HABI - MTC

HABI - MTC

Share

Ang opisyal na pahina ng HABI, isang organisasyon ng Manila Tytana Colleges.

Photos from Haraya's post 13/09/2023

Isang senior high alumna na si Ms. Shania Gallardo ay nangangailangan ng matinding tulong para sa kanyang tito na kasalukuyang kritikal ang kondisyon at naka-confine sa Olivarez General Hospital dahil sa sakit na high risk pneumonia at impeksyon sa dugo mula sa diagnosis ng doktor.

Ang kabuuang gastusin sa ospital ay umabot na ng Php 109,658 sa loob lamang ng isang araw.

Kumakatok sa inyong mga puso at diwa na anumang halaga o tulong pinansyal ay malaking bagay sa kanila.

GCash: 0966 782 3843
Pangalan: Shania Gallardo

Marami pong salamat.

07/08/2023

May gantimpala bang dapat pang asahan
Upang kumilos ng tama't makatwiran
Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
Ngayon pa ma'y simulan mo na
- Awit ng mortal ni Joey Ayala at Bagong Lumad

Awit ng mortal ay ang diwang awit ng Habi para sa taong ito. Lagi’t lagi, maraming salamat sa walang katapat na paglilingkod, may materyal mang gantimpala o wala, ang hinabing sakripisyo at malasakit bunga ng kadalisayan ng kaloobang lumikha at ialay sa iba ay tiyak habang buhay na magmamarka.
Iba-iba man ang maging landasin, pagtibayin ang hinabing simulain. Maglingkod ng tunay! Padagos at mabuhay!

Umawit ng Lumikha, Maglingkod, Padayon: Haraya Artists Ensemble

20/03/2023

PABILI PO! 🤩

Sa pag-gunita ng ika-47 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng Manila Tytana Colleges ay inihandog ng HABI ang Malaya Store noong Pebrero 16 hanggang 17 ng taong 2023.

Cheesesticks? Siomai? Sago’t gulaman? Saging at mais con yelo? Mikmik?

MAYROON KAMI NIYAN! 🤤

Halina’t balikan ang iilan sa mga naging kaganapan sa aming munting sari-sari store 🫶🏻

Maraming Salamat, Titans!




15/03/2023

What if…hindi pa tapos ang lahat?
What if…may chance pang magsama-sama?
What if…dumating ka?
What if…tugtugin ang paborito nating kanta?
May mga sagot sa tanong! Heto na!

Hindi pa tapos ang lahat ng kasiyahang naramdaman natin nung nakaraang foundation week dahil month-long
celebration ito! May pagkakataong magsama-sama tayo sa darating na ika-16 ng Marso, alas-2:30 ng hapon sa Tytana Atrium! Sama-sama tayong kiligin, umiyak, at magmahal muli dahil ang tema ng ating programa ay “Mga Awit, Sayaw, at Tula ng Pag-ibig at Kamalayan”. Malay mo tugtugin ang paborito mo o ninyong kanta! At syempre, suportahan natin ang mga sumusunod na magtatanghal na representatives ng inyong mga kolehiyo at departamento at mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak sa nakaraang selebrasyon! Kasama sina ----

1. Dr. Maria Veronica Joy M. Binuya
2. Dr. Jose Lester Duria
3. Mr. Daryl Escopel (IT Dept.)
4. Mr. Gerome Dela Peña (CAS Dept.)
5. Mr. Denmark Soco (CAS Dept.)
6. Mr. Jose Sarmiento (CAM rep.)
7. Mr. John Bryan Young (RSO rep.)
8. Ms. Gianna Caingcoy (Chumchuja Solo Winner)
9. Mr. Julian Infante (Tytana’s Got Talent Winner)
10. 3 Squared (Chumchuja group winner)
11. Mr. Justine Carl Mangangey (Plakado winner)

Gayundin ang mga grupong pangkultura ng Tytana:
1. Tytana Employees Chorale,
2. Bailadores at;
3. Haraya, Artists Ensemble

Mayroon din tayong special guest! Abangan!
Jampack diba? Kumpleto ang araw… kung dadating ka. Ayiieeee! Oh siya, kita-kita tayo ah?

10/03/2023

Taga-saan ka?! 😀

Alam mo ba ang iyong pinanggalingan? Nais mo bang ibahagi ang pagkakakilanlan at kultura nito? Tara! Halina’t tuntunin at alamin ang pinagmulan mula Tytana tungo sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan!

Inihahandog ng HABI at ng Office of Culture and Arts ang… “MALAY MAPPING: Paglulugar at Pagkamalay” na matatagpuan sa Tytana Atrium simula ika-13 hanggang ika-16 ng Marso.

At sa huli, ating hahabiin ang kultura at kasaysayan ng ating pagiging isang komunidad sa ika-21 ng Marso, alas-dos ng hapon (2:00PM) sa pamamagitan ng isang webinar gamit ang Zoom. Makakasama natin ang ilang mga propesor na magbibigay ng mga suri at basa sa resulta ng Malay Mapping kaya abangan!

Halina’t maghabi ng ating kamalayan!

🖼️: Justin Miguel Ferrer




09/02/2023

Are you ready to experience a spectacular fest, Titans? 🫰🏻🥳

As we honor and celebrate the 47th Founding Anniversary of Manila Tytana Colleges, the Senior High School Student Council gladly invites you to our Titanfest: Tytana School Bazaar 2023. In which there will be numerous & fun-filled stalls of food and activities you can choose from. 🤸🏻‍♀️

All Tytana students and employees are welcome to join the Titanfest Bazaar this 16th & 17th of February.

Get ready to knock some energy out as we embark on the journey of our School fest 🚌📓🗓️

✍️ Channelle Caponong
🖼️ Charles Andrei Palomar



Photos from Manila Tytana Colleges's post 08/02/2023
17/01/2023

Titans 𝖆𝖗𝖊 𝖞𝖔𝖚 𝖗𝖊𝖆𝖉𝖞 𝖋𝖔𝖗 𝖎𝖙?! 🤩

The long wait is over! Inihahandog sainyo ng HABI ang Wri-thym, a safe space where you can pour your heart out through a song. 🎶 Halina’t ibahagi ang inyong mga nararamdaman, kwento, o mensahe sa pamamagitan ng kanta at pagsulat. Maaari rin kayong magbigay boses 🗣️ sa mga napapanahong usapin na nangyayari sa ating bansa.

Gaya ng dati, tatlong (3) entry ang mapipili at dadaan sa masusing pagsusuri ang matatampok sa aming page kada linggo. Sa katapusan ng taong panuruan, gagawan ng playlist ang mga kantang inyong ibinahagi. Paalala, ang mga nilalaman ng playlist ay hindi lamang mga kanta kundi mga kwento mula sa puso ng mga kapwa nating Titans.💚

Share the Wri-thym your heart beats through
https://forms.gle/vHoaqBcHjFJTNurQA



19/12/2022

A big congratulations to our adviser! We are very proud of you 💗

Congratulations to our very own Ms. Cladine I. Francia for passing the Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) 2022.

We are mighty proud of you, Titan! 💚

Want your school to be the top-listed School/college in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


President Diosdado Macapagal Boulevard
Pasay City