16/04/2025
Nagsimula sa pagbati ng magandang umaga, magtatapos sa pagbati ng salamat.
Parang kailan lang, unang araw ng eskwela may kaba, may pananabik, may pangarap. Ngayon, heto tayo, nasa dulo na ng isa na namang kabanata. Ang bilis ng panahon. Parang sandali lang ang lahat, pero sa bawat araw na lumipas, may iniwang alaala, may dalang aral, at may bakas sa puso natin na hinding-hindi mabubura. Sa bawat halakhak, may mga luhang hindi natin ipinakita. Sa bawat tagumpay, may mga sakripisyong hindi natin nabanggit. Sa bawat pagsubok, may mga pagkakataong gusto na nating sumuko, pero hindi tayo bumitaw dahil may mga taong naniwala, naghintay, at nagbigay-lakas sa atin para bumangon kahit napapagod.
Hindi natin alam kung kailan ulit tayo magkakasama sa ganitong paraan. Maaaring sa susunod, may mga bagong landas na tatahakin, may mga bagong taong darating, at may mga pangarap nang unti-unting natutupad. Ngunit kahit saan man tayo mapunta, mananatili sa atin ang mga alaala ng mga taong naging bahagi ng ating paglalakbay. Nawa'y ang ating samahan ay manatili at hindi kailanman maglaho, na para bang walang nangyari. Salamat sa mga g**ong nagsilbing gabay, nagturo ng panibagong kaalaman, at naging aming pangalawang magulang na nakasama sa bawat tawanan, tampuhan, at sa mga pagkakataong kami ay nadadapa. Salamat sa mga kaibigang naging tahanan sa gitna ng pagod at pangamba.
Salamat sa bawat tawanan, sa bawat iyakan, sa bawat sandali ng pagsasama.
Paalam, pero hindi pa talaga. Hanggang sa muli.โจ๐ซก๐
:Pres
05/04/2025
Ating tignan, ang mga kaganapan na inihanda ng mag-aaral sa HUMSS 11-A kung saan nagbigay ng aliw at ipinamalas ang kanilang talento sa harap ni Bb. Abedejos bago igawad ang parangal. Tampok sa mga pagtatanghal ang iba't ibang awitin at sayaw na lalong nagpasigla sa programa. Ang mga awitin ay pumukaw ng damdamin, habang ang mga sayaw ay nagpakita ng sigla at galing ng bawat kalahok. Tunay na naging makulay at makahulugan ang selebrasyon dahil sa kanilang aktibong partisipasyon.
๐ป
05/04/2025
PAGBATI!!!๐๐
Kasama ang kanilang g**ong tagapayo na walang iba kundi si G. Alex Christopher Agupe, ay ginawaran ang mga mag-aaral ng HUMSS 11-A ng pagkilala sa kanilang mahusay na akademikong pagganap. Tunay ngang kapuri-puri ang kanilang pagsusumikap, dedikasyon, at determinasyong maabot ang mataas na antas ng karunungan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ito hindi lamang sa kanilang seksyon kundi sa buong paaralan.
Hindi rin magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang walang sawang paggabay at suporta ni G. Agupe. Sa bawat payo, pang-unawa, at pagtuturo na kanyang ibinahagi, tunay na nahubog ang puso't isipan ng mga mag-aaral. Ngunit higit pa sa aralin ang kanyang naituro at naipadama rin niya ang malasakit at pagmamahal bilang isang pangalawang magulang sa loob ng silid-aralan.
Sa bawat tawa sa klase, kwentuhan bago magsimula, at mga birong nagpagaan sa bigat ng akademikong buhay, hindi matatawaran ang masasayang alaala na kanilang nabuo. Mula sa simplengโClass, Attention!!" hanggang sa mga makahulugang diskusyon, naging makulay ang bawat araw dahil kay Sir Agupe.
Maraming salamat po, G. Agupe, sa pagiging haligi ng inspirasyon, ilaw ng kaalaman, at katuwang sa bawat hakbang ng aming paglalakbay. Mula sa buong HUMSS 11-A saludo po kami sa inyo, Sir!๐ซก Sana'yo patuloy ninyong pag-alabin ang inyong dedikasyon sa pagtuturo, dahil sa inyo, maraming kabataang nangangarap ang nabibigyang pag-asa.๐ช๐โจ
04/04/2025
Isang mainit na pagbati sa lahat ng mag-aaral na nakakuha ng 90+ na grado sa asignaturang Pagbasa mula ikaapat na markahan at sa buong pangalawang semestre, gayundin sa mga binigyan ng parangal para sa kanilang husay sa paggawa ng sariling Spoken Poetry. Tunay na ipinamalas nila ang galing at husay bilang mga humanista sa ilalim ng paggabay ng kanilang g**o na si Bb. Mary Trisha Alva Abedejos.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa larangan ng wika at panitikan. Magsilbi sana itong inspirasyon sa iba pang mag-aaral upang patuloy na linangin ang kanilang talento at pag-ibig sa pagbabasa at malikhaing pagpapahayag. Sa bawat marka at parangal ay kaakibat ang sakripisyo, pagpupursige, at determinasyon.
Bilang bahagi ng pagdiriwang na ito, hindi rin malilimutan ang isang mahalagang tao sa likod ng bawat pagkatuto si Bb. Mary Trisha Alva Abedejos. Isang g**o na hindi lamang nagturo, kundi naging ilaw at gabay ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong paglalakbay. Sa bawat aralin, aktibidad, at proyekto, dama ang kanyang malasakit, dedikasyon, at pagmamahal sa pagtuturo. Hindi lamang siya nagturo ng mga konsepto, tinuro rin niya ang kahalagahan ng pakikinig, pag-unawa, at pagbibigay ng boses sa sariling damdamin at kaisipan.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa kanya ng mga mag-aaral sa HUMSS 11-A ang kanyang walang sawang paggabay, pag-unawa, at pagtutulak sa kanilang abutin ang kanilang buong potensyal. Tunay siyang huwarang g**o na patuloy na humuhubog ng mga mag-aaral na may puso, tapang, at malasakit sa mga mag-aaral na may growth mindset.
Muli, isang masigabong pagbati sa lahat ng nagpakitang gilas at nagsilbing inspirasyon sa ating paaralan.
28/03/2025
Manalo man o matalo, buong puso kong ipinagmamalaki ang HUMSS 11-A sa ating huling kompetisyon bilang iisang seksyon.
Hindi lamang panalo ang sukatan ng ating tagumpay kundi ang dedikasyon, sipag, at pusong ibinuhos natin sa bawat laban.
Sa bawat hamon, hindi tayo nagpatinagโmay hindi pagkakaintindihan, may tampuhan, ngunit sa huli, mas natutunan nating magpakumbaba at magkaisa.
Pinatunayan natin na higit sa anumang pagkakaiba, mas matibay ang ating pagsasamahan at mas malakas tayo kapag tayo ay magkakasama.
Bagamat ito na ang ating huling kompetisyon, ang ating pagsasama, alaala, at pagkakaisa ay mananatili sa atin habambuhay.
Sa HUMSS 11-A, hindi lang tayo natuto, kundi naranasan natin ang tunay na diwa ng pagpapatawad, pagkakaisa, at pagiging isang pamilya!๐โจ
โ๏ธ: Pres
26/03/2025
Congratulations, Jillboy Valdez !!
YOUR HUMSS-A FAMILY IS PROUD OF YOU!โจ๐
03/03/2025
๐๐ผ๐๐พ๐ ๐ฝ๐ผ๐ฝ๐๐๐, ๐๐'๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐! โจ
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ to our March celebrants! Stay ๐๐๐๐ฝ and ๐บ๐
๐๐บ๐๐ ๐ฟ๐๐
๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐พ๐บ๐๐, ๐ ๐ฝ๐๐พ๐บ๐๐, ๐ญ and the path that makes you happy. ๐ ๐๐ช๐ด๐ฉ๐ช๐ฏ๐จ ๐บ๐ฐ๐ถ ๐ข ๐ธ๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ง๐ถ๐ญ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฃ๐ญ๐ฆ๐ด๐ด๐ฆ๐ฅ ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ ๐ข๐ฉ๐ฆ๐ข๐ฅ! ๐ฐ Always remember, Us ๐๐๐๐๐ 11 - ๐ is always proud of you! ๐ Just ๐๐ค๐๐ช๐จ ๐ค๐ฃ ๐ฎ๐ค๐ช๐ง๐จ๐๐ก๐ and donโt mind those who try to bring you down. ๐ชป
03/03/2025
Let's all give a big congratulations to our beloved president for winning the Grade 12 Representative position in the SSLG election! Your hard work and dedication truly paid off, and we can't wait to see the amazing things you'll do for our school.โจ๐