IGANG ES - 112248

Directions Contact the school

IGANG ES - 112248 Para sa Bata, Para sa Bayan 💪

Congratulations! 🎉Isang taos-pusong pagbati kay Johnbel Banal, SELG President ng Igang Elementary School, sa kanyang pag...
23/02/2026

Congratulations! 🎉

Isang taos-pusong pagbati kay Johnbel Banal, SELG President ng Igang Elementary School, sa kanyang pagkakahalal bilang SELG District Federation Auditor sa ginanap na SELG District Elections.

Sa patnubay ng kanyang Adviser, Teacher Janice C. Nacianceno, nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa bawat mag-aaral ng Igang ES at patuloy na mahubog bilang isang mahusay, responsable, at makataong lider sa mga susunod pang panahon.

Padayon sa paglilingkod at pamumuno! 💙✨

15/02/2026

Sama-sama nating simulan ang bagong linggo ng may positibong pananaw at puso na handa sa paglilingkod. Happy Monday, ka-DepEd! 🙏❤️

Karapatan ng Bawat Bata ang Mag-aral. Magpatala Na!📢 EARLY REGISTRATION | Igang Elementary School📅 Enero 31 – Pebrero 27...
19/01/2026

Karapatan ng Bawat Bata ang Mag-aral. Magpatala Na!

📢 EARLY REGISTRATION | Igang Elementary School
📅 Enero 31 – Pebrero 27, 2026

Inaanyayahan ang lahat ng magulang at guardian na magparehistro nang maaga para sa School Year 2026–2027.

📌 Sino ang maaaring magparehistro?
• Kindergarten
• Grade 1
• Balik-Aral / Transferee

📄 Mga Kailangang Dalhin:

🧒 Kindergarten
• Photocopy ng PSA/NSO Birth Certificate o Live Birth
• Limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2025

🎒 Grade 1
• PSA/NSO Birth Certificate o Live Birth
• Kindergarten Completer
• Original ECCD Checklist/Progress Card
• Enrollment Form

🔁 Balik-Aral / Transferee
• PSA/NSO Birth Certificate o Live Birth
• Original ECCD Checklist/Progress Card
• Enrollment Form

ℹ️ Paalala:
• Bukas ang paaralan para sa mga magulang/guardian na magpapatala.
• Para sa gabay at karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa mga g**o ng paaralan.

Magparehistro nang maaga para sa mas maayos na paghahanda sa darating na school year.

Congratulations, Teacher Maria Cielita V. Imperial, Teacher IV! 🎉🥳Buong Igang Elementary School ay lubos na nagagalak at...
07/01/2026

Congratulations, Teacher Maria Cielita V. Imperial, Teacher IV! 🎉🥳

Buong Igang Elementary School ay lubos na nagagalak at nagdiriwang ng iyong tagumpay sa ECP Reclassification. Ang iyong sipag, talino, at taos-pusong malasakit sa mga mag-aaral ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan.
Karapat-dapat ang tagumpay na ito. Mabuhay ka, Ma’am! Sa huli, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay iniaalay sa Poong Maykapal. 🙏

Katuwang sa Pangarap ng Bawat Mag-aaral Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Batobalani Barangay Council, sa pamumuno n...
16/12/2025

Katuwang sa Pangarap ng Bawat Mag-aaral

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Batobalani Barangay Council, sa pamumuno ni Hon. Emma B. Oco, sa kanilang bukas-palad na pagbibigay ng educational assistance sa ating mga IP learners ng Igang Elementary School.

Lubos din naming pinahahalagahan ang kanilang patuloy na suporta sa lahat ng aming programa, proyekto, at aktibidad, na nag-aambag sa mas masigla at inklusibong pagkatuto para sa lahat ng mag-aaral.


❣️IPLearners

Level Up ang konektadong pagkatuto sa IGANG ES! Lubos ang aming pasasalamat sa Schools Division Office of Camarines Nort...
05/12/2025

Level Up ang konektadong pagkatuto sa IGANG ES!

Lubos ang aming pasasalamat sa Schools Division Office of Camarines Norte, sa pamumuno ni SDS Crestito M. Morcilla, sa pagbibigay ng pagkakataong maging bahagi ang aming paaralan sa mga Starlink WiFi recipients.

Sa tulong ng makabagong teknolohiyang ito, mas mabilis, mas malinaw, at mas bukas ang daan tungo sa mas de-kalidad na edukasyon para sa bawat batang Igangnon.

🫰

KALIGTASAN MUNA!Mas panatag, mas protektado, at mas maayos na paligid para sa lahat.Dahil mahalaga ang bawat hakbang tun...
04/12/2025

KALIGTASAN MUNA!

Mas panatag, mas protektado, at mas maayos na paligid para sa lahat.Dahil mahalaga ang bawat hakbang tungo sa seguridad at kaayusan.

CCTV Installed!


Sa likod ng bawat batang masiglang nag-aaral, may mga pusong handang tumulong at magbigay-inspirasyon 🤗Lubos po kaming n...
30/11/2025

Sa likod ng bawat batang masiglang nag-aaral, may mga pusong handang tumulong at magbigay-inspirasyon 🤗

Lubos po kaming nagpapasalamat kina Father Salvador Babala IV, Mrs. Eden Valenzuela, at Mrs. Helen Valenzuela sa kanilang bukas-pusong pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral ng Igang Elementary School. Ang mga kagamitang ito ay mula sa Socio Pastoral Action Center Foundation of Daet Inc., bilang bahagi ng programang Building A Child-Friendly Church for Healthy and Empowered Children in Bicol.

Ang inyong kabutihan at malasakit ay patuloy na nagbibigay liwanag sa aming komunidad. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Lumikha at bigyan ng mas marami pang biyayang maibabahagi sa iba.

Officially ID-entified! 😍Ang mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Igang ay opisyal nang may school ID! Isang simbol...
05/11/2025

Officially ID-entified! 😍

Ang mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Igang ay opisyal nang may school ID! Isang simbolo ng pagkakakilanlan, disiplina, at pagiging bahagi ng Igang ES family!


Address

P-6, Batobalani, Camarines Norte
Paracale
4605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IGANG ES - 112248 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to IGANG ES - 112248:

Shortcuts

Share