28/03/2026
Pagbati sa mga Nagsipagtapos at Completers!
Sa inyong tagumpay, kami ay lubos na nagagalak. Ang inyong pawis, puyat, at sakripisyo ay nagbunga ng TAGUMPAY. Ang pagtatapos ay hindi lamang tanda ng pagtatapos ng isang kabanata, kundi simula ng mas malalaking hamon at mas makukulay na oportunidad.
Nawaβy magsilbing inspirasyon ang inyong kwento sa iba pang nangangarap at nagsusumikap.
Mabuhay ang mga nagsipagtapos at completers ng KAMFIL!
19/11/2025
Pabitin sa mga birthday party at patigasan ba ng pogs noon ang namimiss ninyo? π€ Si binibining Lilo ng KAMFILoha πΊ na ang bahala sa inyo! π«΅π»
Narito ang gabay para sa mga inihandang laro ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL) tulad ng AloHablot at Pogs Teks! π₯³
Hihintayin namin kayo sa 1st Floor ng Main Building at malapit sa School Canteen, okay? π Kita-kits! π
14/09/2025
Whenever I see girls and boysβ¦ π
π Ay! Wala pa ba? π«’ Ang bilis kasi ng oras, eh! β° Matapos ang isang buwang pagdiriwang, dumating din sa isang pangwakas na aktibidad ang ating Buwan ng Wika 2025 sa Pasay City National Science High School noong ika-3 ng Setyembre! π«
Sa pagtatapos nito, nawaβy malugod ninyong natanggap ang pabaon naming kaalaman sa wikang Filipino, kakaibang karanasan mula sa sari-saring uri ng paligsahan, at ang saya na tuwing Buwan ng Wika lamang ninyo madarama. π€
Kami, ang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL) ngayong taong panuruan, ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagpupunyagi ng bawat isa upang maisakatuparan ang programang ito. ππ»
Maipapangako namin na hindi rito nagtatapos ang lahatβ sapagkat sa pagtatapos ng isang kabanata ay kasabay ng pagsisimula ng panibagong kwento. π
Hanggang sa muli, PaScians! ππ»
Kapsiyon: Alaiza Eunice Cruz
Patnugot: Ashley Ballesteros
Mga Larawan: Dexter Ogale, Rhed Figuera, Jhanelle Voluntad, Chloe Garcia, Leina Miguel
02/09/2025
Papayag ba ang KamFil at Ang Liwanag na matapos ang taong panuruan nang hindi pormal na binibigyan ng pangwakas na aktibidad ang Buwan ng Wika ngayong taong 2025?! π±
Ang aming kasagutan ay... Hindi po, ate! βπ»
Narito ang ating daloy ng programa sa darating na ika-3 ng Setyembre, sa PCNSciHS Gymnasium. π«
Sino-sino kaya ang mga nagsipagwaging pangkat at kalahok sa bawat baitang? π§
Ano kaya ang inihandang pagtatanghal ng mga talentado nating PaScians? πΆπ
Nananabik ka na bang malaman? Paki-kalat na ang balitang hihiramin muna namin ang inyong oras mula 8:00 N.U. hanggang 12:00 N.H. sa Miyerkules!
Kita-kits, PaScians! π
Kapsiyon: Alaiza Eunice Cruz
Patnugot: Ashley Ballesteros
22/08/2025
Halinaβt kilalanin natin ang mga Pilipinong siyentipiko sa larangan ng agham! βπ»π€
11/08/2025
Kumusta na, PaScians? π Nais ipabatid ng KAMFIL na simula bukas hanggang Agosto 29, 2025, opisyal nang magbubukas ang βPADALAM: Isulat, Ipadala, Iparamdam!β βπ»
Sa pamamagitan ng booth na ito, maaari kayong sumulat ng liham upang ilabas ang inyong mga saloobin o kaya naman, magbigay ng mensahe sa mahalagang tao sa buhay ninyo. π
Narito ang panuntunan:
1.) Ang booth ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral.
2.) Maaaring sumulat ng liham para sa matalik na kaibigan, g**o, pamilya, kasintahan, sarili, atbp.
3.) Gamitin ang papel, stickers, at art materials na nakalagay sa booth.
4.) Isulat ang pangalan, baitang, at pangkat ng taong sinulatan ng liham (kung silaβy nasa paaralan.)
5.) Ang sumulat ng liham ay maaaring itago ang kanilang pagkakakilanlan.
6.) Ilagay ang sinulat na liham sa kahon. Ipapadala ito ng KAMFIL sa mga nakatakdang tatanggap ng liham.
7.) Higit sa lahat, mag-enjoy po!
Kaya, ano pang hinihintay niyo! π€ Kita-kits sa JHS Building, 1st floor! π€
Kapsiyon: Sofia Michiko Yamamoto
Patnugot: Ashley Ballesteros at Sofia Michiko Yamamoto
10/08/2025
Grabeeee! Agosto na talaga?! π± Over naman sa bilis ng panahon! βοΈ Kasabay nito ang mabilis na pagdating ng mga aktibidad para sa ating gunitain sa Buwan ng Wika! βπ»
Markahan na ang inyong mga kalendaryo para masubaybayan ang isang buwang puno ng saya para sa pag-aalala sa kasaysayan at kahalagahan ng ating wikang sinilangan! π΅π
Kapsiyon: Alaiza Eunice Cruz
Patnugot: Ashley Ballesteros
20/07/2025
PaScians! π«΅π» Handa na ba kayong malaman ang mga magsisilbing tagapagtaguyod sa bagong mukha ng KAMFIL? π€ Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa at kilalanin na natin sila! π
Narito ang mga mag-aaral na maghahatid sa inyo ng aral at gabay tungo sa pagpapaunlad ng wikang Filipino π΅π sa PaSci! π₯
Isang mainit na pagtanggap sa mga bagong opisyales ngayong taon! π Sama-sama tayo sa mas makulay at matagumpay na hinaharap para sa ating paaralan. π«
Kapsiyon: Alaiza Eunice Cruz
Patnugot: Ashley Ballesteros