10/12/2025
Childrens Month Celebration Matagumpay na naisagawa!
Maayos at matagumpay na naisagawa noong Disyembre 9, 2025 ang 33rd National Childrenโs Month (NCM) Division Culminating Program ng Department of EducationโPasay City Division, na ginanap sa Pasay City North High SchoolโMDC AVR mula 8:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral, g**o, at opisyal ng kagawaran mula sa ibaโt ibang paaralan sa Pasay, mula elementarya hanggang sekondarya, bilang pagdiriwang ng pinal na programa ng Childrenโs Month na may temang OSAEC-CSAEM WAKASAN: KALIGTASAN AT KARAPATAN NG BAWAT BATANG
MAG-AARAL, IPAGLABAN! na nagbibigay-halaga sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat bata.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, na sinundan ng panalangin sa pamamagitan ng audio-visual presentation. Pagkatapos nito ay binigkas ang Panatang Makabata, na pinangunahan ni Marco S. Angeles, Division Federation SELG President. Ipinakilala rin ang mga mag-aaral mula sa Cluster 1 hanggang 10 na lumahok sa naturang gawain. Nagbigay din ng paalala hinggil sa DepEd Quality Policy sa pamamagitan ng isa pang audio-visual presentation.
Naghandog ng Opening Remarks si Dr. Renato B. Mesada, Pangulo ng PSDS Association, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paghubog sa mga kabataan. Kasunod nito, ipiniresenta ni Dr. Bernardita A. Perez, Education Program Supervisor at Division LRP Focal Person, ang Statement of Purpose upang higit na maunawaan ang layunin at saysay ng naturang selebrasyon.
Nagbigay-sigla sa programa ang intermission number ng Pasay City West High School Dance Troupe, na itinampok ang makukulay at tradisyunal na talento ng kabataang Pasayeรฑo.
Kasunod nito ay ang interaktibong talakayan ukol sa Identifying Emotions, na tinalakay ni Maโam Marry Alyssa Santiago, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wastong pangangasiwa ng emosyon bilang isang kabataang lider. Sunod niyang tinalakay ang adbokasiya laban sa online exploitation sa pamamagitan ng presentasyon ni Maโam Lorieneth Nerver-Naranjo, RSW, mula sa World Hope International Philippines, na naglatag ng mahahalagang impormasyon tungkol sa OSAEC at CSAEM.
Sinundan ito ng paksang Empowered to Engage: Building Digital Literacy Among Learners, na tinalakay ni Dr. Bernardita A. Perez, kung saan binigyang-diin niya ang responsableng paggamit ng teknolohiya at ang kahalagahan ng pagiging isang mahusay at mapanuring digital citizen at youth leaders.
Muling nagbigay-sigla ang Dance Troupe ng Pasay City West High School sa kanilang inihandang pagtatanghal bago itampok ang huling bahagi ng programa.
Bilang pagtatapos, nagpaabot ng Message of Gratitude si John Matthew H. Mendoza, Vice President ng Division Federation SSLG, at nagbigay naman ng Closing Remarks si Dr. Severo A. Bajado, Chief Education Program Supervisor, na muling nagpahiwatig ng patuloy na misyon ng DepEd Pasay na pangalagaan, gabayan, at patuloy na suportahan ang bawat kabataang Pasayeรฑo.
Pinangunahan ang programa nina Anika Claire A. Maramba Division Federation SSLG Presidenf at Agatha Mae S. Mendoza Division Federation SSLG Treasurer bilang Masters of Ceremonies.
Sa kabuuan, matagumpay na naipakita ng pagdiriwang ang layunin ng kagawaran na lumikha ng ligtas, makatao, at makabuluhang kapaligiran para sa lahat ng batang Pasayeรฑo.
๐ Agatha S. Mendoza
01/12/2025
PCNHS, Ipinagdiwang ang Pagtatapos ng National Reading Month
Pormal na isinara ng Pasay City North High School (PCNHS) sa pangunguna ng English Department ang pagdiriwang ng National Reading Month ngayong Disyembre 1, 2025 sa temang "Bridges of Understanding: Reading for Empathy, Critical Thinking and Life". Tampok ang pagpapaunlad ng pagbabasa at pagpapalakas ng mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa, pagpapahayag, pagkamalikhain, at kritikal na pagsusuri.
Nagsimula ang selebrasyon sa pamamagitan ng audio-visual presentation (AVP). Sinundan ito ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang pambungad na panalangin, at ang pag-awit ng Pasay City Hymn,
Sinundan naman ito ng pagbibigay ng pambungad na pananalita ni Ma. Francia T. Nuรฑez, Master Teacher III, na binigyang-diin ang pagbabasa ay hindi lamang isang pangangailangan sa paaralan kung hindi isang panghabambuhay na ugali na nagpapataas ng pag-unawa, nagtataguyod ng empatiya, at nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na makita ang mundo mula sa iba't ibang pananaw. Kinilala rin niya ang mga g**o at estudyante na aktibong nakibahagi sa isang buwang pagdiriwang.
Sinundan ito ng inspirasyong mensahe ng School Principal II Grace B. Torres, na pinuri ang English Department para sa matagumpay na pagpapadali nito sa mga aktibidad. Hinikayat niya ang mga mag-aaral na patuloy na tanggapin ang pagbabasa bilang pang-araw-araw na kasanayan, na nagpapaalala sa kanila na ang literatura ay isang pangunahing kasanayan na sumusuporta sa lahat ng iba pang anyo ng pag-aaral.
Isa sa mga pangunahing tampok ng programa ay ang pormal na pagtatanghal at pagkilala sa mga nagwagi mula sa iba't ibang patimpalak na ginanap sa buong Nobyembre. Kinilala ang mga mag-aaral ng 7-Faraday para sa kanilang pagtatanghal sa Readers Theater na pinamagatang "The Billionaire's Mice,".
Samantala, ang mga mag-aaral ng 10-Rizal ay naging sentro para sa kanilang One-Act Play na pagtatanghal ng โA New Yorker in Tondoโ ni Marcelino Agana Jr., Ang mga sertipiko ng pagkilala ay iginawad din sa mga nanalo ng Slogan Making, Poster Making, Reading Proficiency, Spelling Bee, at karagdagang mga entry sa Readers Theater.
Itinampok din ang pagkilala sa mga nagwagi sa mga kategorya ng Chamber Theater, Speech Choir, Impromptu Speech, at One-Act Play. Ang 8-Narra ay nakakuha ng papuri para sa kanilang Chamber Theater adaptation ng โThe Bamboo and the Mango Tree,โ. Samantala, binihag ng Grade 9-Diamond Speech Choir ang mga manonood sa kanilang makapangyarihan at magkasabay na pagtatanghal ng โInvictusโ ni William Ernest Henley, isang tulang kilala sa mensahe ng katatagan at katapangan.
Sumunod ang mga karagdagang parangal, kabilang ang mga pagkilala para sa JHS Speech Choir. Ang SHS Speech Choir sa kanilang literary interpretation ng "The Resiliency of a Filipino" ni William G. Bacani, at mga outstanding performers mula sa Impromptu Speech at One-Act Play competitions. Ipinakita ng mga aktibidad na ito hindi lamang ang kahusayan ng mga mag-aaral sa wika kundi pati na rin ang kanilang kumpiyansa, pagkamalikhain, at pagtutulungan ng magkakasama.
Umani muli ng masigabong palakpakan mula sa mga mag-aaral at g**o dahil sa espesyal na pagtatanghal mula sa SHS Speech Choir ICT 2 na pinamagatang โThe Resiliency of a Filipino".
Bilang pagtatapos ng program, ipinahayag ng English Department Head na si Almera M. Alkuino ang pangwakas na pananalita, na nagpapahayag ng pasasalamat sa mga faculty coordinator, mga kalahok ng mag-aaral, at mga nanalo sa kompetisyon. Binigyang-diin niya ang tagumpay ng mga aktibidad hindi lamang sa pagdiriwang ng National Reading Month kung hindi pati na rin sa pagbuo ng kultura ng literatura, empatiya, at patuloy na pag-aaral sa loob ng paaralan.
โ๏ธ: Precious Jadrielle Cruz
๐ธ: Agatha Mae Mendoza at Germel Ignacio
08/11/2025
Pagdiriwang ng United Nations 2025, isinagawa
Ipinagdiwang kahapon, Nobyembre 7, sa Audio Visual Room (AVR) ng Pasay City North High School ang taunang United Nations Celebration na may temang โLeaving no one behind: Acting together, for the advancement of peace, sustainable development, and human dignity for present and future generations.โ Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Araling Panlipunan sa pamumuno ni Gng. Lani Mendoza, kasama ang mga g**o ng kagawaran at mag-aaral mula sa ibaโt ibang baitang.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin, sinundan ng Pambansang Awit ng Pilipinas at Himno ng Pasay sa pamamagitan ng isang Audio Visual Presentation. Bilang pormal na pagsisimula ng programa, nagbigay ng pambungad na mensahe si Gng. Analyn Durado, Department Head ng Values Education, na nagpaalala sa kahalagahan ng pagkakaisa at paggalang sa bawat isa. Kasunod nito, naghandog ng pampasiglang bilang ang Baile sa Norte bilang pamukaw sa mga manonood.
Iginawad din ang mga parangal sa mga nagwagi sa ibaโt ibang patimpalak tulad ng Poster Making Contest, Name the Flag, at Spoken Poetry. Tampok rin ang pagtatanghal ng nagkamit ng unang pwesto sa Spoken Poetry na si Melrose S. Manantan na muling binigkas ang kanyang piyesa sa entablado. Nagbigay naman ng inspirasyonal na mensahe si Maโam Leuvina Erni, Education Program Supervisor sa Araling Panlipunan, na nagpahayag ng kahalagahan ng respeto at pagkakaisa ng bawat mamayan.
Isa sa pinakainaabangang bahagi ng selebrasyon ay ang UN Costume Parade, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa ika-siyam na baitang ang makukulay na kasuotan na kumakatawan sa ibaโt ibang bansa sa mundo. Sa huli, inanunsyo ang mga nanalo sa nasabing patimpalak. Bilang pagtatapos, muling naghatid ng pagtatanghal ang Baile sa Norte at nagbigay ng pangwakas na mensahe si Gng. Imelda Jimenez, Department Head ng Mathematics, na nagpasalamat sa lahat ng lumahok at tumulong upang maging matagumpay ang programa.
Ang naturang selebrasyon ay nagsilbing paalala na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat isa, iisa ang layunin ng sangkatauhan ang pagkakaisa, kapayapaan, at pag-unlad para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.
โ๐ป: Agatha Mae Mendoza
๐ธ: Brix David Tumbaga
20/10/2025
Seasonal na sakit na kumakalat sa Pilipinas: Ang influenza
Ano nga ba ang influenza? Ano nga ba ang magiging bunga nito sa lipunan? Ang influenza ay isang acute respiratory infection, karaniwang tinatawag ding "seasonal influenza" sapagkat ito ay umiikot taon-taon, lalo na sa malalamig na lugar.
Mayroong iba't ibang uri ng Influenza
Influenza A - Ito ay kadalasang sanhi ng malalaking epidemya at pandemya
Influenza B - Karaniwan sa lokal o mas maliit na outbreak
Influenza C - Kadalasan Mild lang ang mga sintomas nito at hindi gaanong nag dudulot ng epidemya sa tao
Influenza D - Hindi kilala nakakahawa sa tao; Karaniwang sa hayop ito nagaganp
Ang sintomas ng sakit na ito ay:
Lagnat
Ubo
Sakit sa lalamunan
Pananakit ng ulo
Pananakit ng kalamnan at kasukasuan
Matinding pagod o panghohina
Chills o dinadala ng lamig
Minsan, maaring may pananakit na mata, pagsusuka o pagtatae, lalo na sa mga kabataan
Ayon sa DOH, magpabakuna laban sa flu taon-taon, ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahin, iwasan ang matataong lugar kung may sintomas, uminom ng maraming tubkg, kumakn ng masustansya at magpahinga, mag suot ng mask kung may ubo o sipon, panatilihing malinks at maaliwalas ang paligid
Base kay DOH Secretary Teodoro Herbosa: โThe Department urges the public to seek early medical consultation โฆ if you experience any symptoms of W.I.L.D โฆ diseases like fever or feeling feverish / chills, cough, sore throat, runny or stuffy nose, muscle or body aches, headaches, fatigue, โฆโ
โ๐ป: Miguel R. Huerto
06/10/2025
GAD Seminar at Pagdiriwang ng Araw ng mga G**o, Matagumpay na Isinagawa!
Ipinagdiwang ng mga g**o at kawani ng paaralan ang makabuluhang pagtitipon noong ika-3 ng Oktubre, 2025 na binuo ng paaralan bilang bahagi ng paggunita sa World Teachersโ Day at Gender and Development (GAD) Seminar.
Itinampok sa unang bahagi ng programa ang GAD Seminar kung saan ito ay sinimulan sa pamamagitan ng pag-awit ng Pambasang Awit, Himno ng Pasay, at panalangin. Pinangunahan ni Bb. Virginia J. Mondero, Assistant Principal II, ang pagbibigay ng bati, samantalang si Gng. Grace B. Torres, Principal II, ay nagpaabot ng kanyang mahalagang mensahe para sa mga g**o.
Kasunod nito ang pagpapakilala sa panauhing tagapagsalita na pinangunahan ni Gng. Analyn Dorado, GAD Focal Person. Tinanggap naman ng panauhing tagapagsalita, Gng. Lovein S. Pagatpat ang sertipiko ng pagkilala matapos magbahagi ng kaalaman hinggil sa kahalagahan ng self-care at health management para sa mga g**o at kawani.
Samantala, sa ikalawang bahagi ng programa ay ipinagdiwang ang Teachersโ Day. Nagbigay ng espesyal na mensahe si Gng. Evelyn R. Ramos, PSDS-Cluster 10, at Gng. Grace B. Torres para sa kaniyang pambungad na pananalita, kasunod ang pagkilala sa mga g**o na nagpakita ng natatanging serbisyo at dedikasyon sa larangan.
Nagpatuloy ang kasiyahan sa pamamagitan ng intermission, raffle, at mga palaro na inihanda ng Faculty and Employees Association (FEA) at SPTA.
Sa huli, ang programa ay binigyang-diin ang dedikasyon at sakripisyo ng mga g**o para sa kabataan.
โ๐ป: Margeux Milicent Gorospe
02/10/2025
๐ณ๐จ๐ญ๐ฆ๐ญ๐ ๐ญ | ๐ข๐
๐๐ป ๐ค๐๐๐ 2025, ๐ณ๐บ๐๐๐๐๐บ๐ ๐๐บ ๐จ๐ฝ๐๐๐บ๐๐
Muling nagnining ang Pasay City North High school nang idaos ang Club Expo 2025 bahagi ng paggunita sa World Teacherโs Day nitong Oktubre 2, 2025 sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa School Gymansium.
Puno ng sigla ang pagbubukas ng programa sa pangunguna ng Northenians Youth Chorale na umawit ng Pambansang Awit, Panalangin, Bagong Pilipinas at Pasay Hymn. Matapos nito ay nagpahayag ng makabuluhang pambungad na pananalita ni Gng. Grace B. Torres, Punongg**o na binigyang-diin ang layunin ng programa at esensya ng pagiging g**o.
Kasunod nito, nag-umapaw lalo ang kasiyahan nang bumida sa entablado ang mga intermission number mula sa Baile sa Norte, Girl Scout of the Philippines at ilang pang mang-aawit na nagbigay aliw at saya sa mga manonood.
Tampok din ang mga video presentation mula sa ibaโt- ibang club ng paaralan na layuning mahikayat ang mga mag-aaral na sumali sa mga organisasyong angkop sa kanilang interes at kakayahan.
Sa pagtatapos ng palatuntunan, nag-iwan ng makabuluhang mensahe si Bb. Virginia J. Mondero, Kawaksing Punongg**o II na nagpapatibay na ang mga organisasyon ay nagpatingkad sa kabuluhan ng pagdiriwang. Pagkatapos, bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng Club Expo 2025 ay isinagawa na ang ribbon cutting.
โ๐ป: Precious Jadrielle Cruz
๐ธ: Precious Jadrielle at Brix David Tumbaga
30/09/2025
TINGNAN | School-Based Science and Technology Fair 2025, Idinaos
Matagumpay ang naging pampinid na palatuntunan sa ginanap na School-Based Science and Technology Fair 2025 na may temang, โSiyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasanโ, na ginanap ngayong ika-30 ng Setyembre, 2025 sa Audio Visual Room ng Pasay CIty North High School.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ni Gng. Virginia J. Mondero, kawaksing punongg**o. Nagpamalas rin ng husay sa pagkanta ang Parokya ni Robert na nagbigay ng aliw sa mga manunuod at Science Tricks ng piling mag-aaral ng Grade 11-HUMSS.
Nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng paggawad parangal para sa mga nakilahok at nagsipagwagi sa mga patimpalak.
Nagwakas ang palatuntunan sa pampinid na pananalita ni Gng. Annabelle F. Ferranco, puno ng kagawaran ng Agham at sa pangunguna ng tagapagdaloy ng programa na sina Bb. Karen Oaferina at Bb. Celine Pelaez.
โ๐ป: Angel Lyn Cruz
๐ธ: Angel Lyn Cruz, Miguel Huerto at Vivienne Artemis
30/09/2025
ARIBA, FLORANDA!
Wagi si Pasay City North High School, John Dave Floranda, matapos magkamit ng ginto sa ginanap na Special Olympics Pacific Badminton Competition 2025 nitong Setyembre 20, sa Malaysia.
Mainit na sinalubong ng Pasay City North High School- MDC, sa pangunguna ni Gng. Grace B. Torres, punongg**o at Bb. Virginia J. Mondero, kawaksing punongg**o ng paaralan, si John Dave Floranda sa kaniyang pagbabalik galing Malaysia. Kabilang din sa nakibahagi ay ang mga g**o mula sa iba't- ibang departamento, PCNHS drum and lyre, at ang iba pang kawani ng paaralan.
Ayon sa kaniyang taga pag-ensayo na si G. Sibug, nagsimula ang lahat sa isang pagkikita na humantong sa gintong medalya. Mahilig na raw talagang maglaro ng badminton si Floranda noon pa man, kasama ang kaniyang kaibigan na nag se-set pa ng kanilang sariling net. Sa totoo ay lagi niya itong nakikitang naglalaro sa gym o sa labas mismo ng paaralan. Ngunit hindi mo ito masisipat na sumasama sa kanilang pag-eensayo.
Dagdag pa ni G. Sibug, "Hanggang sa pumasok si Special Olympics. Ni-refer sa akin si Floranda. If I remembered it right, lumaban kami sa special olympics na wala siyang formal training. Nagkita nalang kami sa school grounds para pumunta sa JRES. Weโre not expecting much kasi nagkagulatan nga na laban na bigla. Tapos siya ang nag 1st place doon". Ayon pa rito, matapos nilang malaman na siya ay lalaban sa ibang bansa, duon lamang lubos na nagkaroon ng maayos na pag-ensayo si Floranda.
Matapos ng lahat ng pag-eensayo, ay tagumpay na sumabak si Floranda, bitbit lahat ng kaniyang mga natutuhan, sa paggabay ng mga taong nakapaligid sa kaniya, hanggang sa pag-abot ng gintong medalya.
Isa sa bahagi ng Special Needs Education (SNED) ng paaralan si Floranda sa gabay ni G. Renney Jay P. Dasig SNED Coordinator. Isa rin sa kaniyang mga naging sandalan, ang kaniyang mga kaibigan at kasama sa pag-eensayo na sina Rhaiden, Joefrey, Karylle, Eryx, at Leoben. Gayunpaman, ang pagiging bahagi ng SNED ay hindi naging hadlang upang siya ay tumigil sa kaniyang pangarap, bagkus ito ay isa sa kaniyang naging inspirasyon at kalakasan upang magpatuloy, at espesyal na makamit ang gintong medalya.
โ๐ป Isinulat ni: Elhoisa Toledo
๐จ Layout Artist: Agatha Mendoza
30/09/2025
National CPR Day, Ipinagdiwang!
Matagumpay na naipagdiwang ang National CPR Day sa Pasay City North High School ngayong Setyembre 30, 2025 sa gymansium mula 8:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Nagbukas ang programa sa pamamagitan ng pambansang awit, panalangin, Bagong Pilipinas Hymn at Pasay Hymn.
Pinangunahan ng Philippine Red Cross Council ang Red Cross Youth CPR Caravan agenda tulad ng pagtatalakay sa Cardiopulmonary System, CPR Lecture, DIY Mannequin Making, at Simultaneous CPR na nagbigay kaalaman at kasanayan sa wastong pagbibigay ng CPR.
Bilang pambungad na salita, binigyang diin ni Gng. Grace B. Torres, Principal II at Bb. Virginia J. Mondero, Assistant Principal II ang kahalagahan ng pagsasanay sa CPR para sa kaligtasan ng bawat isa.
Sa huling bahagi ng programa, nagpasalamat si Gng. Ethel S. Donesa, MAPEH Department Head sa lahat ng mga lumahok at nagbigay-inspirasyon sa mga kabataan upang maging handa sa paligid ng pagligtas ng buhay.
Layunin ng programa na ito na maitaas ang kamalayan at kahandaan ng mga kabataan sa pagtugon sa mga emergency.
โ๐ป Precious Jadrielle Cruz
30/09/2025
Seminar on Gender and Development, isinagawa
Ginanap ang seminar ng Gender and Development na may temang โEMPOWERED SELF: LGBT+ RESPONSIBILITY TO ONESELFโ sa Audio Visual Room (AVR) ng Pasay City North High School ngayong Setyembre 29,2025.
Sinimulan ang programa sa pangunguna ng Northenians Youth Chorale sa pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng panalangin, Bagong Pilipinas, at ang himno ng pasay.
Pormal na binuksan ni G. Edward Joshua Castro-tagapagdaloy, ang palatuntunan, at sinundan ito ng pambungad at pamukaw na pananalita ni Gng. Grace B. Torres - punongg**o. Ipinakilala ni Gng. Analyn Dorado - tagapag-ugnay ng GAD, ang panauhing tagapagsalita na si G. Anthony Philip Robles
โ๐ผ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ข ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ข ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐.โ pagpapaalala ni G. Robles
Nagtapos ang palatuntunan sa pampinid na pananalita ni Bb. Virginia J. Mondero- kawaksing punongg**o.
โ๐ป: Gian Estaรฑo
๐ธ: Gian Estaรฑo
24/09/2025
Pagtatapos ng Intramurals 2025, Isinagawa
โ
โMatagumpay na isinara ng Pasay City North High School, sa tulong ng Playmakers Club ang Intramurals 2025, na may temang "Matatag na Kabataan, Matatag na Kinabukasan: Laro para sa Bayan, Laro Ng Pagkakaisa", na ginanap noong Setyembre 24, 2025 sa himnasyo ng paaralan.
Kabilang sa pagtatapos ng Intramurals ang paggawad ng sertipiko at pagbibigay parangal para sa mga mag-aaral at atletang kasangkot at nagsipag wagi sa iba't- ibang larangan ng pampalakasan. Ang nasabing paggawad ay ginanap sa Pasay City North High School, Audio Visual Room sa nasabi ring araw, at sa huli ay naging makulay at makasaysayan ang pagtatapos ng Intramurals.
โ๏ธ: Elhoisa Mae Toledo/ Angel Lyn Cruz
๐ธ: Brix David Tumbaga
24/09/2025
TINGNAN | ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ฎ๐, ๐๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ฌ๐
Mainit ang naging pagsalubong kay John Dave Floranda ng mga mag-aaral at kawani ng Pasay City North High School matapos masungkit ang gintong medalya sa ginanap na 2025 Special Olympics Asia Pacific International Badminton Competition sa Kual Lumpur, Malaysia.
Tunay ngang ang husay at galing ng atletang Pilipino ay namamayagpag saanmang dako ng mundo.