Jose Rizal Elementary School-136604-PYC

Jose Rizal Elementary School-136604-PYC

Share

A place where quality instruction is a lifestyle..

09/11/2025



Sinuspinde ng Department Interior and Local Government (DILG) ang pasok sa mga sumusunod na araw:

✔️Nobyembre 10-11, 2025
Lahat ng antas sa Kalakhang Maynila kasama ang Lungsod Pasay

✔️Nobyembre 10, 2025
Tanggapan ng Pamahalaan

Ito ay dulot ng inaasahang epekto ng Bagyong .

03/11/2025

Isang napakalaking PAGBATI ang ipinapaabot ng buong pamilya ng Jose Rizal Elementary School kay Mr. Ivan D. Grulla sa kanyang pagtanggap sa bagong posisyon bilang Punong-G**o ng Bernabe Elementary School! 🎉

Lubos kaming nagagalak sa bagong kabanatang ito sa inyong karera, at tiyak naming magiging matagumpay kayo sa paggabay sa inyong bagong paaralan.

Kasabay nito, buong puso rin kaming nagpapasalamat kay Sir Ivan sa apat na taong pananatili niya bilang aming inspirasyon at gabay dito sa JRES. 🙏

Salamat, Sir Ivan:

Para sa inyong dedikasyon at husay sa pamumuno.

Para sa inyong malasakit at pag-alalay sa bawat g**o at kawani.

Para sa mga positibong pagbabago at pag-unlad na inyong dinala sa aming paaralan.

Hindi matatawaran ang inyong kontribusyon. Mananatili kayong bahagi ng aming puso. Good luck, Sir, at nawa'y pagpalain pa kayo sa inyong bagong tungkulin!

12/10/2025



Suspendido ang face-to-face classes mula Child Development Centers hanggang Senior High School sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa Lungsod Pasay simula bukas, Oktubre 13 hanggang 14, 2025, batay sa direktiba ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ang mga pamunuan ng paaralan ay binibigyang kalayaang gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.

Hinihikayat din ang mga paaralan at pamunuan nito na magsagawa ng disinfection at pagtataya ng mga silid-aralan at mga gusali para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o at non-teaching personnel.

Pinapayuhan ng Ina ng Lungsod ang lahat na pag-ibayuhin ang pag-iingat.

02/10/2025

Isang Pagpupugay para sa Ating mga G**o,

Happy Teacher's Day Ma'am and Sir!

Salamat sa dedikasyon at pagmamahal sa ating mga mag-aaral. Ang lahat ng sakripisyo ninyo para sa ating minamahal na paaralan at paglilingkod sa ating bayan ay aming ipinagpapasalamat. Hiling nami'y hindi magbago ang nag-aalab na puso ninyo sa pagtuturo, pag-aaruga, pagmamahal sa ating mga batang Rizaleño.

Muli Maraming Salamat sa inyong Gabay Ma'am and Sir 🥰


**ongPilipino

Photos from Jose Rizal Elementary School-136604-PYC's post 23/09/2025

CONGRATULATIONS!!!

CLUSTER PALARO 2025
September 15-18, 2025

INDIVIDUAL GAMES:

‎ATHLETICS

‎BOYS

‎100m
‎SILVER - CABILES, JOHNPAUL FRANCIS

‎200m
‎BRONZE - CABILES, JOHNPAUL FRANCIS

‎800m
‎SILVER - ALARCOS, DWAYNE

‎JAVELIN THROW
‎GOLD - RETALES,REOGHEM
‎BRONZE - PANLICAN, KIAN KAISER

‎SHOTPUT
‎SILVER - RETALES,REOGHEM
‎BRONZE- PANLICAN, KIAN KAISER

‎DISCUSS THROW
‎GOLD- RETALES, REOGHEM
‎BRONZE - PANLICAN, KIAN KAISER

‎LONGJUMP
‎GOLD - CABILES, JOHNPAUL FRANCIS

‎BRONZE - ABUBACAR, ISLAM

‎GIRLS

‎200m
‎BRONZE - LASAN, PRINCESS RHIANA

‎1500m
‎SILVER- VALERIANO, ANNIEL

‎JAVELIN THROW
‎SILVER- VERGEL, ELLISE
‎BRONZE- ESCOSIO, AVRIL

‎SHOTPUT
‎GOLD- VERGEL, ELLISE
‎BRONZE- ESCOSIO, AVRIL

‎DISCUSS THROW
‎GOLD- VERGEL, ELLISE

‎HURDLE
‎LASAN, PRINCESS RHIANA, SANDAJAN, MARYALARCOS, DWAYNE

‎LONGJUMP
‎SILVER - SANDAJAN, MARY
‎BRONZE - LASAN, PRINCESS RHIANA


‎SWIMMING BOYS
‎100 m Backstroke
‎1. Ferrer, Genesis - GOLD
‎2. Ilao, Jerrel - BRONZE

‎100 m Breastsroke
‎1. Ferrer, Genesis - GOLD
‎2. Gonzales, Axel - SILVER
‎3. Ilao, Jerrel - BRONZE

‎200 m Freestyle
‎1. Ferrer, Genesis - GOLD
‎2. Ilao, Jerrel - BRONZE

‎50 m Butterfly
‎1. Gonzales, Axel - SILVER

‎50 m Breastroke
‎1. Ferrer, Genesis - GOLD
‎2. De Belen, Fritz - SILVER
‎3. Gonzales, Axel - BRONZE

‎50 Backstroke
‎1. Ferrer, Genesia - GOLD
‎2. De Belen, Fritz - BRONZE

‎100 m Freestyle
‎1. De Belen - GOLD
‎2. Ilao, Jerrel - SILVER
‎3. Gonzales, Axel - BRONZE

‎50 m Freestyle
‎1. De Belen, Fritz - SILVER
‎2. Gonzales, Axel - BRONZE

‎Division Qualifier
‎1. Jundam, Fritz
‎2. Falcasantos, Emmanuel

‎SWIMMING GIRLS

‎100 m Breastroke
‎1. Academia, Hailee - GOLD
‎2. Dela Roca, Aamir - SILVER
‎3. Tan, Loise - BRONZE

‎50 m Butterfly
‎1. Academia, Hailee - GOLD

‎50 m Breastroke
‎1. Dela Roca, Aamir - GOLD
‎2. Tan, Lois - SILVER

‎50 m Backstroke
‎1. Tan, Lois - GOLD
‎2. Masaglang, Allysa - BRONZE

‎50 m Freeatyle
‎1. Tan, Lois - GOLD
‎2. Dela Roca, Aamir - SILVER

‎Division Qualifier
‎1. Biya, Princess Loraine
‎2. Sucgang, Arkisha

‎CHESS GIRLS
‎1. Sophie Faith Talamera - BRONZE

‎TABLE TENNIS TEAM
‎(Division Qualifiers)
‎Boys
‎1st Place -
‎Andhrae A. Aniel
‎2nd Place -
‎Stephen Tracy D. Ditan
‎3rd place -
‎Terence Jaime M. Casinillo

‎Girls
‎1st Place - Zechariah Fiel
‎2nd Place - Kaye R. Tagab
‎3nd Place - Dana Tiffany Anne Cerillo

‎BADMINTON TEAM
‎(Division Qualifiers)
‎Girls Singles
‎Moe Paige Serenio - Gold
‎Stephanie Faith Dayag- Silver

‎Boys Doubles - Gold
‎Ian Eusef Badillo
‎James Gian Recalde

‎Girls Doubles- Gold
‎Ruspsel Evangelista
‎Reigh Elisse Vergel

‎TEAM GAMES:

‎1. BASKETBALL - SILVER

‎2. SEPAK TAKRAW - GOLD
‎(Division Qualifiers)

‎3. VOLLEYBALL BOYS - GOLD
‎(Division Qualifiers)

‎4. VOLLEYBALL GIRLS - SILVER

‎5. FOOTBALL - GOLD
‎(Division Qualifiers)

‎OVER-ALL RESULT

‎1. JOSE RIZAL ES
‎22 - GOLD
‎17 - SILVER
‎21 - BRONZE

‎TOTAL MEDAL - 60

‎OVER-ALL CHAMPION
‎CLUSTER PALARO 2025

KUDOS to all our ‎Coaches and Players!!!


21/09/2025



Suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan kasama ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Lungsod Pasay, bukas, Setyembre 22, 2025 batay sa anunsyo ng Malacañang sa bisa ng Memorandum Circular No. 97. Ito ay bunsod ng inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat na epekto ng Bagyong .

Ang pamunuan ng mga paaralan ay binibigyang kalayaang gumamit ng alternatibong paraan pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.

Mananatiling bukas ang mga tanggapang tumutugon sa dagling pangangailangan o emergency. Iniiwan naman sa desisyon ng mga tagapamuno ng mga pribadong kumpanya ang desisyon ukol sa pasok samantalang isinasaalang- alang ang kaligtasan ng kanilang kawani.

Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office gamit ang mga Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373 o kaya sa numero bilang 09054939111/ 85517777/ 88338512.

Photos from JRES YES-O's post 20/09/2025

"Maliit man na hakbang, malaking pagbabago sa kinabukasan. 🌍✨

Malugod na nakikiisa ang mga organisasyon ng Jose Rizal Elementary School sa ginaganap na . Sama-samang kumilos para linisin ang daluyan ng tubig sa mga coastal area.

01/09/2025

WALANG PASOK

Batay sa Memorandum Circular No. 30, s. 2023, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan maging ng tanggapan ng pamahalaan bukas, Setyembre 1, 2023. Ito ay dulot ng malalakas na pag-ulan dala ng pinag-ibayong hanging habagat.

Samantala, ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong tanggapan ay nasa pagpapasya ng kanilang pamunuan.

Naririto at basahin ang kabuuan ng nabanggit na memorandum: https://www.facebook.com/100068489607165/posts/604927465133568/

22/08/2025



Suspendido ang klase ngayong hapon (simula alas-12 ng tanghali), Agosto 22, 2025 sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay. Ito ay bunsod ng inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng pinag-ibayong Hanging Habagat at Low Pressure Area batay sa rekomendasyon ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office at inaprubahan ng Ina ng Lungsod Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ang pamunuan ng mga paaralan ay binigyan ng kalayaang magdesisyon sakaling naisin nilang gumamit ng mga paraan upang magpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang kakayahan.

Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction Management Office gamit ang mga Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373.

Photos from Jose Rizal Elementary School-136604-PYC's post 19/08/2025

🌟 Isang Punongg**ong may Puso at Serbisyong Tunay! 🌟

Sa ginanap na State of the School Address ng ating minamahal na punong-g**o Dr. Norma B. Jamon, muling nasilayan ng buong komunidad ng Jose Rizal Elementary School ang kanyang natatanging pamumuno na puno ng malasakit, dedikasyon, at tunay na pagmamahal sa paaralan. 🏫💚

Sa kanyang malinaw at masinop na paglalahad, ibinahagi niya ang mahahalagang kaganapan, tagumpay, at mga pagsubok na matagumpay na nalampasan ng ating paaralan sa mga nagdaang taon. Ang bawat salita ay naging inspirasyon—patunay na ang isang pinunong matapat, masipag, at may malasakit ay gabay tungo sa patuloy na pag-unlad. ✨📖🌱

Lubos ang aming pasasalamat at paghanga sa kanyang walang sawang paglilingkod. Sa kanyang pangunguna, tiyak na mas maliwanag at mas matagumpay ang kinabukasan ng ating mga Rizaleño. 🙌🇵🇭

Mabuhay ang Jose Rizal Elementary School!

Photos from Jose Rizal Elementary School-136604-PYC's post 19/08/2025

Isang makasaysayang araw para sa Jose Rizal Elementary School!

Ngayon ay ipinakilala sa ating komunidad ang opisyal na School Hymn ng paaralang Jose Rizal Elementary School ang "O Sintang, Paaralang Jose Rizal, isang awitin na magsisilbing paalala ng ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at walang hanggang pagpupunyagi para sa karunungan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mr. Ivan Delos Reyes Grulla at sa kanyang puso at talento na ibinahagi upang maisulat at maisaayos ang himig na magiging bahagi na ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan bilang Rizaleño.

Isang pasasalamat din kay Princess Julie Ann Manaig na nagsilbing tinig ng himno. Ang iyong tinig ay magiging tatak at haligi ng paaralang iyong ikinararangal.

Mabuhay ang Jose Rizal Elementary School! 🏫🇵🇭💚

31/07/2025

MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBASA!

Ang tatag ng isang nasyon ay nakasalalay sa tatag ng wika ng pagkakaisa, wika ng pag-unlad. Ang Wika ay daynamikong nagpapabago bago sa haba ng panahon. Dapatwat ito'y nagbabago 'di pa rin nito mababago ang ating tunay na hangarin ang ating layunin bilang isang Pilipino. Kaya naman ngayon araw na ito, damhin ang ating pagkapilipino, damhin ang iisang pusong nagmamalaki sa kanyang lahi.

Ngayong araw na ito ang unang araw sa buwan ng Agosto. Samahan ninyo kami sa ilalim ng pamunuan ng Jose Rizal Elementary School, ating ipagdiwang ang...

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025
Tema: Paglinang sa Filipino at Katutubobg Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa

Ipamalas ang ating pagkapilipino!


Want your school to be the top-listed School/college in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Pasay City
1300