27/05/2025
Sa Araw ng Pambansang Watawat, ang bawat Filipino ay makikiisa sa sabayang pagtataas ng watawat sa buong bansaโisang sandali upang muling manumpa ng katapatan sa ating watawat, sa ating bayan, at sa ating kolektibong pangarap: isang mas mabuting Pilipinas na ating maipagmamalaki.
Noong Marso 6, 1965, inilabas ang Presidential Proclamation Blg. 374 na nagdedeklara sa Mayo 28 bilang Araw ng Pambansang Watawat upang gunitain ang petsa kung kailan unang iwinagayway ang pambansang sagisag matapos talunin ng Rebolusyonaryong Hukbong Pilipino ang mga pwersang Kastila sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite noong 1898. Noong Mayo 23, 1994, inilabas ang Executive Order Blg. 179 na nagpapalawig sa pagdiriwang ng Araw ng Pambansang Watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12.