa ng mga mag-aaral upang pairalin ang kanilang kahusayan at maipaglaban ang ikaaayos at ikaliligtas ng ating inang bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ๏ธ

โœ’๏ธ: Bb. Anne Awili | Pangulo ng Rizalianong Manunulat
๐ŸŽจ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat at Bb. Anne Awili | Pangulo ng Rizalianong Manunulat

Photos from RHS Rizalianong Manunulat - RiMa Club's post 09/03/2026

๐—œ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜! โœ’๏ธ

Muling nagbubukas ang isang pagkakataon para sa bawat manunulat na ipahayag ang kanilang tinig at damdamin. Sa pagkakataong ito, huhukayin ang mga kuwentong matagal nang ibinaon sa ilalim ng takot at katahimikan.

Inaanyayahan kayo sa ๐—ข๐—ป-๐˜๐—ต๐—ฒ-๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐˜ ๐—ฃ๐—ผ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜, isang patimpalak na inihahandog sa pagtutulungan ng ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ (๐—ฅ๐—ถ๐— ๐—ฎ) at ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ญ. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng panulaan, isang tula ang magiging tinig ng ating hangarin para sa pagbabago.

๐—ง๐—˜๐— ๐—”:
๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป: ๐——๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป
โ€œ๐—œ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐˜€. ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ.โ€

REGISTRATION FORM:
https://forms.gle/peaxVopC33CwdKN7A
https://forms.gle/peaxVopC33CwdKN7A
https://forms.gle/peaxVopC33CwdKN7A

CONSENT FORM (Makikita rin po ito sa loob ng registration form):
https://drive.google.com/file/d/1eluvbwGGvW-IuuVr422aAE6StJ4RI1G7/view?usp=drivesdk

Sangkap ang mga salitaโ€” panahon na upang ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด, ihanda ang sarili, at bigyang-buhay ang mga salitang matagal nang nakabaon sa katahimikan.

Kaya naman, handa ka na bang maging boses ng lipunan?

๐—ฅ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ:
๐Ÿ“Œ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป: Alumni Building, 3rd Floor
๐Ÿ“Œ ๐——๐—ฎ๐˜๐—ฒ: March 10, 2026
๐Ÿ“Œ ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฒ: 2:00 PM โ€“ 5:00 PM

โœ’๏ธ: Bb. Euchariz Arriola | Kalihim ng Rizalianong Manunulat
๐ŸŽจ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat at Bb. Anne Awili | Pangulo ng Rizalianong Manunulat

08/03/2026

โ€” ๐—œ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ช๐—ข๐— ๐—˜๐—กโ€™๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿ’œ

Marahil kung susulat ang kasaysayan gamit ang tibok ng puso, ang tinta nito ay magmumula sa lakas ng mga ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป. Sa katahimikan ng kanilang pagtitiis at sa ingay ng kanilang pakikibaka, unti-unting nabubuo ang mundong mas may pag-asa. Ang babae ay parang ilaw na hindi nagmamakaawa na mapansinโ€”ngunit kapag dumating ang dilim, ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต. ๐Ÿ–‡๐Ÿฉท

Sa bawat sugat na kanilang pinagdaanan, may umuusbong na panibagong tapang. Sa bawat pangarap na minsang sinabihang โ€œhindi para sa kanila,โ€ may babaeng patuloy na naglalakad lampas sa hangganan na itinakda ng iba. ๐ŸŒท

Sila ang mga pusong marunong magmahal nang buong-buo, mga isip na kayang maglikha ng pagbabago, at mga kaluluwang hindi basta-basta napapawi ng pagod o pagdududa. Tahimik man o matapang ang kanilang tinig, ang bawat babae ay may dalang kuwento ng lakas na dapat marinig ng mundo.

Kaya ngayong Buwan ng Kababaihan, hindi lamang ito simpleng pagbatiโ€”ito ay pagpupugay. Isang paalala na ang mundo ay patuloy na nagiging mas maliwanag dahil sa mga babaeng hindi sumuko sa kanilang liwanag. ๐Ÿค

Sapagkat ang babae ay hindi lamang bahagi ng kuwento ng mundoโ€”
sila ang mga ๐“ด๐“ช๐“ถ๐“ช๐”‚ na patuloy na ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ช๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ ng mas makatarungan at mas mapagpalayang bukas.

Sila ang ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ sa masukal na daan,
at ang ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด sa dilim. ๐Ÿ–‡

โœ’๏ธ: Bb. Ingrid Candace Del Rosario | Wordsmith Committee
๐ŸŽจ: G. Rendie Gil Miranda | Creatives Committee

04/03/2026

๐™๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™๐™„๐™†๐™Š| "๐™๐™ƒ๐™€ ๐™‹๐™Š๐™€๐™"
Written by: Pearl

She was a Poet,
And his always the subject.
In every words, Admiration just lingers.

In every language she used,
His name always mentioned.
I may never been in his chapter,
But in mine's, he's my favorite actor.

On every pages, I never thought I've loved you,
More than I ever knew.
But now, the only thing I know,
Is that your always gonna be my best muse in everything I wrote.




๐ŸŽจ: G. Rendie Gil Miranda | Creatives Committee

04/03/2026

๐™๐™๐™‡๐˜ผ | "๐™ˆ๐™–๐™ฎ ๐˜ฝ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™–๐™™ ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™–๐™๐™ž๐™ข๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ"
Akda ni: Kyuh_

May mga pag-ibig na hindi marunong sumigaw,
Hindi kailanman hinabol ang tanawing may mga ilaw.
May mga damdaming mas piniling manahimik,
Dahil mas ligtas magmahal kapag walang nakaririnig.

Sapagkat ang pag-ibig ay hindi laging palakasan,
Hindi palaging paramihan ng salitang binibitawan.
Minsan ang pagmamahal ay siyang marahang pag-upo,
Sa isang sulok ng damdaming may ipinangako.

Dahil aaminin ko..
Akoโ€™y nabubuhay pa sa pagitan ng tapang at pangamba,
Sa pagitan ng pag-asa at pag-atras palayo sa drama.
Sa pagitan ng "baka" at "siguro",
At doon ko natutunang magmahal ng hindi pa sigurado.

Kaya bakit ang dali para sa ibang bitawan ang salitang "mahal kita"?
Hindi tulad ko, mas pinili ang katahimikang ibigin ka.
Dahil kung gaano man kadali sa iba ang mga letra at tunog nitong bigkasin,
Siya namang kay hirap at kabaliktaran para sa akin.

Gayong hindi ako marunong sa matatapang na salita,
Hindi ako eksperto sa pangakong kayang bitawan nang bigla,
Pero sinubukan ko...
Sinubukan kong iparamdam sa'yo, hindi sa salita bagkus sa gawa.
Ngunit tila ba ako'y parang isang ibong naulanan,
Sadyang tumitiklop na, kapag ika'y nariyan.

At ngayon, iniisip ko parin saan ako sisilong kapag nais kitang maramdaman,
Gayong ikinulong ko ang aking sarili sa pagitan ng "subukan" at "'wag nalang".
Na ang mga init mo'y tila naging banta sa aking pagkatao.
Hindi dahil ayaw kitang mahalin kundi dahil ang tiwala sa sarili ko'y hindi pa buo.

Ito'y aking naging digmaanโ€”
Sa hangaring nais ko lamang ng may pag dahan-dahan.
Dahil kung ang pag-ibig mang ito'y walang malakas na deklarasyon,
Makakaasa ka namang taimtim ang aking bawat intensyon.

Na kahit walang pagsigaw o ni kahit ano mang paggalaw,
Sa gabi namang tahimik ay may "Ikaw" na patuloy na hinihiling sa mga bulalakaw.
At kung sakaling itanong ng mundo
kung bakit hindi kita minahal nang maingay,
Sasabihin kong mas pinili kong maging ,
"malumanay",
Yung tipong Tahimik, mabagal ngunit may patagong iniaalay.

Sapagkat minsan,
Hindi kakulangan ang katahimikanโ€”
Ito ay anyo ng pagmamahal
Na puro, totoo, at banal
Marunong maghintay,
Marunong magbigay.
At Hindi kailngang ipilit,
Ni Hindi kailngang iguhit

Napagtanto kong hindi lahat ng hindi nagsasalita ay walang nararamdaman.
Dahil hanggang ngayon mas buo kong pinaniwalaan,
Na ang kapayapaan ay mahahanap kapag naniwala kang
"May Banayad sa Katahimikan"




๐ŸŽจ: G. Kendrick Moyo | Creatives Committee
โ€Ž

04/03/2026

๐™๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™๐™„๐™†๐™Š | "โ€Ž๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™ž๐™—๐™ž๐™œ ๐™–๐™ฎ '๐™™๐™ž ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™"
โ€ŽAkda ni: Amelemlem

โ€ŽWalang kalaman-laman ang distansya,
โ€ŽLanguyan man ang lawa ng apoy,
โ€ŽLakarin man ang sahig ng karagatan,
โ€ŽPag-ibig ay 'di batid pero ako'y iyong-iyo.
โ€Ž
'โ€ŽWag pansinin ang lawak ng mga bagay na nakikita,
โ€ŽAt ang mga bagay na pinagkakatiwalaan lang.
โ€ŽPara kang rebulto ng anghel na-
โ€ŽHabang buhay yumayakap sa aking kaluluwa.
โ€Ž
โ€ŽAng pag-ibig natin 'di kailangan malaman ang hangganan,
โ€ŽSapat na narito ka lang sa tabi ko.
โ€ŽKahit tahimik ang dating, walang bagay na pinapangalan,
โ€ŽDalawang manlalakbay na nais maging isang buo.
โ€Ž
โ€ŽKaya bitawan mo ang dala mong ala-ala,
โ€ŽIwanan mo sa aking kamay ang hapdi.
โ€ŽHumiga ka sa puso ko at dumuyan,
โ€ŽAt palipasin natin ang 'di mababatid na hangganan ng gabi.




๐ŸŽจ: G. Kendrick Moyo | Creatives Committee

04/03/2026

๐™๐™๐™‡๐˜ผ | "๐™†๐™ช๐™—๐™ก๐™ž"
Akda Ni: Binibining Joana

Sa apat na sulok na aking kinaroroonan, ikaw lang bukod tangi kung tinatanaw

Na sa bawat tawag ng iyong ngalan, ako'y biglang napapalingaw Tahimik akong umaasang mapansin ng isang mataas na talang nakakaakit Dahil Isa akong marikit na nagbabakasakaling ika'y masungkit

Ngunit habang ako'y nahuhumaling saiyong nabubukod-tanging katangian Ikaw naman ay dumaraan na para lamang akong hangin saiyong harapan! Ako'y hanging kay dali mong lampasan, Ako ay naririto sa tabi mo, ngunit hindi kailanman ninais na mahanggan.

Marahil ngayon, unti-unti napapalayo ang pagsintang saiyo'y nagkukumbli Na tila lampara ang puso ko dahil saiyong pinaparamdam ay unti-unti akong napupundi Kaya nanaisin ko na lamang na ako'y magtago sa dilim kasama ang pagsinta ko'y naging madilim na rin...




๐ŸŽจ: Bb. Genevieve Perez | Pampublikong Tagapag-ugnay ng Rizalianong Manunulat

28/02/2026

๐™๐™๐™‡๐˜ผ | "๐™Ž๐™– ๐™†๐™–๐™ฉ๐™–๐™๐™ž๐™ข๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ"
Akda ni: Mei

Mahal kita, at kailanmaโ€™y hindi iyon magbabago.
Sa gulo at ingay ng mundo,
giliw ko, ikaw ang nagsisilbing pahinga ko.
Ang boses mo na kay lamig
ang nagpapanatili ng katahimikan
sa ingay ng isip ko.

Ikaw ang nagpatunay na mayroon pa ring isang lalaki
na magpapakatotoo
sa henerasyon na puro mangloloko.

Sobrang layo man ng agwat na ating pagitan,
handa kitang puntahan kahit saan pa man iyan.
Gagawin ko ang lahat
makita ka lang.




๐ŸŽจ: Bb. Elaiza Demillo | Creatives Committee

28/02/2026

๐™๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™๐™๐™‡๐™๐™”๐˜ผ๐™‰ | "๐™๐™–๐™ก๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™ค ๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฎ"
Likha ni: Yuka

Talento ko ang maghintay,
Sa oras, sa tiyansa, sa tao at sa pangarap,
Maging sa mga pagkakataong nahinto na lang sa sulyap.

Hindi dahil sa duwag ako at mahina,
Kundi dahil sa pusong nagtitiwalaโ€”
Na ang para sa'tin ay 'di mawawala.

Dahil mabuti ang 'di minamadali,
Tulad ng kape na may tamang timpla,
At tamang lasa ng masarap na sopas ni lola.

Masaya kasi ang bagay na pinaghihirapan,
Sa pag-usad ng pila sa gitna ng siksikan,
Lalo na ang makasama ka sa bawat darating na kinabukasan.

Kaya patuloy lang akong maghihintay
Sa paraang 'di mo maiisipโ€”
Gamit ang pasensiya na parang totoo lang sa panaginip.

Sa terminal na may mahabang pila,
Kahit mas mabilis ang pag-usad ng iba,
Hindi kailanman maiinip na hintayin ka.

Hanggang sa mapuno ang jeep sa sakayan,
Kasabay ang pagbilis ng espada ng orasan,
Sa ikot ako ay sasabay at maghihintay lang sa'yo ng tuluyan.

Patitilain ko kahit ang malakas na ulan,
Mahalin ka lang sa kalmado at may katahimikan,
Para ang ingay ng 'aking mundo ay 'di mo maranasan.

Kaya,
Dahan mo lang ihipan ang mainit na sopas,
Haluin mo ng mabuti ang tinimplang kape
Maghihintay ako sa lahat ng oras maging sa araw at sa gabi.

Dahil may pagmamahal sa paghihintay,
Kung saan 'di natitimbang ng oras at pagkabagot,
Ang kapalit na tiyansang makasama ka habang buhay.

Kaya mamahalin muna kita ng malumanay.
Mamahalin ka ng dahan-dahan,
Sa pagtagal ay patuloy ding masasanay,

Dahil talento ko ang maghintay.




๐ŸŽจ: Bb. RV Joy Biaca | Creatives Committee

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Pasig
1600