PHS ASAP Club

PHS ASAP Club

Share

official FB PAGE of ASAP Pinagbuhatan high school Organization

22/05/2024

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก! ๐Ÿฅณ๐ŸŽŠ

Isang masayang pagbati ang hatid ng buong ASAP Club sa iyo, ๐‘ฑ๐’†๐’Š๐’‚๐’ ๐‘ฐ๐’“๐’Š๐’”๐’‰ ๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’๐’๐’๐’„. ๐Ÿฐ๐ŸŽ

Bilang isang bise presidente, masigabong pasasalamat ang nais iparating ng ASAP para sa iyong aktibong partisipasyon para sa ating organisasyon. Hiling namin ang iyong kaligtasan at kasiyahan at nawa'y maging maligaya at masayang ala-ala ang hatid nito sa iyo. ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

11/04/2024

๐–๐„๐‡๐๐„๐’ #๐ŸŽ๐Ÿ•

KASUNOD NG "EL FILIBUSTERISMO", NATUKLASAN NG MGA MANANALAYSAY NA MAYROONG IKATLONG NOBELA SI JOSE RIZAL NA HINDI NIYA NATAPOS. TINAWAG NILA ITONG "MAKAMISA" ALINSUNOD SA PAMAGAT NG UNANG KABANATA NG NASABING NOBELA.


.Joserizal


โœ๏ธ&๐ŸŽจ: Prince Elwood Geronimo

28/03/2024

๐–๐„๐‡๐›๐ž๐ฌ #๐ŸŽ๐Ÿ”

Isang mapayapa at masaganang Huwebes Santo sa inyong lahat!

Sa araw na ito ng Huwebes Santo, isinasapuso natin ang masalimuot na kaganapan ng Institusyon ng Eukaristiya. Sa pagdiriwang na ito, naglalaman ang kaligayahan at pasasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa atin ni Hesus.

Sa huling hapunan, sa gitna ng Kanyang mga kaibigan, ipinakita Niya ang Kanyang wagas na pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang katawan at dugo, na nagbigay daan sa banal na ritwal ng Eukaristiya.

Ngunit hindi lang ito ang ipinapaalala sa atin ngayong araw. Sa pamamagitan din ng paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad, ipinakita Niya ang halimbawa ng tunay na paglilingkod at kababaang-loob.

Sa bawat paglakad natin sa daan ng buhay, nawa'y mahalin at ipamalas natin ang katulad na pagmamahal at paglilingkod na itinuro ni Hesus.

Kaya sa Huwebes Santo, sa gitna ng ating pasasalamat at kagalakan, patuloy nating alalahanin ang mga aral na ito at ipamuhay sa ating mga buhay. Maligayang Huwebes Santo sa inyong lahat!

โœ๏ธ&๐ŸŽจ: Alindajao, Tristan B.

21/03/2024

๐–๐„๐‡๐›๐ž๐ฌ #๐ŸŽ๐Ÿ“

"Habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang tinapay. Pinagpala niya ito, pinagputul-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan. Kinuha niya ang saro at nang makapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila. Sinabi niya: Uminom kayong lahat. Ito ay ang aking dugo ng bagong tipan. Nabuhos ito para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami." Matthew 26:26โ€“28

Ngayong papalapit na ang simula ng Mahal na Araw o Semana Santa, halina't alamin at lubos nating maunawaan ang kasaysayan nito sa ating bansa.

Ang Mahal na Araw o Semana Santa sa espanyol o Holy week sa ingles ay tumutukoy sa linggo kung kailan kusang loob na pinagdaaanan ang matinding paghihirap hanggang sa ipako siya sa krus upang bayaran ang kasalanan ng kanyang mga hinirang. Dito nagaganap ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria. Sa loob ng Mahal na Araw, ang mga kristyano ay nararapat na taimtim na nagdarasal at sinasamba si Hesus sapagkat siya ay nagdusa para sa kapakanan natin.

Kaya ngayong Semana Santa, tayo ay magpasalamat at laging tandaan ang mga aral at mensahe na itinuro nito sa atin.

07/03/2024

๐–๐„๐‡๐›๐ž๐ฌ #๐ŸŽ๐Ÿ’

Sa pagsalubong sa Women's Month, kilalanin natin ang isa sa mga pilipina na sumuporta sa mga rebolusyonaryo.

Kilalanin si Melchora Aquino, na mas kilala bilang 'Tandang Sora,' isang matapang at mapagmahal na Pilipina na naging simbolo ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Isa siyang haligi ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, nagbigay siya ng tulong at suporta sa mga rebolusyonaryo, kahit na ang kanyang buhay ay nasa panganib.

Ang kanyang dedikasyon sa kalayaan ng Pilipinas ay nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino upang ipagpatuloy ang laban para sa kalayaan at karapatan. Sa kanyang pagiging huwaran at katangi-tanging kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas, patuloy nating ginugunita si Melchora Aquino bilang isang tunay na bayani.



29/02/2024

๐–๐„๐‡๐›๐ž๐ฌ #๐ŸŽ๐Ÿ‘

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญPagyamanan at ipagmalaki natin ang kahalagahan ng ating nakaraan sa gitna ng modernisasyon. Sa pagpapahalaga ng kultura at tradisyon, bumubuo tayo ng pagkakakilanlan bilang isang mulat na Pilipino. Ipagpapatuloy natin ang ating kultura at tradisyon bilang isang pamana mula sa ating mga ninuno. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’– Mahalaga ang pagpapahalaga sa ating kultura at tradisyon upang maipagmalaki natin ito sa ibang bansa at maipamana sa susunod na henerasyon.๐ŸŒŸ Let's keep the flame of our culture burning bright!

๐Ÿ—ฃ๏ธI-share, Ipasa, at lpagmalaki:
Magsilbing tagapagtaguyod ng ating
kultura! I-share ang mga kuwento, tradisyon, at mga aral na nais nating ipagmalaki at maipasa sa susunod na henerasyon. Hindi natin kailangang kalimutan ang ating pinagmulan habang tayo'y nagtatrabaho para sa kinabukasan. Sa pagbibigay halaga sa ating tradisyon at kultura, nagbibigay tayo ng kulay at halaga sa bawat pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Mahalin natin ang sariling atin!

โœ๏ธ&๐ŸŽจ: Crischien Zyrah Divina

25/02/2024

Ang ๐—˜๐——๐—ฆ๐—” o "Epifaรฑo Delos Santos Avenue" ay bahagi ng isa sa mga pamproyektong imprastruktura ng pangulo ng Pilipinas noong 1940s na si Manuel Roxas. Ito ay isa sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na nag-uugnay sa ilang mga lungsod at bayan sa kalakhang Maynila. Bukod sa pagpapalakas ng transportasyon, ang EDSA ay naglilingkod rin bilang sentro ng mga makasaysayang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Noong ika-25 ng Pebrero, 1986 ay ang araw ng EDSA ay isang makasaysayang pagdiriwang. Ito ay upang ipahayag ang kanilang hinaing at hinanakit sa pamahala ng Pangulong si Ferdinand Marcos. Sa pamamagitan ng People Power Revolution, nagtagumpay ang mga Pilipino sa pagpapatalsik kay Marcos at pagtatag ng isang bagong pamahalaan na pinangunahan ni Corazon Aquino. Ang araw na ito ay patuloy na ginugunita bilang simbolo ng pagkakaisa at kapangyarihan ng mamamayang Pilipino.

โœ๏ธ: Dave Russel Geda
๐ŸŽจ: Gabrielle Psalm Lopez

15/02/2024

๐–๐„๐‡๐›๐ž๐ฌ #๐ŸŽ๐Ÿ ๐ŸŒŽ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ang Corregidor Island, na matatagpuan sa baybayin ng Bataan, ay isang pangunahing makasaysayang pulo sa Pilipinas. Kilala bilang "The Rock" dahil sa kanyang matigas na anyong bato, ito rin ay naging saksi sa matinding labanan noong World War II sa pagitan ng Pilipinas at mga Hapon. Sa kasalukuyan, ito ay isang kilalang historical destination na patuloy na dinarayo hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Photos from PHS ASAP Club's post 13/02/2024

You look so beautiful in white๐ŸŽถ๐ŸŽผ๐ŸŽต

Kasal? Bisita? Abay? Ninang o Ninong? Pโ€™wede ka maging kahit ano sa booth na โ€˜to! ๐Ÿ’

๐Œ๐€๐‘๐‘๐ˆ๐€๐†๐„ ๐๐Ž๐Ž๐“๐‡ ng ASAP at CIV nga pala!

Magkaibigan man o magka-ibigan ay pโ€™wede rito. Dito ikasal sa inyong mga partner o magkaroon ng litrato kasama ang kaibigan na para bang bisita sa handaan๐Ÿคช

๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ฌ๐ค kung saan pโ€™wede kang magkaroon ng litrato kasama ang iniidolo mong artista๐Ÿซถ

๐๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐จ๐ง & ๐€๐ง๐ฌ๐ฐ๐ž๐ซ kung saang maaaring sagutan at maaaring magkaroon ng LIBRENG HARCOPY ng litrato nโ€™yo kapag naitama ito๐ŸŽž

Makikita nโ€™yo ang aming booth sa harap ng ๐€๐ ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ, ๐Ÿ๐ง๐ ๐Ÿ๐ฅ๐จ๐จ๐ซ. Malapit sa canteen kung kayaโ€™y sana daanan pagkatapos o bago lumafang! See you๐Ÿ’

๐ŸŽจ: Prince Elwood Geronimo, Gabrielle Psalm Lopez, Princess Jewel Dela Cruz
โœ๏ธ: Princess Jewel Dela Cruz

Want your school to be the top-listed School/college in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Urbano Velasco Avenue, Pinagbuhatan, Philippines 1602
Pasig
1609