CUP Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino

CUP Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino

Share

Samahan ng mga mag-aaral, naglalayong maitaguyod ang pagpapayaman at pagpapaunlad ng Wikang Filipino

Kapisanan ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino- Taong Panuruan 2022-2023

Photos from CUP COED Student Council's post 25/01/2025

[BAHAGI]

๐‘น๐’๐’‚๐’“ ๐‘ฑ๐’‚๐’ˆ๐’–๐’‚๐’“๐’”!๐Ÿ†

Get ready for an exciting Education Week hosted by the College of Education, starting January 27! ๐ŸŽ‰

This celebration promises to be a vibrant showcase of learning, creativity, and community spirit. Join us for a diverse lineup of engaging activities designed to inspire, entertain, and bring students together. Test your knowledge and teaching wit in the Quiz Bee: Teacher Edition, or team up for some laughter and strategy in Family Feud. Show off your skills and camaraderie in Block Blast, and let your words shine in the Essay Writing Contest.

Take a break and enjoy special Cinema screenings that highlight thought-provoking and educational films. Be part of a unique initiative as we unveil the Honesty Store, promoting integrity and trust within the community.

Whether you're a student, educator, or someone who loves the joy of learning, this is your chance to connect, engage, and celebrate the essence of education. Donโ€™t miss out on this incredible event filled with fun, inspiration, and meaningful interactions. Mark your calendars, gather your friends, and join us for Education Week 2025! See you there! ๐ŸŽ“โœจ

If you're interested, simply click and register using the link. See you!

๐๐”๐ˆ๐™ ๐๐„๐„ :
https://forms.gle/yd8QNgaDYuXeMcPy6

๐…๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜ ๐…๐„๐”๐ƒ :
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe3C_EHx5_ULkKbKF0UcW5ZsPpqDKKJpPi_XUHo3iey1nfpIg/viewform?usp=dialog

๐๐‹๐Ž๐‚๐Š ๐๐‹๐€๐’๐“ ๐‚๐Ž๐Œ๐๐„๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ :
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSftv3U8AsxWN0iCRVfT-CyHaeO3n1mUwq-54t8W4pZXQGtH4A/viewform?usp=dialog

๐„๐’๐’๐€๐˜ :
https://forms.gle/hcxagH1mWy88GGTCA

23/01/2025

MALIGAYANG KAARAWAN GINANG!๐ŸŽˆ๐Ÿฅฐ

Maligayang bati, kahit huli man, sa isang magiting na g**o at tagapayo!

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong dedikasyon at walang sawang paggabay sa amin, hindi lamang bilang isang propesor kundi bilang isang inspirasyon sa aming organisasyon. Ang inyong talino, malasakit, at husay sa pagtuturo ay hindi matatawaran.

Ang inyong pagiging haligi ng karunungan ay nagbigay sa amin ng lakas at direksyon upang patuloy na mangarap at magsikap. Salamat sa inyong pagtuturo na hindi lang nakabase sa mga aklat kundi sa mga aral ng buhay na lagi naming babaunin.

Maligayang kaarawan po, kahit huli man, mula sa aming mga pusong taos-pusong nagpapasalamat! Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mas maraming tagumpay at kaligayahan.

09/01/2025

MALIGAYANG KAARAWAN Bb!๐Ÿฅณโค๏ธ

Maligayang kaarawan sa isang kahanga-hangang miyembro ng ating organisasyon!

Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at walang sawang pagsusumikap bilang isang matatag at inspiradong estudyante. Ang iyong determinasyon at malasakit sa ating adhikain ay tunay na nagbibigay liwanag at lakas sa ating grupo.

Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng tagumpay, kalusugan, at kasiyahan sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Maging mas makulay pa sana ang mga susunod na kabanata ng iyong kwento!

Muli, maligayang kaarawan, at maraming salamat sa lahat ng iyong ambag sa ating organisasyon!



Photos from CUP Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino's post 09/01/2025

TINGNAN!

Sa bawat hakbang na inyong tinatahak patungo sa pagiging g**o, tandaan ninyo na kayo ay may napakalaking papel na ginagampanan sa buhay ng mga estudyante. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo ay hindi lamang maghuhubog ng kanilang kaalaman, kundi pati na rin ng kanilang mga pangarap at pagkatao.

Huwag matakot sa mga hamon na darating; ang bawat pagsubok ay pagkakataon upang matuto at lumago. Sa bawat aralin na inyong ituturo, isaisip na kayo ay nagiging inspirasyon sa susunod na henerasyon. Ang inyong kagustuhan at determinasyon ay magiging ilaw sa kanilang landas.

Patuloy lang sa pag-aaral, pagbuo ng mga ideya, at pagtulong sa isaโ€™t isa. Ang inyong mga pangarap bilang g**o ay hindi lamang para sa inyo, kundi para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan.

Tiwala lang, at ipagpatuloy ang inyong magandang misyon!

๐Ÿ–ผ๏ธ/โœ๏ธ: Erick Venezuela



31/12/2024

MALIGAYANG TAON!

Manigong Bagong Taon sa ating lahat! Nawa'y maging makulay at puno ng biyaya ang taong ito para sa bawat isa. Sana'y matupad ang inyong mga pangarap at hangarin sa buhay, at harapin ang bagong taon nang may pag-asa at kasiyahan. Hiling nami'y magkaroon ng puno ng pagmamahalan, tagumpay, at kaligayahan ang bawat araw na darating. Sama-sama nating gawing mas maganda at makabuluhan ang bagong kabanata ng ating mga buhay. Bigyang saya ang taon na paparating para sa inyong pamilya, sa inyong mga kamag-anak at kaibigan. Ipagpatuloy ninyo ang pangarap na inyong tatahakin, at sana maging lakas ang taon na ito para sa susunod pang mga taon.


#2025

30/12/2024

Si Dr. Josรฉ Rizal ay isang prominenteng bayani ng Pilipinas, ipinanganak noong Hunyo 19, 1861, sa Calamba, Laguna. Kilala siya bilang isang manunulat, doktor, at aktibista na nagtaguyod ng reporma laban sa kolonyalismong Espanyol. Ang kaniyang mga tanyag na akda, tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay nagbigay-diin sa mga isyu ng kawalang-katarungan at pang-aabuso. Itinatag niya ang La Liga Filipina, na nagbigay-daan sa pag-usbong ng rebolusyonaryong kilusan. Sa kabila ng kaniyang pagkamatay noong Disyembre 30, 1896, ang kaniyang mga ideya at kontribusyon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino.



29/12/2024

MALIGAYANG KAARAWAN BB!๐Ÿฅณ

Isang masaya at makabuluhang kaarawan sa'yo! Sa bawat araw na dumaraan, ipinapakita mo ang tunay na kahulugan ng kasipagan at talino. Hindi madaling pagsabayin ang mga gawain sa eskwela, ngunit lagi kang nananatiling positibo at determinado. Ang mga pagsubok ay nagiging hamon lamang na iyong nalalampasan, dahil sa iyong disiplina at tiyaga. Tunay kang isang huwarang estudyante na dapat tularan ng iba. Patuloy kang maging ilaw sa iyong mga kaklase at inspirasyon sa iyong pamilya. Maligayang kaarawan, at nawaโ€™y gabayan ka pa ng tadhana tungo sa mas marami pang tagumpay.



24/12/2024

ISANG MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!๐Ÿ’“๐ŸŽ„

Maligayang Pasko! Nawa'y ang diwa ng kapaskuhan ay magbigay ng kagalakan, pagmamahalan, at kapayapaan sa inyong puso at tahanan. Habang papalapit ang bagong taon, alalahanin nating ang bawat hamon na ating nalampasan ay patunay ng ating tibay at kakayahan. Magpatuloy tayo sa pagtahak ng ating mga pangarap, huwag panghinaan ng loob, at laging maniwala sa ating sariling kakayahan. Ang bawat hakbang, gaano man kaliit, ay may dalang pag-asa tungo sa tagumpay. Sama-sama nating salubungin ang bagong taon nang may lakas ng loob at positibong pananaw.

Ngayong araw ng Pasko, hayaang manaig ang saya at pagmamahal sa inyong paligid. Kasama ang inyong mga mahal sa buhay, gawing espesyal ang bawat sandali mga simpleng tawanan, kwentuhan, at pagsasalu-salo. Ang Pasko ay paalala na ang tunay na kayamanan ay ang presensya ng mga taong nagmamahal sa atin. Yakapin ang pagkakataong ito upang magpasalamat at iparamdam ang inyong pagmamahal sa kanila. Nawaโ€™y punuin ng saya at pagmamahal ang inyong Pasko at manatili ito sa inyong puso hanggang sa mga darating pang araw!



13/12/2024

KAMI AY LUBOS NA NANINIWALA SA KAKAYAHAN NA INYONG IBINIGAY!โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga bagong lisensyadong g**o na matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET)! Ang inyong tagumpay ay bunga ng inyong pagsusumikap, dedikasyon, at walang sawang pagsusumikap para maabot ang inyong mga pangarap. Para naman sa mga sumubok at ibinuhos ang kanilang makakaya, saludo kami sa inyong tapang at determinasyon. Ang LET ay hindi lamang sukatan ng tagumpay isa rin itong hakbang sa patuloy ninyong paglalakbay. Huwag kayong titigil sa inyong pangarap, dahil ang bawat hakbang ay mahalaga. Patuloy na magpursige at manalig, dahil ang inyong panahon ay darating din!





Pub๐Ÿงฎ : Erick Venezuela

Photos from CUP Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino's post 12/12/2024

BAGONG KAALAMAN PARA SA LAHAT!๐Ÿคฏ

Ang paggamit ng โ€œng" at โ€œnang" ay depende sa kanilang layunin sa pangungusap. Ang โ€œng" ay ginagamit bilang pananda sa layon ng pandiwa (halimbawa: Kumain ng mangga si Ana.), pananda sa tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak (halimbawa: Kinain ng a*o ang tinapay.), o bilang pananda sa pag-aari (halimbawa: Ang bahay ng kapatid ko ay malaki.). Samantala, ang โ€œnang" ay ginagamit bilang pang-abay na pamaraan o pang-abay na pamanahon (halimbawa: Umalis siya nang maaga.), bilang kapalit ng "na" at "ng" sa magkasunod na salita (halimbawa: Nagsalita siya nang malinaw.), at upang ipakita ang sanhi o dahilan (halimbawa: Umiyak siya nang sobra.). Mahalagang maunawaan ang papel ng mga salitang ito sa pangungusap upang maiwasan ang kalituhan sa tamang gamit ng wika.

Gamit ng NG
โ€ข Ginagamit sa pagpapahayag ng pag-aari (Hal: Ang bahay ng pamilya Dela Cruz ay napakagara.)
โ€ข Ginagamit sa pang-ukol ng pandiwa (Hal: Uminom siya ng gatas bago matulog.)

Gamit ng NANG
โ€ข Ginagamit bilang kasingkahulugan ng "noong" (Hal:
Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro.)
โ€ข Ginagamit bilang kasingkahulugan ng "upang" o "para" (Hal: Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot ang mga indyo.)
โ€ข Ginagamit bilang katumbas ng pinagsรกmang "na" at
"ng" (Hal: Pero sa isip ng mga indyo, sobra nang lupit ang mga Espanyol.)
โ€ข Ginagamit para sa pang-abay na pamaraan at panggaano (Hal: Binaril nang nakatalikod si Rizal.
Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakรญt.)
โ€ข Ginagamit bรญlang pang-angkop ng inuulit na salita (Hal:
Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.)

Sanggunian: https://www.facebook.com/share/p/19gF7avAWx/





๐Ÿ’ก: Marjorie Historillo

Photos from CUP Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino's post 06/12/2024

SUSPECT SUSPECTโ€ฆ HALI NAโ€™T KILALANIN SINO NGA BA SIYA.๐Ÿ“บ

Si Jose Corazon de Jesus (Hoยทsรฉ Koยทraยทzรณn de Heยทsรบs) o mas kilala bilang Huseng Batute, ay isang tanyag na makata sa panahon ng kolonyalismong Amerikano. Ipinanganak noong Nobyembre 22, 1896. Sa kaniyang kabataan ay nakapagtapos siya ng pag-aaral para maging mambabatas, ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy sapagkat mas pinili niyang maging manunulat sa isang pahayagang nagngangalang Taliba, dito niya ginamit ang kaniyang sagisag-panulat na Huseng Batute. Binigyan niya ng lakas ang literatura sapagkat itoโ€™y ginamit niya para sa bayan.

Si Huseng Batute ay isang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya rin ang itinanghal na unang Hari ng Balagtasan .Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayรข ang kaniyang mga pagbigkas ng Pinakapaborito ng taum-bayan ang mga tulang โ€œAng Manok Kong Bulikโ€ (1919), โ€œAng Pagbabalikโ€ (1924), โ€œAng Pamanaโ€ (1925), โ€œPag- ibigโ€ (1926), โ€œManggagawaโ€ (1929), at โ€œIsang Punongka- hoyโ€ (1932). Nang mamatay siya noong ika- 26 ng Mayo, 1932 ay nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabร ng libing sa kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio del Norte.

Sanggunian: "De Jesus, Jose Corazon โ€“ CulturEd: Philippine Cultural Education Online" https://philippineculturaleducation.com.ph/de-jesus-jose-corazon/





๐Ÿ’ก: Christine Sagadal

06/12/2024

HALI NAโ€™T MATUTO SA PANIBAGONG KAALAMAN NA AMING INIHANDA!๐Ÿซ

Bagamat madalas nating nakikita sa mga larawan na may pulang "Scarf" o bandana si Andres Bonifacio sa kanyang leeg, Maraming historyador ang nagsasabing maaaring hindi talaga ganoon manamit ang supremo. Kung hindi, Mas pormal pa roon. Ayon kay Reymar Yson, Isang historyador. Si Andres ay mas madalas na magsuot ng "Chinese collar longsleeve" dahil siya ay nakikisama sa mga magsasaka at mga trabahador. Isa pang historyador, si Isagani Medina, ay binanggit na kilala si Bonifacio sa pagsusuot ng magagarang damit, na may hilig sa pagdadala ng payong.

Reference : Jonas tayaban (Youtube) , National teachers College ( Reymar Yson) , Article by Walter I. Balane, Sunstar ( Isagani Medina ).






๐Ÿ’ก : John Mel Gervacio

Photos from City University of Pasay - Pamantasan Ng Lungsod Ng Pasay's post 03/12/2024

[BAHAGI]

Heads up CUPians!

We are pleased to announce the enrollment details for the 2nd semester of the Academic Year 2024-2025. Please make sure to check your specific schedule for enrollment dates to ensure a smooth process.

It's important to adhere to these dates to avoid any inconvenience during the process. If you have any questions, please reach out to our emails.

Thank you, and we look forward to seeing you in the new semester!

Photos from CUP COED Student Council's post 03/12/2024

[BAHAGI]

"๐‘ต๐’†๐’˜ ๐’”๐’†๐’Ž๐’†๐’”๐’•๐’†๐’“, ๐’๐’†๐’˜ ๐’๐’‘๐’‘๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’Š๐’•๐’Š๐’†๐’”! ๐Ÿ“šโœจ

2nd Semester enrollment is just around the cornerโ€”it's your chance to continue your journey, level up your skills, and chase your goals. Whether you're returning or starting fresh, make this semester count. Donโ€™t miss outโ€”secure your spot and keep your future moving forward!

Here's the schedule for the upcoming 2nd-semester enrollment:

1st Year students - December 10 - 14, 2024
2nd Year students - December 16,17, and 18, 2024
3rd Year students - December 19 and 21, 2024
4th Year students - December 23,27, and 28, 2024

01/12/2024

Hindi lamang taon ang dumagdag kundi maraming karanasan at kasiyahan ang naging tuloy sa panibagong hamon na tutuklasin at sasalubungin.

Maligayang kaarawan sa aming propesor na si Gng. Eligia T. Lopena ikaw ay tuwirang halimbawa ng mabuti at natatanging ina hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati na rin sa labas. Maraming salamat sa iyong mga salita at gabay ito ay aming babaunin hanggang sa kami ay maging g**o sa hinaharap, at maging susunod na ikalawang magulang ng bawat mag-aaral ng aming magiging estudyante.

Ang buong lupon ng Kapisanan ng Mag-aaral sa Asignaturang Filipino ay aming ipinapabatid ang aming pagbati na Maligayang Kaarawan sa iyo, nawa'y maging masaya ka sa iyong kaarawan kasama ang iyong mga minamahal na pamilya at kakilala.

Muli, Maligayang kaarawan, Gng. Lopena!


30/11/2024

๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ ๐——๐—ฎ๐˜†!

Ngayon ay ating ginugunita ang diwa ng rebolusyon at ang kabayanihan ni ๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ, ang matapang na "๐—”๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป." Bilang lider ng Katipunan, iniaalay niya ang kanyang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Ang ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฏ๐Ÿฌ ng ๐—ป๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ, ang araw ng kanyang kapanganakan noong ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿฒ๐Ÿฏ, ay naging simbolo ng kanyang di matatawarang ambag sa pakikibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas.

Ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino. Balikan natin ang kasaysayan at ipagdiwang ang kanyang hangaring makamit ang isang malaya at nagkakaisang bansa. Mabuhay si Bonifacio! Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ





๐Ÿงขtion: Bernalyn Salimbagat
Pub๐Ÿงฎ: Erick Venezuela

Photos from Office of Student Affairs-CUP's post 25/11/2024

[ANUNSYO!] BAHAGI

Advisory
November 25, 2024

Re: Account Impersonating the Dean of OSA

An account profile was reported to our office using our good name, seeking monetary and financial help to our CUP students. Please be informed that the said information is false and not legitimate. Kindly report the profile and refrain from connecting with the said person.

Be advised that all information is only posted on the official OSA page and email. Information is not shared using private profiles.

Please see the attached photos for reference.

For immediate guidance and dissemination.

--

Prof. Oresco
Dean

Photos from CUP Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino's post 24/11/2024

PAGBATI! ๐Ÿฅณ

Ang paggawa ng parol ay hindi lamang simpleng proyekto, kundi isang proseso na nagpakita ng dedikasyon, kasipagan, at tunay na diwa ng pagkakaisa. Mula sa pagbuo ng konsepto hanggang sa aktwal na paggawa, bawat miyembro ng aming grupo ay nag-ambag ng kanilang oras, talento, at malikhaing ideya. Sa pamamagitan ng maayos na teamwork, sama-samang pagsisikap, at walang sawang suporta sa isaโ€™t isa, nabuo namin ang isang parol na hindi lamang maganda, kundi sumasalamin sa pagkakaisa at husay ng aming grupo.

Ang resulta ng lahat ng ito ay nagdala sa amin ng tagumpay, sa pagwawagi ng unang gantimpala sa patimpalak. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa CSC na nagbigay ng pagkakataon upang maipakita ang aming talento, at sa lahat ng sumuporta sa amin sa buong proseso. Ang masayang gabi na naganap kahapon ay puno ng kagalakan, tawanan, at tagumpay isang alaala na mananatili sa amin magpakailanman.





Pub๐Ÿงฎ: Erick Venezuela
๐Ÿงขtion: Bernalyn Salimbagat

Want your school to be the top-listed School/college in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

COLLEGE OF EDUCATION (Jaguars๐Ÿฏ๐Ÿ†)
KASIYAHAN, PANIBAGONG KAALAMAN AT PAGBABALIK-TANAW SA NAKARAAN. HANDA NA BA KAYO CUPIANS?!!Mabuhay! Magandang gabi sa at...
CUP- Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino [Buwan ng Panitikan 2024]
๐„๐๐ˆ๐’๐Ž๐ƒ๐„ ๐Ÿ: ๐€๐๐† ๐“๐€๐๐Ž๐๐† ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐!
Buwan ng Wikang Pambansa 2023
๐Ÿ”–๐— ๐—”๐—ก๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—ข! ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ฃ๐—ข! ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—•๐—”๐—œ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ฃ๐—ข!"UNANG ANGKAS SA BIYAHE NG TAON, PARA SA TULOY TULOY...
Saling-WIKA02CUPians,Halina't palawakin muli natin ang inyong mga kaalaman, Salin ng mga Ingles na salita sa Filipino na...
Magandang Buhay CUPians!Narito ang ilang entry ng mga mag-aaral sa Spoken Word Poetry bilang pakikiisa sa  Buwan ng mga ...
Magandang Buhay CUPians!Narito ang ilang entry ng mga mag-aaral sa Spoken Word Poetry bilang pakikiisa sa  Buwan ng mga ...
Magandang Buhay CUPians!Narito ang ilang entry ng mga mag-aaral sa Spoken Word Poetry bilang pakikiisa sa  Buwan ng mga ...
"GURONG PILIPINO, DANGAL NG SAMBAYANANG PILIPINO."Isang pagpupugay at pasasalamat ang nais naming iparating sa inyo, sa ...
Saling-WIKA01CUPians,Halina't palawakin muli natin ang inyong mga kaalaman, Salin ng mga Ingles na salita sa Filipino na...

Location

Address


Pasadena
Pasay City
1300