22/05/2024
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก! ๐ฅณ๐
Isang masayang pagbati ang hatid ng buong ASAP Club sa iyo, ๐ฑ๐๐๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐. ๐ฐ๐
Bilang isang bise presidente, masigabong pasasalamat ang nais iparating ng ASAP para sa iyong aktibong partisipasyon para sa ating organisasyon. Hiling namin ang iyong kaligtasan at kasiyahan at nawa'y maging maligaya at masayang ala-ala ang hatid nito sa iyo. ๐ฅณ๐๐
11/04/2024
๐๐๐๐๐๐ #๐๐
KASUNOD NG "EL FILIBUSTERISMO", NATUKLASAN NG MGA MANANALAYSAY NA MAYROONG IKATLONG NOBELA SI JOSE RIZAL NA HINDI NIYA NATAPOS. TINAWAG NILA ITONG "MAKAMISA" ALINSUNOD SA PAMAGAT NG UNANG KABANATA NG NASABING NOBELA.
.Joserizal
โ๏ธ&๐จ: Prince Elwood Geronimo
28/03/2024
๐๐๐๐๐๐ฌ #๐๐
Isang mapayapa at masaganang Huwebes Santo sa inyong lahat!
Sa araw na ito ng Huwebes Santo, isinasapuso natin ang masalimuot na kaganapan ng Institusyon ng Eukaristiya. Sa pagdiriwang na ito, naglalaman ang kaligayahan at pasasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa atin ni Hesus.
Sa huling hapunan, sa gitna ng Kanyang mga kaibigan, ipinakita Niya ang Kanyang wagas na pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang katawan at dugo, na nagbigay daan sa banal na ritwal ng Eukaristiya.
Ngunit hindi lang ito ang ipinapaalala sa atin ngayong araw. Sa pamamagitan din ng paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad, ipinakita Niya ang halimbawa ng tunay na paglilingkod at kababaang-loob.
Sa bawat paglakad natin sa daan ng buhay, nawa'y mahalin at ipamalas natin ang katulad na pagmamahal at paglilingkod na itinuro ni Hesus.
Kaya sa Huwebes Santo, sa gitna ng ating pasasalamat at kagalakan, patuloy nating alalahanin ang mga aral na ito at ipamuhay sa ating mga buhay. Maligayang Huwebes Santo sa inyong lahat!
โ๏ธ&๐จ: Alindajao, Tristan B.
21/03/2024
๐๐๐๐๐๐ฌ #๐๐
"Habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang tinapay. Pinagpala niya ito, pinagputul-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan. Kinuha niya ang saro at nang makapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila. Sinabi niya: Uminom kayong lahat. Ito ay ang aking dugo ng bagong tipan. Nabuhos ito para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami." Matthew 26:26โ28
Ngayong papalapit na ang simula ng Mahal na Araw o Semana Santa, halina't alamin at lubos nating maunawaan ang kasaysayan nito sa ating bansa.
Ang Mahal na Araw o Semana Santa sa espanyol o Holy week sa ingles ay tumutukoy sa linggo kung kailan kusang loob na pinagdaaanan ang matinding paghihirap hanggang sa ipako siya sa krus upang bayaran ang kasalanan ng kanyang mga hinirang. Dito nagaganap ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria. Sa loob ng Mahal na Araw, ang mga kristyano ay nararapat na taimtim na nagdarasal at sinasamba si Hesus sapagkat siya ay nagdusa para sa kapakanan natin.
Kaya ngayong Semana Santa, tayo ay magpasalamat at laging tandaan ang mga aral at mensahe na itinuro nito sa atin.
07/03/2024
๐๐๐๐๐๐ฌ #๐๐
Sa pagsalubong sa Women's Month, kilalanin natin ang isa sa mga pilipina na sumuporta sa mga rebolusyonaryo.
Kilalanin si Melchora Aquino, na mas kilala bilang 'Tandang Sora,' isang matapang at mapagmahal na Pilipina na naging simbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Isa siyang haligi ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, nagbigay siya ng tulong at suporta sa mga rebolusyonaryo, kahit na ang kanyang buhay ay nasa panganib.
Ang kanyang dedikasyon sa kalayaan ng Pilipinas ay nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino upang ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan at karapatan. Sa kanyang pagiging huwaran at katangi-tanging kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas, patuloy nating ginugunita si Melchora Aquino bilang isang tunay na bayani.
29/02/2024
๐๐๐๐๐๐ฌ #๐๐
๐ต๐ญPagyamanan at ipagmalaki natin ang kahalagahan ng ating nakaraan sa gitna ng modernisasyon. Sa pagpapahalaga ng kultura at tradisyon, bumubuo tayo ng pagkakakilanlan bilang isang mulat na Pilipino. Ipagpapatuloy natin ang ating kultura at tradisyon bilang isang pamana mula sa ating mga ninuno. ๐ต๐ญ๐ Mahalaga ang pagpapahalaga sa ating kultura at tradisyon upang maipagmalaki natin ito sa ibang bansa at maipamana sa susunod na henerasyon.๐ Let's keep the flame of our culture burning bright!
๐ฃ๏ธI-share, Ipasa, at lpagmalaki:
Magsilbing tagapagtaguyod ng ating
kultura! I-share ang mga kuwento, tradisyon, at mga aral na nais nating ipagmalaki at maipasa sa susunod na henerasyon. Hindi natin kailangang kalimutan ang ating pinagmulan habang tayo'y nagtatrabaho para sa kinabukasan. Sa pagbibigay halaga sa ating tradisyon at kultura, nagbibigay tayo ng kulay at halaga sa bawat pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Mahalin natin ang sariling atin!
โ๏ธ&๐จ: Crischien Zyrah Divina
25/02/2024
Ang ๐๐๐ฆ๐ o "Epifaรฑo Delos Santos Avenue" ay bahagi ng isa sa mga pamproyektong imprastruktura ng pangulo ng Pilipinas noong 1940s na si Manuel Roxas. Ito ay isa sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na nag-uugnay sa ilang mga lungsod at bayan sa kalakhang Maynila. Bukod sa pagpapalakas ng transportasyon, ang EDSA ay naglilingkod rin bilang sentro ng mga makasaysayang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong ika-25 ng Pebrero, 1986 ay ang araw ng EDSA ay isang makasaysayang pagdiriwang. Ito ay upang ipahayag ang kanilang hinaing at hinanakit sa pamahala ng Pangulong si Ferdinand Marcos. Sa pamamagitan ng People Power Revolution, nagtagumpay ang mga Pilipino sa pagpapatalsik kay Marcos at pagtatag ng isang bagong pamahalaan na pinangunahan ni Corazon Aquino. Ang araw na ito ay patuloy na ginugunita bilang simbolo ng pagkakaisa at kapangyarihan ng mamamayang Pilipino.
โ๏ธ: Dave Russel Geda
๐จ: Gabrielle Psalm Lopez
16/02/2024
BATCH 3 - Wedding Booth
February 14, 2024
Note: The pictures may be low quality because of FaceBook, if you want to download higher quality copy, you may access the link below. Thank You!
Gdrive Link (w/ layout)
https://drive.google.com/drive/folders/1-aSTn5WWNd4XUVDAUK20npRSKVRmql7w
Gdrive Link (raw pictures)
https://drive.google.com/drive/folders/1-WsfWordqR8ELT2g_AMbWltMuekHjXn2
16/02/2024
BATCH 2- Wedding Booth
February 14, 2024
Note: The pictures may be low quality because of FaceBook, if you want to download higher quality copy, you may access the link below. Thank You!
Gdrive Link (w/ layout)
https://drive.google.com/drive/folders/1-aSTn5WWNd4XUVDAUK20npRSKVRmql7w
Gdrive Link (raw pictures)
https://drive.google.com/drive/folders/1-WsfWordqR8ELT2g_AMbWltMuekHjXn2
16/02/2024
BATCH 1 - Wedding Booth
February 14, 2024
Note: The pictures may be low quality because of FaceBook, if you want to download higher quality copy, you may access the link below. Thank You!
Gdrive Link (w/ layout)
https://drive.google.com/drive/folders/1-aSTn5WWNd4XUVDAUK20npRSKVRmql7w
Gdrive Link (raw pictures)
https://drive.google.com/drive/folders/1-WsfWordqR8ELT2g_AMbWltMuekHjXn2
15/02/2024
๐๐๐๐๐๐ฌ #๐๐ ๐๐ต๐ญ
Ang Corregidor Island, na matatagpuan sa baybayin ng Bataan, ay isang pangunahing makasaysayang pulo sa Pilipinas. Kilala bilang "The Rock" dahil sa kanyang matigas na anyong bato, ito rin ay naging saksi sa matinding labanan noong World War II sa pagitan ng Pilipinas at mga Hapon. Sa kasalukuyan, ito ay isang kilalang historical destination na patuloy na dinarayo hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.
13/02/2024
You look so beautiful in white๐ถ๐ผ๐ต
Kasal? Bisita? Abay? Ninang o Ninong? Pโwede ka maging kahit ano sa booth na โto! ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ng ASAP at CIV nga pala!
Magkaibigan man o magka-ibigan ay pโwede rito. Dito ikasal sa inyong mga partner o magkaroon ng litrato kasama ang kaibigan na para bang bisita sa handaan๐คช
๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฌ๐ค kung saan pโwede kang magkaroon ng litrato kasama ang iniidolo mong artista๐ซถ
๐๐ฎ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐จ๐ง & ๐๐ง๐ฌ๐ฐ๐๐ซ kung saang maaaring sagutan at maaaring magkaroon ng LIBRENG HARCOPY ng litrato nโyo kapag naitama ito๐
Makikita nโyo ang aming booth sa harap ng ๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ, ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐ซ. Malapit sa canteen kung kayaโy sana daanan pagkatapos o bago lumafang! See you๐
๐จ: Prince Elwood Geronimo, Gabrielle Psalm Lopez, Princess Jewel Dela Cruz
โ๏ธ: Princess Jewel Dela Cruz