16/05/2022
Sa daming natuklasang iba’t ibang klase ng love ang mga tao at ang pilosopiya, nandyan ang Eros (romantic love), Philia (brotherly love), Agape (unconditional love), Philautia (self-love), Pragma (enduring love), sacrificial love, tough love, at napakarami pang love!! Ang pinaka bukambibig ng sambayanan ngayon ay ”radikal ang magmahal”.
Ano nga ba ang “Radical Love”? Ito ba yung klase ng pagmamahal na higit sa kaibigan? O yung kayang hamakin ang lahat? Mas maiintindihan natin ito sa pamamagitan ng sinabi ni Nietzsche sa pagtuturo ng radikal na pagmamahal sa buhay. Hindi raw ito puno ng pag-iisip ng puro positive or optimism. Hindi ito tungkol sa pagkakaroon ng bright side o paghahanap ng silver lining. To affirm life, for him, is to cultivate a visceral engagement with the creative energy of life so deep and strong that it overflows in feelings of extreme joy. Maaari itong politikal, etikal at religious.
Sa konteksto naman ng nangyayari ngayon sa politikal na aspeto ng Pilipinas, ito ay mula sa presidential aspirant na si Leni Robredo na sinabi niya sa isang interview na mas radikal ang magmahal kaysa pumatol sa trolls. Hanggang sa naging tugon na ito ng kanyang mga supporters sa mga taong nanghihila pababa, mga naninira, at puros kabalbalan ang sinasabi tungkol sa kanila. Mas pipiliing laging umintindi at hindi pumatol.
Inaway ka? — radikal ang magmahal, REACH OUT!
Inis na inis ka na? — radikal ang magmahal, TURUAN MO!
Gusto mo na patulan? — radikal ang magmahal, LAWAKAN ANG PANG-UNAWA!
Sabi nga ni Che Guevera, “The true revolutionary is guided by strong love”.
Sa mundong puno ng kasamaan, kasinungalingan, mga ganid sa kapangyarihan, mga resultang hindi natin nagugustuhan, hinihikayat naming magkaroon ang bawat tao ng isang radikal na pagmamahal. Pero huwag tayong papaabuso ha?
Mag-iingat kayo parati.
____________________
Caption by: Bea Villoso
Pubmat by: Hannah Juliana Angeles
References:
LaMothe, K. (2018). Radical Love: A Message for Our Time. https://www.psychologytoday.com/us/blog/what-body-knows/201806/radical-love-message-our-time
Quismorio, E. (2021). Robredo explains what ”radikal magmahal” means. https://mb.com.ph/2021/12/03/robredo-explains-what-radikal-magmahal-means/