Tawig Elementary School

Tawig Elementary School Official Page of Tawig Elementary School

Maraming, maraming salamat po mula sa puso ng Tawig Elementary School!Lubos po kaming nagpapasalamat sa GMA Kapuso Found...
26/06/2025

Maraming, maraming salamat po mula sa puso ng Tawig Elementary School!

Lubos po kaming nagpapasalamat sa GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng programang Unang Hakbang sa Kinabukasan, katuwang ang Philippine Army 16th Infantry Battalion, sa inyong malasakit at pagbibigay ng school supplies sa aming mga munting mag-aaral sa Kindergarten at Grade 1. Napakalaking tulong po ito para sa kanilang mas masayang pagsisimula sa paaralan.

Hindi rin po namin makakalimutan ang tulong at presensya ng mga kinatawan mula sa SDO-Camarines Norte, at higit sa lahat, ang walang kapantay na sipag at suporta ng aming mahal na PSDS ng Paracale District, Dr. Glenda N. Rito.

Salamat po sa inyong lahat โ€” sa inyong kabutihan, oras, at pusong handang tumulong. Dahil sa inyo, mas nagniningning ang pag-asa ng aming mga batang mag-aaral. Muli, mula sa aming puso, maraming salamat po!

๐Ÿ“š Brigada Eskwela 2025 โ€“ Day 3 Highlights! ๐Ÿงน๐Ÿ› ๏ธTheme: Sama-sama para sa Bayang BumabasaA heartfelt THANK YOU to all the g...
11/06/2025

๐Ÿ“š Brigada Eskwela 2025 โ€“ Day 3 Highlights! ๐Ÿงน๐Ÿ› ๏ธ
Theme: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa
A heartfelt THANK YOU to all the generous hearts who donated cleaning essentials, paint, and other materials! ๐Ÿ’– Your support brings us one step closer to a brighter, cleaner, and more inspiring learning space for our children. ๐Ÿ™Œ
Letโ€™s keep the spirit of bayanihan alive! ๐Ÿค
We invite all parents and community membersโ€”your time, effort, and presence truly make a difference.
Tara naโ€™t makiisa sa Brigada Eskwela! Sama-sama tayong bumuo ng isang bayang bumabasa! ๐Ÿ“–๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ


๐Ÿ“š Brigada Eskwela 2025 โ€“ Day 2 Highlights! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญTheme: Sama-sama para sa Bayang BumabasaIsang masiglang araw ng pagtutulung...
10/06/2025

๐Ÿ“š Brigada Eskwela 2025 โ€“ Day 2 Highlights! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Theme: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa
Isang masiglang araw ng pagtutulungan at bayanihan ang muli nating nasaksihan ngayong ikalawang araw ng Brigada Eskwela! ๐Ÿ’ชโœจ Salamat sa mga magulang, g**o, at volunteers na buong pusong naglaan ng oras at lakas para sa ating mga mag-aaral. ๐Ÿ™Œ๐Ÿ“–

Tara na, mga magulang at ka-barangay! Sama-sama tayong bumuo ng isang ligtas, maayos, at inspirasyong lugar para sa mga batang babasa at mangangarap! ๐Ÿ“˜๐Ÿ‘ซ
Makilahok, makiisa, at makibahagi sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2025! ๐Ÿ’™

Brigada Eskwela 2025 has officially begun! ๐Ÿ’ช๐Ÿ“š With the theme โ€˜Sama-sama para sa Bayang Bumabasaโ€™, we unite as one commun...
09/06/2025

Brigada Eskwela 2025 has officially begun! ๐Ÿ’ช๐Ÿ“š With the theme โ€˜Sama-sama para sa Bayang Bumabasaโ€™, we unite as one community to prepare our schools and empower our learners. Salamat sa lahat ng nakiisaโ€”mga g**o, magulang, estudyante, at volunteers! Sama-sama, tayo ay tagumpay! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ

Isang mapagpalang araw po sa lahat. Isang paanyaya po sa lahat ng magulang na may anak na mag-aaral sa ikaapat na baitan...
04/06/2025

Isang mapagpalang araw po sa lahat. Isang paanyaya po sa lahat ng magulang na may anak na mag-aaral sa ikaapat na baitang ngaung taong panuruan 2025-2026. Ang atin pong sintang paaralan ay isa sa mga mapalad na makasama sa mga paaralang magbibigay ng mga special programs. Sa atin po ng paaralan ay pinagkaloob ang Special Program in Journalism. Naglalayon po ito na mapalakas at mahubog ang kaalaman at potensyal ng mga mag-aaral sa larangan ng Journalism. Isa po sa magandang daan upang malinang ang angkin talino at kahusayan ng mga mag-aaral sa pamamahayag. Open po ito sa mga mag-aaral ng Tawig at sa mga transferees. Magdala lamang po ng card para sa mga transferres in pupils. Narito po ang isa sa mga aktibidad at gawain na isasagawa:

Ano: Special Program in Journalism Admission Test and Interview
Sino: Lahat ng interesadong Grade 4 pupils
Saan: Grade 4 - Affectionate Classroom sa Tawig Elem. School
Kailan: June 5, 2025 @8:00 a.m.

Tandaan: Magdala po ng ballpen panulat at tubig.

Magkita kita po tayo bukas

Mga maaring kontakin ukol sa SPJ:
Gng. Helen Binalla Lamadrid
Bb. Jillianne Elnar
Punungg**o Gng. Juvy Bravo

๐Ÿ“ฃ PAGTUTULUNGAN PARA SA KINABUKASAN! ๐Ÿ“šInaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, ...
03/06/2025

๐Ÿ“ฃ PAGTUTULUNGAN PARA SA KINABUKASAN! ๐Ÿ“š
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, alumni, stakeholders, at buong komunidad na makiisa at makibahagi sa darating na Brigada Eskwela na gaganapin mula June 9โ€“13, 2025.

Sa temang "Brigada Eskwela: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa," sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, maayos, at mas makabuluhang pagbabalik-eskwela. Magsasagawa tayo ng paglilinis, pagkukumpuni, at iba pang mga gawaing makatutulong upang maging handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.

๐Ÿค Ang inyong tulong โ€“ sa anumang paraan โ€“ ay malaking ambag sa paghubog ng isang ligtas at makataong lugar ng pagkatuto para sa ating mga kabataan.

๐Ÿ“ Ipinapaabot po namin ang aming taos-pusong pasasalamat at paghihintay sa inyong aktibong partisipasyon!



Taunang Araw ng Pagkilala Baitang I-V Theme: Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas
15/04/2025

Taunang Araw ng Pagkilala Baitang I-V
Theme: Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas

Kindergarten 10th Moving-Up Exercises Theme: Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas
15/04/2025

Kindergarten 10th Moving-Up Exercises
Theme: Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas

Magandang araw po sa lahat. Ang atin pong paaralan ay magsisimula na po sa pagtanggap ng mga bagong mag-aaral para sa Sc...
22/01/2025

Magandang araw po sa lahat. Ang atin pong paaralan ay magsisimula na po sa pagtanggap ng mga bagong mag-aaral para sa School Year 2025-2026. Ito po ay magsisimula sa January 25 hanggang February 15, 2025.
Mangyari po na pakitingnan po ang larawan sa ibaba para po sa mga impormasyon ukol sa pagpapatala o pag papa enrol

28/11/2024
National Reading Month and National Children's Month School-Based Celebration
28/11/2024

National Reading Month and National Children's Month School-Based Celebration

๐Ÿ“Œ๐Ÿ“Œ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃHalina't makiisa sa Brigada Eskwela! Sama-sama nating linisin at ayusin ang ating paaralan mula Hulyo 22-27, 2024 na...
20/07/2024

๐Ÿ“Œ๐Ÿ“Œ๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ
Halina't makiisa sa Brigada Eskwela! Sama-sama nating linisin at ayusin ang ating paaralan mula Hulyo 22-27, 2024 na may tema: "Bayanihan para sa MATATAG na Paaralan".

Makilahok sa paglilinis at pagsasaayos ng ating paaralan upang masig**ong maayos at ligtas ang mga pasilidad para sa ating mga mag-aaral. Maaari kayong tumulong sa pamamagitan ng paglilinis, pagpipintura, at pagsasaayos ng mga sirang kagamitan. Bukod dito, maaari rin kayong magbigay ng mga donasyon tulad ng mga walis, pintura, at iba pang mga materyales.

Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!

Address

Tawig
Paracale
4605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tawig Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share