Jama'a topload page

Jama'a topload page

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jama'a topload page, Education & Learning, Poblation 2, Parang.

30/09/2024

SINUMANG MAGMURA SA MGA SAHABA AY MAPASA KANILA ANG SUMPA AT P**T NI ALLAH❗❗❗

👉Kabilang sa tanda ng kasiraan sa Aqeedah ay pagkaroon ng kalungkutan o pakipagsimpatiya sa pagkamatay ng taong nagmumura sa mga Sahaba❌❌❌

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "Sinumang magmura sa aking mga kasamahan (Sahaba) ay MAPASA KANYA ANG SUMPA NI ALLAH, ANG MGA ANGHEL AT NG BUONG SANGKATAUHAN" Authentic na Hadith

👉👉👉ANG MAP**T SA MGA SAHABA AY ISANG MUNAFIC❗❗❗

👉Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya) hinggil sa mga ANSAR: "Walang nagmamahal sa kanila maliban sa MU'MIN at walang napoot sa kanila maliban sa MUNAFIC. Sinuman ang magmahal sa kanila ay Mamahalin ni Allah, Sinuman ang Mapoot sa kanila ay Mapoot sa kanya si Allah" Inulat nila Imam Albukhari at Muslim

NOTE:
♦️Huwag makipagsimpatiya o makipagdalamhati sa sinumang nagmumura at sumusumpa sa mga SAHABA.

♦️Ang mga Sahaba ay pinaka mainam na tao pagkatapos ng Propeta,

♦️Sinumang magmahal sa kanila ay Mamahalin ni Allah, Sinumang mapoot o mamuhi sa kanila ay Kapootan ni Allah❌❌❌

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: " الأنصار : لا يحبهم إلا مؤمن ، ولا يبغضهم إلا منافق ، فمن أحبهم أحبه الله ، ومن أبغضهم أبغضه الله " رواه البخاري ( 3572 ) ومسلم ( 75 )
حديث: "من سب أصحابي ، فعليه لعنة الله والملائكة والناس أجمعين" رواه الطبراني وحسنه الألباني

✍ Zulameen Sarento Puti

30/09/2024

ENDAW I MAS MAPIA, SO BALASAMBAYANG A MAWAG I PALANGAY ATAWKA SO MAPIA I PALANGAY A DILI PEDSAMBAYANG?

Tatap makineg a kadtalo no sabad:
"Nan a taw na subla i kapia na palangay nin, apia dili bedsambayang na skanin i mas mapia kano balasambayang a subla i kawag a palangay nin!!"

NGINTO SO NIYA A KADTALO NA ADEN KABENALIN?

👉 So agama na pinadtimbangin so kasugwan. Inisugo nin i kadsambayang maito bon so kabpipia sa palangay.
Entain i nakad-sifat sa dua niya na skanin den i pinaka mapia sa langon!

👉 -Amaika balasambayang ugaid mawag i palangay nin (pedtalo sa mawag sa kapedin), na amaika dili makadtaubat a kasautan a kapatay na kadilikaduan skanin sa gay a mauli.

Mapakay a masiksa sabap kano nganin a pingagalbekin a mawag, maito bon a mapakay a maampon sabap kano limo no Allah!

👉 So taw manem a subla i kapia na palangay ugaid na dili den bedsambayang (magidsan pan i yanin lon kinatagak na kapauk atawka dili nin palitiayan i kina farado lon) na ya lon kailay no ped kano mga ulama na Kafir.
Amaika matay na dili sambayangan, dili kapanen endo dili ilebeng kano lebengan o mga Muslim!

- Ya kadtalo ni Ibn Taimiyya: "Naisa so mga Ulama sa so taw a bedtagak sa sambayang na mas mawag pan kano tanegkaun endo bala-zina!!"

- Guna idsa ni Aisha kano Nabi makapantag kani Ibn Jad'an a subla i kapia na palangay nin (mategel mangalimuan endo mapakan sa miskinan), nginto makangguna so ento a galbekin?

- Ya kadtalo no Nabi: "Dili into makangguna o Aisha!
Kagila dala nin den mon madtalo kano isa a gay i: "O Kadnan ko na ampon ka so kadusan kano gay a mauli" Nilimod ni Imam Muslim.

- Nalabit sa Qur'an: Guna idsay so mga taw a nakaludep sa Naraka sa ngin i sabapan a kinaludepo sa NARAKA.

Ya nilan nadtalo: "DALA KAMI MAPED KANO MGA TAW A BALASAMBAYANG!"

Conclusion: Yaden pinaka mapia na i balance so dua nia:
Itindeg so lima a wakto (iamong so mga Sunnat) Endo pimpianan so palangay, ka dua niya na tanan inisugo)!

KINANDUTAN SA BITIALA:

عن عَائِشَةُ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنَّ ابْنَ جُدْعَانَ كَانَ فِي الْجَاهِلِيَّةِ يَصِلُ الرَّحِمَ وَيُطْعِمُ الْمِسْكِينَ، فَهَلْ ذَاكَ نَافِعُهُ؟ قَالَ: "لا يَا عَائِشَةُ، إِنَّهُ لَمْ يَقُلْ يَوْمًا: رَبِّ اغْفِرْ لِي خَطِيئَتِي يَوْمَ الدِّينِ" رواه مسلم
قال تعالى: " مَا سَلَكَكُمْ فِي سَقَرَ (42) قَالُوا لَمْ نَكُ مِنَ الْمُصَلِّينَ (43)"

✍️ (Ameen Puti) Zulameen Sarento Puti

29/09/2024

MAHALAGANG SUNNAH NA SALAH SA BUONG MAGHAPON❗❗❗

👉 Ang Sunnah na Salah na isinasagawa sa boung maghapon ay nahahati sa dalawa:

1-SUNAN RAWATIB (Sunnah na kaakibat ng WAJIB (obligado)

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang pagpapala):
" Sinuman ang pagsagawa ng pagdarasal ng 12 Rakaat sa araw at gabi ay patatayuan siya ng palasyo sa paraiso ito ay ang:
- (4) Apat na Rakaat bago ang Dhuhor at ( 2) dalawang Rakaat pagkatapos,
- (2) dalawang Rakaat pagkatapos ng Magrib,
- (2) dalawang Rakaat pagkatapos ng Eisha at
(2( dalawang Rakaat bago ang Fajar ang dasal sa umaga"
Sahih SUNAN TIRMIDHI (Vol. 1, Book 2, Hadith 415)

♦️ 2- MGA SUNNAH NA HINDI KABILANG SA SUNAN RAWATIB

a- BAGO ANG ASAR = 4 RAKAAT

b- BAGO ANG MAGRIB - 2 RAKAAT

c- SUNNAH PAGKATAPOS NG DASAL NG JUM’UAH. 2-4-6 RAKAAT (MAMILI LANG SAAN NAIS SA ISA SA TATLO)

d-SA PAGITAN NG AZAN AT IQAMAH = 2 RAKAAT

e-WITER maaari isagawa ng 1-3-5-7-9-11 Rakaat o mas marami o mas higit pa jan.

f-QIYAMUL LAYL (kasama na rito ang Tahajjiod at Taraweh) mula 2 Rakaat at walang limit ang dami ng Rakaat

g-DHUOHA = 2 RAKAAT PATAAS

h-BAWAT PAGSAGAWA NG WUDU 2= RAKAAT

-Sa pagdasal ng Sunnah, kapag ito ay isinagawa ng mahigit 2 Rakaat ay kailangan sa tuwing matapos ang 2 Rakaat ay magsagawa ng Salam (tasleem) at basahin niya ang una at huling Tahiyyat bago magsalam.

-Walang Azan at Walang Iqamat sa pagsasagawa ng Sunnah.

-Wala pong binabasang Usalli para sa Niyyat, bagkus ito ay kaalaman lamang ng puso at isipan kung ano ang nais mong idasal at umpisahan na ito ng pagsabi ng Allahu Akbar. Ang pagbigkas ng Usalli ay isang gawaing Bid’ah!!

-Ang ibang mga Sunnah na may natatanging panahon ito isasagawa ay hindi na po natin isinali.

👉👉 MGA BATAYAN (DALEEL):

-BAGO ANG ASAR : Isinalaysay ni Abdullah Ibn Umar: Ang Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala) ay nagwika:
"Kinalulugdan ni Allah ang isang lalaki na nagsasagawa ng Apat na Rakaat na Sunnah bago isagawa ang panghapon ng dasal (asar)" ABU DAWOOD (Book #4, Hadith #1266)

-BAGO ANG MAGRIB

Isinalaysay ni Abdullah Al Muzani
(kalugdan siya ni Allah) na ang Propeta ay nagwika: "Isagawa ninyo ang dasal bago ang dasal ng Magrib" at ito ay kanyang inulit ng tatlong ulit at sa pangatlong ulit ay kanyang sinabi: "Sinuman ang nagnanais magsagawa nito ay kanyang isagawa…" SAHIH BUKHARI ( Vol #9, Book #92, Hadith #465)

-PAGKATAPOS NG DASAL NG JUM’UAH

Hadith: “Kapag ang isa sa inyo ay nagdasal ng Jum’uah ay magdasal ng 4 na Rakaat pagkatapos ng Jumuah” Muslim
Hadith: “Naging kaugalian ng Propeta na hindi siya magdasal ng jumuah hanggang siya ay makauwi at siya ay magdasal ng 2 Rakaat sa kanyang tahanan” Muslim

- SA PAGITAN NG AZAN AT IQAMAH

Hadith: “Sa pagitan ng Azan at iqamah ay may Salah sa sinumang nais at tatlong beses niya ito inulit sabihin” Albukhari at Muslim

- QIYAMUL LAYL

Hadith: “Ang Pinaka mainam na Salah pagkatapos ng Obligadong Salah ay dasal sa gabi (kalagitnaan ng gabi)”

- WITER

Hadith: “katunayan si Allah ay pinagkalooban kay ng Salah na mas mainam pa sa pulang kamelyo (pinaka mahal na halaga noong unang panahon)….. ito ay ang pagdasal sa pagitan ng Eisha at pagsikat ng Fajr” Ahmad

-DHUOHA

Hadith: “ Sinuman ang magdasal ng Jamaah sa Fajr muli siya ay umupo at nagsagawa ng Dhikr hanggang sumikat ang araw muli siya ay nagsagawa ng 2 Rakaat ay kahalitulad ng gantimpala niya ay parang nagsagawa ng Hajj at Umrah na kumpleto” At-Tirmidhi

-BAWAT PAGSAGAWA NG WUDU

Hadith: “O Bilal! Ikuwento mo sa amin ang iyong pinaka mainam na ginawa sa Islam, dahil narinig ko ang yapak ng iyong paa sa parasio. Sinabi ni Bilal kay Propeta: “Wala akong alam na aking ginawa maliban lamang na sa tuwing ako magsagawa ng wudu sa araw o sa gabi ay maliban na lamang na ako ay magsagawa ng pagdasal (Sunnah)” Albukhari at Muslim

✍️ Zulameen Sarento Puti

29/09/2024

- Ang isang babae na hindi niya ibinaba ang kanyang paningin sa mga pinagbabawal ay inilalagay niya ang kanyang sarili sa panganib, sapagkat ang satanas ay unti-unti siyang inaakit dito,

Kung pag-isipan ng isang tao ang pasimula ng mga mahahalay na mga babae na dinapuan ng matinding kahalayan, makikita niya na ang kanilang simula ay ganito; dahil nadin ito sa epekto ng kanyang pagtingin sa mga mahahalay,

O di kaya sa mga malalaswang larawan ng mga kalalakihan (macho, pogi, nakahubad na larawan etc.) o di kaya ay sa pakikinig ng mga makasalanang kanta, o di kaya sa iba pang mga ipinagbabawal na mga paraan na kung saan ay humahantong ito sa pangangalunya, hanggang sa maging ganun katindi ang antas!
Wal iyadhu billah!

‎" المَرأة التّي لَا تُعنَى بغَضّ بصَرها مُعرِضة نفسَها للخطر؛ لِأن الشيْطان يسْتدرِجها شَيئًا فَشيئًا،

‎ولو تأَمّل الإنسان فِي بدَاية النِّساء الفَاجرَات اللَّاتي إِبتلين بالفَواحِش العَظِيمة، وَجـَد أنَّ بدَايتهُن كَانَت مِن هـذَا القَبِيل؛ إمَّا أنَّها أَطلَقت لِبصَرها العِنَان،

‎أوْ أَنهَا أَخذَت تَنظُر فِي المَحلّات الخَليعَة، أوْ فِي الصُّور المَاجِنَة، أوْ تَسمَع الأَغانِي الآثِمَة، أوْ نحْو ذلِكَ مِن الوَسائِل المُحرَّمة التِّي تُؤدِّي لِلزِّنا، إلَى أنْ أصْبحَت بِتلْك الدَّرجَة والعِيَاذ بالله "

[ مَوعِظة النّسَاء (صـ ٤١) ]

- Sa mga kababaihan patawarin kayo ng ALLAH ganun din sa mga kalalakihan patawarin kayo ng ALLAH.

- Mga kababaihan na Muslimah kahit ang iba sa inyo ay walang mga dilig huwag na huwag niyo gawin ang bagay na ito upang hindi humantong sa pangangalunya, ang mainam ay mag-asawa kayo! Mag-asawa kayo!

Nagpapayo Abubassam Muhaymin

29/09/2024

📬❪ AL QADR /TADHANA ❫📬

📮Si Imám Ibnul-Qayyim - nawa'y kaawaan siya ng Allah - ay nagsabi:

((Katotohanan, ang tunay na Paham (faqeeh) sa hurisprudensya (fiqh) ay siyang tumutugon sa kapalaran ng kapalaran, nagtataboy sa kapalaran ng kapalaran, at sumasalungat sa kapalaran sa pamamagitan ng kapalaran.

Bagkus hindi mabubuhay ang isang tao maliban dito.

Samakatuwid, ang gutom, uhaw,lamig, at iba pang uri ng takot at babala ay bahagi ng tadhana.

At ang lahat ng nilikha ay pabaya sa pagtulak sa kapalarang ito sa pamamagitan din ng tadhana, at sa gayon ang sinumang bigyan ng Allah ng tagumpay at patnubayan ay maitutulak nito ang lawak ng kaparusahan sa kabilang buhay sa pamamagitan ng nakaQadar (nakatakda) na pagsisisi, pananampalataya at gawaing mabuti (pagsamba); datapwat tunay na ang balanseng ito ng Qadr (Tadhana) na panakot sa mundong ito at kung ano ang sumasalungat dito ay magkapantay , dahil ang Panginoon ng dalawang mundo (ang Allah) ay iisa at ang Kanyang karunungan ay iisa at hindi sumasalungat ang Kaniyang karunungan sa sarili nito, at isa sa mga ito ay hindi pinawalang-bisa ang isa't-isa, ang usaping ito ay kalakip sa pinaka-kagalang-galang na usapin para sa mga taong nakakaalam ng halaga nito at nangangalaga nito nang wasto, at ang Allah ay Siyang Hinihingan ng Tulong.))

📘الداء والدواء لإبن القيم[ صـ21]
✍ Abdulrahman Caderao

23/09/2024

PAGTATAMA SA MALING AKALA

Inaakala ng iilan na ang Last Will or Wasiyyah ay ESKLUSIBO LAMANG sa mga Balik-islam, subali’t ang KATOTOHANAN ito ay DAKILANG KAUTOSAN ng Islam para sa lahat ng mga Muslim, anomang lahi at tribo ang kanilang pinagmulan o kinabibilangan. Magkakamit ng gantimpala ang sinumang gagawa o susulat nito, dahil ito'y kabilang sa SUNNAH. Kaya huwag sabihin na 'di natin kailangan ng Wasiyyah, dahil sa tayo ay MORO, sapagka’t kung ang mga Sahabah -- na walang duda ay mas mainam kaysa sa atin, nguni't sila ay sumulat pa rin ng Wasiyyah, tayo pa kaya!? Ayaw ba natin na magkaroon ng gantimpala sa pagsunod natin sa Sunnah na ito ng Rasulullah ﷺ?!

Binanggit ko lamang ang mga kapatiran na BALIK-ISLAM sa nagdaang mga post, upang mapangalagaan ang kanilang burial kung sakaling pumanaw na sila, higit lalo kung sila lang ang Balik-islam sa kanilang pamilya, at ng sa gano'y hindi malapastangan ang kanilang mga karapatan tulad ng funeral rights at na mailibing din sila sa libingan ng mga muslim. Katunayan, ang pagsulat ng WASIYYAH وصية o Last Will ay inutos mismo ng Rasulullah ﷺ sa kanyang mga Sahabah o mga Kasamahan noong kanyang sinabi na:
مَا حَقُّ امْرِئٍ مُسْلِمٍ لَهُ شَيْءٌ يُوصِي فِيهِ، يَبِيتُ لَيْلَتَيْنِ إِلَّا وَوَصِيَّتُهُ مَكْتُوبَةٌ عِنْدَهُ.
"Tungkulin ng isang lalaking muslim na may ipapamana (o may itatagubilin) na HUWAG MAGPALIPAS NG DALAWANG GABI MALIBAN NA ANG KANYANG TAGUBILIN O TESTAMENTO AY NAKASULAT SA KANYA." ~Inulat ni Bukhari at Muslim.

✍ Muhammad Ali Granaderos

22/09/2024

Isa sa mga palatandaan ng mga Ahlul-bid'ah ay ang pagtawag nila sa mga Ahlus-Sunnah ng mga kasuklam-suklam na palayaw!

-Kami ayon sa mga Sufi ay: "Wahhabi".
-Kami ayon sa mga Ikhwani ay: "Madkhali".
-Kami ayon sa mga Sururi ay: "Jamiyyah".
-Kami ayon sa mga Asha'irah ay: "Mujassim."
-Kami ayon sa mga Hizbiyyin (Partisans) at mga Mumayyiin ay:
"Khawarij, Terorista, ISIS."
-Kami ayon sa mga Khawarij ay: "Murji'ah."
-At kami ayon sa mga liberal muslim ay: "mga paurong 'daw'."

Ang bawat tao'y tumitingin sa iyo, mula sa kanilang makitid na anggulo, at sa huli ikaw ay isang Muslim na Salafi na sumusunod sa KITAB at SUNNAH at sa kung ano ang pinanghahawakan ng mga SALAF (Sahabah) sa UMMAH na ito.

Si Sheikh Abdur-Rahman Al-Sa'di, nawa'y kaawan siya ng Allah, ay nagsabi:
"Ang BATAYAN ay kung ano ang tunay na pagkatao, hindi sa mga katawagan o mga pangalan, sapagkat napakaraming mga tao ng kabuktutan ang tumatawag sa mga tao ng katotohanan ng mga kapintasang pangalan, habang tinatawag nila ang kanilang mga sarili ng mga kapuri-puring pangalan, at iyon ay hindi makakapinsala sa mga tao ng katotohanan at hindi rin mag-aangat sa mga tao ng kabuktutan, ngunit ito ay isang lambat na kung saan ay hinuhuli nila rito ang mga walang kaalaman."
~Tawdihul-Kafiyah Ash-Shafiyah, p. 137.

Si Imam Ahmad bin Hanbal, nawa'y kaawan siya ng Allah, ay nagsabi:
"Nakita ko ang mga taong sumusunod sa sarili nilang kagustuhan at mga Ahlul-bid'ah na tinatawag nila ang mga Ahlus-Sunnah sa mga mapapangit na pangalan, ninanais nila rito na ipahiya nila sila, siraan sila, at siraan sila sa mga hangal at mga mangmang."
~Tabaqatul-Hanabilah

At kapag hindi mo kasundo sa isang usapin at pinagbawalan mo sa Bid'ah at inihayag mo sa kanya ang Haqq, pagbibintangan ka at sasabihan ng:
Munafiq,
Terorista,
ISIS,
Wahabi,
Balik-islam ka lang, PASTOR,
REVEREND, FATHER,
Puro na lang kayo bid'ah bid'ah bid'ah,
Ganyan talaga ang mga 'wahhabi' na yan, at kung anu-ano pa, blah, blah, blah.
حسبي الله ونعم الوكيل.

✍️SHIEKH MUHAMMAD ALI GRANADEROS

22/09/2024

BA TIYARIMA O IBN TAIMIYYAH SO ASH'ARIYYAH?

Adn a miyabatya akn sa babago aya a katharo o mga Ahlul Bida' a aya uni niyan na mithawbat kon so Shaikhol Islam Ibn Taimiyyah ka miyawa ko tindg o mga Salaf na somiyold ko tindg o mga Asha'irah.

Paganay ron na: O bnar anan na ribat so katharoa ron sa mithawbat, aya dait a tharoon na miyadadag.

Ugaid na di anan bnar, kabokhagan anan a katharo a iphagangkob ko mala a Ulama o Ahlu Sunnah, si Shaikhol Islam Ibn Taimiyyah.

Sa katii so mga karina:

👉 Paganay ron: Sabap sa gii niyan kipaninindgn ko Aqeedah o mga Salaf na miyabilanggo ka so mga Datu na sii rumaramig ko Ahlul Bida', na sii dn miyatay sa bilanggoan.

Na o bnar a tiyarima iyan so tindg o mga Asha'irah na ino oto da makaliyo sa bilanggoan? Ino oto roo dn khawma a kapatay?

👉 Ikadowa: So surat a miyag-ash'arie kon so Ibn Taimiyyah na aya kinisuratnon na ragon a 707 H, na so Ibn Taimiyyah na miyawafat ko ragon a 728 H.

Aya pakaisha: Samawto na miyaka 21 ragon a kababaloy niyan a Ash'arie na ino dadn makashorat sa satiman bo a Kitab a phagosayiniyanon a aya bnar a Aqeedah na so Ash'ariyyah? Apiya satiman na da, aya mataan na taman sa da matay na sodn so Aqeedah o mga Salaf i ipphanulon yan, taman sa kiyapatay niyan sa bilanggoan.

👉 Ikatlo a karina: So kitab yan sa Aqeedah a (Al Aqeedah Al Wasitiyyah) a piyagosay niyanon langon so mga ala a mas-alah a thitindgan o mga Salaf, na tiyarima o mga Ulama go mga Kali sii ko masa niyan, go pishaksian iran a si Ibn Taimiyyah na Salafie.

So Morit yan a si Ibn Katheer i miyaka aloy san sii ko Kitab yan a mala a bithowan sa البداية والنهاية V. 14, P. 40.

Mga rarayag anan a Karina sa kabobokhag o tao a phnggiraw a miyag-ash'arie so Ibn Taimiyyah Rahimahullah, iphlimpang ko mga tao go iphagangkob ki Shaikhol Islam.

📝 Muhd-ata Abdulkarim

22/09/2024

TOTOO ANG PARUSA SA LIBINGAN.

Kung may ligaya sa libingan para sa mga totoong muslim, meron din doong parusa sa lahat ng disbelievers at hipokrito. Sinabi ng Propeta ﷺ (sa ayah na ito) na:
{يُثَبِّتُ اللهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ}
"PANANATILIHING MATATAG NG ALLAH YAONG MGA [TUNAY NA] NANINIWALA, SA PAMAMAGITAN NG MATIBAY NA SALITA."
"نَزَلَتْ فِي عَذَابِ الْقَبْرِ، فَيُقَالُ لَهُ: مَنْ رَبُّكَ؟ فَيَقُولُ: رَبِّيَ اللهُ، وَنَبِيِّي مُحَمَّدٌ ﷺ، فَذَلِكَ قَوْلُهُ عَزَّ وَجَلَّ: {يُثَبِّتُ اللهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ}".
"Naibaba ito ukol sa parusa sa libingan, sasabihin sa kanya: Sino ang iyong Panginoon? At kanyang sasabihin: Ang Panginoon ko ay ang Allah, at ang aking Propeta ay si Muhammad ﷺ, at 'yon yaong sinabi Niya (Allah) - عز وجل - na:
يُثَبِّتُ ٱللهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ
"Pananatilihing matatag ng Allah yaong mga [tunay na] naniniwala, sa pamamagitan ng matibay na salita sa makamundong buhay, at sa kabilang buhay." [Surah Ibrahim, ayah 27] [Isinalaysay ni Imam Muslim].

Sa riwayah ni Imam Nasa'i sa kanyang "SUNAN":
"وَدِينِي دِينُ مُحَمَّدٍ ﷺ".
"at ang aking Relihiyon ay ang Relihiyon ni Muhammad ﷺ."

Sa riwayah ni Imam Al-Bukhari sa kanyang "SAHIH":
"إِذَا أُقْعِدَ الْمُؤْمِنُ فِي قَبْرِهِ أُتِيَ ثُمَّ شَهِدَ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللهِ، فَذَلِكَ قَوْلُهُ: {يُثَبِّتُ اللهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ}".
"Kapag ipinaupo na ang MU'MIN (MANANAMPALATAYANG MUSLIM) sa kanyang libingan ay darating (ang mga anghel) sa kanya, pagkatapos siya ay sasaksi na: WALANG IBANG DIYOS NA DAPAT SAMBAHIN MALIBAN SA ALLAH, AT TUNAY NA SI MUHAMMAD AY SUGO NG ALLAH. At yaon ang Kanyang sinabi na:
{يُثَبِّتُ اللهُ الَّذِينَ آمَنُوا بِالْقَوْلِ الثَّابِتِ}.
"PANANATILIHING MATATAG NG ALLAH YAONG MGA [TUNAY NA] NANINIWALA, SA PAMAMAGITAN NG MATIBAY NA SALITA."

Kaya't pagkatapos na pagkatapos mailibing ang patay - na muslim - at matabunan ng lupa ay hihingi tayo ng KAPATAWARAN sa Allah para sa kanya at KATATAGAN sa kanyang libingan sa pagsagot sa mga tanong ng dalawang anghel sa kanya doon sa libingan.

Sinabi ni Uthman bin 'Affan - رضي الله عنه - :
كَانَ النَّبِيُّ ﷺ إِذَا فَرَغَ مِنْ دَفْنِ الْمَيِّتِ وَقَفَ عَلَيْهِ فَقَالَ: "اسْتَغْفِرُوا لِأَخِيكُمْ، وَسَلُوا لَهُ بِالتَّثْبِيتِ؛ فَإِنَّهُ الْآنَ يُسْأَلُ".
Kapag natapos na ang Propeta ﷺ sa paglilibing ng patay siya ay tatayo sa ibabaw nito at magsasabi ng: "HUMINGI KAYO NG KAPATAWARAN SA ALLAH PARA SA KAPATID NINYO (na Muslim), AT HUMILING KAYO (sa Allah) NG KATATAGAN PARA SA KANYA; DAHIL TUNAY NA SIYA NGAYON AY TINATANONG NA (ng mga anghel sa kanyang libingan)."~Inulat ni Abu Dawud, Al-Bazzar, Ibnus-Sunni, atbp.
✍ Muhammad Ali Granaderos

17/09/2024

Kung wala ang gabay ng Islam ang tao'y mamumuhay sa daigdig na parang hayop o mas masahol pa.

Sinabi ng Allah:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَتَمَتَّعُونَ وَيَأۡكُلُونَ كَمَا تَأۡكُلُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ وَٱلنَّارُ مَثۡوًى لَّهُمۡ
"At yaong mga di-naniwala ay nagpapakasaya lamang at nanginginaing tulad ng panginginain ng mga hayop. At ang Apoy ang magiging kanlungan para sa kanila." [Surah Muhammad 12].

وَلَقَدۡ ذَرَأۡنَا لِجَهَنَّمَ كَثِيرًا مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ لَهُمۡ قُلُوبٌ لَّا يَفۡقَهُونَ بِهَا وَلَهُمۡ أَعۡيُنٌ لَّا يُبۡصِرُونَ بِهَا وَلَهُمۡ ءَاذَانٌ لَّا يَسۡمَعُونَ بِهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡغَٰفِلُونَ
"At katiyakan, Aming nilikha para sa Impiyerno ang karamihan mula sa mga jinn(engkanto) at mga tao. Sila ay mayroong mga puso na hindi marunong makaunawa, at sila ay mayroong mga mata nguni’t hindi nakakikita, at sila ay mayroong mga tainga nguni’t hindi nakaririnig [ng katotohanan]. Sila ay katulad ng mga hayop, bagkus sila ay mas ligaw pa. Sila yaong mga hindi nagbigay-pahalaga [walang pakialam sa mga mensahe ng Allah at ng Kanyang Sugo]." [Surah Al-Araf 179].

✏Muhammad Ali granadiros

Want your school to be the top-listed School/college in Parang?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Poblation 2
Parang
9604