Deped - TAWIG ES Paracale Dist.

Call Directions

Deped - TAWIG ES Paracale Dist. An institution that molds not only the mind but also the heart of every pupil/s who comes to our school.

We are training the young ones to become responsible and productive citizen in the future.

Simula po bukas June 1 hanggang June 5 ay magsasagawa po ulit ang mga paaralan ng mga paghahanda para sa darating na pas...
31/05/2026

Simula po bukas June 1 hanggang June 5 ay magsasagawa po ulit ang mga paaralan ng mga paghahanda para sa darating na pasukan. Kaya muli po namin kayong inaanyayahan na makiisa. Anuman po nag inyong maitutulong ay malugod po naming tatanggapin.
Magkikita po tayo bukas sa bulwagan ng ating paaralan para sa isang panimulang palatuntunan.

📢PAANYAYA!!Ang Panuruang Taong 2026-2027 ay magsisimula po sa June 8, 2026. Ang atin pong sinisintang paaralan ay magsis...
30/05/2026

📢PAANYAYA!!
Ang Panuruang Taong 2026-2027 ay magsisimula po sa June 8, 2026. Ang atin pong sinisintang paaralan ay magsisimula po na tumanggap ng mga bagong mag-aaral simula po sa lunes sa June 1, 2026 hanggang June 11, 2026. Kasabay po ng isasagawang Brigada Eskwela ay isasagawa din po ng ating paaralan ang Oplan Balik Eskwela.
Simula po June 1, 2026 ay tatanggap na po ang mga nakaaassign na g**o ng mga enrollees for SY 2026-2027. Narito po ang ilang paalala upang maging madali ang inyong pagappalista sa inyong mga anak.
📌 Para sa incoming Kinder
- Xerox copy ng PSA birth certificate of mula po sa Municipal Registrar.
- Magfilm up po sa Enrolment form na ibibigay ng nakaduty na g**o at school personnel.

📌Para po sa incoming Grade 1
- Xerox copy ng Birth Certificate.
- Magfilm up po sa Enrolment form na ibibigay ng nakaduty na g**o at school personnel.

📌 Para po sa dating mag-aaral.
- Card mula sa dating g**o.
- Confirmation slip.

📌 Para po mga mag tatransfer in
- Card at Cerox copy ng birth certificate
- Magfilm up po sa Enrolment form na ibibigay ng nakaduty na g**o at school personnel.

Mangyari pong magdala ng sarili pong ballpen. Tubig at pamunas ng pawis dahil po sa mainit na panahon.

📢 ANNOUNCEMENT Ang Special Program in Journalism (SPJ) ay magsasagawa po ulit ng Qualifying Exam para sa Panuruang Taon ...
11/05/2026

📢 ANNOUNCEMENT
Ang Special Program in Journalism (SPJ) ay magsasagawa po ulit ng Qualifying Exam para sa Panuruang Taon 2026-2027.
🗓Date: May 13, 2026/ Wednesday
⏰Time: 9:00 a. m. at 1:30 p. m.
📍Venue: IV- Affectionate Room Tawig Elementary School

Lahat po ng nasa ibabang listahan👇 ay mangyaring pumunta sa araw at oras ng pagsusulit. Magdala po ng papel, ballpen o lapis at pambura bilang panulat. Tubig at snacks. Maging maaga din po ng 30 minutes bago nag simula ng pagsusulit.
Salamat po at goodluck sa lahat ng mga kukuha ng pagsusulit. 👍💪🎉

Maraming, maraming salamat po mula sa puso ng Tawig Elementary School!Lubos po kaming nagpapasalamat sa GMA Kapuso Found...
26/06/2025

Maraming, maraming salamat po mula sa puso ng Tawig Elementary School!

Lubos po kaming nagpapasalamat sa GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng programang Unang Hakbang sa Kinabukasan, katuwang ang Philippine Army 16th Infantry Battalion, sa inyong malasakit at pagbibigay ng school supplies sa aming mga munting mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1. Napakalaking tulong po ito para sa kanilang mas masayang pagsisimula sa paaralan.

Hindi rin po namin makakalimutan ang tulong at presensya ng mga kinatawan mula sa SDO-Camarines Norte, at higit sa lahat, ang walang kapantay na sipag at suporta ng aming mahal na PSDS ng Paracale District, Dr. Glenda N. Rito.

Salamat po sa inyong lahat — sa inyong kabutihan, oras, at pusong handang tumulong. Dahil sa inyo, mas nagniningning ang pag-asa ng aming mga batang mag-aaral. Muli, mula sa aming puso, maraming salamat po!

📚 Brigada Eskwela 2025 – Day 3 Highlights! 🧹🛠️Theme: Sama-sama para sa Bayang BumabasaA heartfelt THANK YOU to all the g...
11/06/2025

📚 Brigada Eskwela 2025 – Day 3 Highlights! 🧹🛠️
Theme: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa
A heartfelt THANK YOU to all the generous hearts who donated cleaning essentials, paint, and other materials! 💖 Your support brings us one step closer to a brighter, cleaner, and more inspiring learning space for our children. 🙌
Let’s keep the spirit of bayanihan alive! 🤝
We invite all parents and community members—your time, effort, and presence truly make a difference.
Tara na’t makiisa sa Brigada Eskwela! Sama-sama tayong bumuo ng isang bayang bumabasa! 📖🇵🇭


📚 Brigada Eskwela 2025 – Day 2 Highlights! 🇵🇭Theme: Sama-sama para sa Bayang BumabasaIsang masiglang araw ng pagtutulung...
10/06/2025

📚 Brigada Eskwela 2025 – Day 2 Highlights! 🇵🇭

Theme: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa
Isang masiglang araw ng pagtutulungan at bayanihan ang muli nating nasaksihan ngayong ikalawang araw ng Brigada Eskwela! 💪✨ Salamat sa mga magulang, g**o, at volunteers na buong pusong naglaan ng oras at lakas para sa ating mga mag-aaral. 🙌📖

Tara na, mga magulang at ka-barangay! Sama-sama tayong bumuo ng isang ligtas, maayos, at inspirasyong lugar para sa mga batang babasa at mangangarap! 📘👫
Makilahok, makiisa, at makibahagi sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2025! 💙

Brigada Eskwela 2025 has officially begun! 💪📚 With the theme ‘Sama-sama para sa Bayang Bumabasa’, we unite as one commun...
09/06/2025

Brigada Eskwela 2025 has officially begun! 💪📚 With the theme ‘Sama-sama para sa Bayang Bumabasa’, we unite as one community to prepare our schools and empower our learners. Salamat sa lahat ng nakiisa—mga g**o, magulang, estudyante, at volunteers! Sama-sama, tayo ay tagumpay! 🇵🇭✊

Isang mapagpalang araw po sa lahat. Isang paanyaya po sa lahat ng magulang na may anak na mag-aaral sa ikaapat na baitan...
04/06/2025

Isang mapagpalang araw po sa lahat. Isang paanyaya po sa lahat ng magulang na may anak na mag-aaral sa ikaapat na baitang ngaung taong panuruan 2025-2026. Ang atin pong sintang paaralan ay isa sa mga mapalad na makasama sa mga paaralang magbibigay ng mga special programs. Sa atin po ng paaralan ay pinagkaloob ang Special Program in Journalism. Naglalayon po ito na mapalakas at mahubog ang kaalaman at potensyal ng mga mag-aaral sa larangan ng Journalism. Isa po sa magandang daan upang malinang ang angkin talino at kahusayan ng mga mag-aaral sa pamamahayag. Open po ito sa mga mag-aaral ng Tawig at sa mga transferees. Magdala lamang po ng card para sa mga transferres in pupils. Narito po ang isa sa mga aktibidad at gawain na isasagawa:

Ano: Special Program in Journalism Admission Test and Interview
Sino: Lahat ng interesadong Grade 4 pupils
Saan: Grade 4 - Affectionate Classroom sa Tawig Elem. School
Kailan: June 5, 2025 @8:00 a.m.

Tandaan: Magdala po ng ballpen panulat at tubig.

Magkita kita po tayo bukas

Mga maaring kontakin ukol sa SPJ:
Gng. Helen Binalla Lamadrid
Bb. Jillianne Elnar
Punungg**o Gng. Juvy Bravo

📣 PAGTUTULUNGAN PARA SA KINABUKASAN! 📚Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, ...
03/06/2025

📣 PAGTUTULUNGAN PARA SA KINABUKASAN! 📚
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, at buong komunidad na makiisa at makibahagi sa darating na Brigada Eskwela na gaganapin mula June 9–13, 2025.

Sa temang "Brigada Eskwela: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa," sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, maayos, at mas makabuluhang pagbabalik-eskwela. Magsasagawa tayo ng paglilinis, pagkukumpuni, at iba pang mga gawaing makatutulong upang maging handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.

🤝 Ang inyong tulong – sa anumang paraan – ay malaking ambag sa paghubog ng isang ligtas at makataong lugar ng pagkatuto para sa ating mga kabataan.

📍 Ipinapaabot po namin ang aming taos-pusong pasasalamat at paghihintay sa inyong aktibong partisipasyon!



Magandang araw po sa lahat. Ang atin pong paaralan ay magsisimula na po sa pagtanggap ng mga bagong mag-aaral para sa Sc...
22/01/2025

Magandang araw po sa lahat. Ang atin pong paaralan ay magsisimula na po sa pagtanggap ng mga bagong mag-aaral para sa School Year 2025-2026. Ito po ay magsisimula sa January 25 hanggang February 15, 2025.
Mangyari po na pakitingnan po ang larawan sa ibaba para po sa mga impormasyon ukol sa pagpapatala o pag papa enrol

Address

Prk. 4 Tawig
Paracale
4605

Telephone

+639485730517

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped - TAWIG ES Paracale Dist. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share