Pedro V. Moreno ES.

Pedro V. Moreno ES. Para sa lahat ng stakeholders ng Pedro V. Moreno Elementary School

Sa  September 13, 2021 ay simula na po ng pasukan para sa School Year 2021-2022.    MGA ILANG  PAALALA PO mula sa Pedro ...
06/09/2021

Sa September 13, 2021 ay simula na po ng pasukan para sa School Year 2021-2022.
MGA ILANG PAALALA PO mula sa Pedro V. Moreno Elementary School, Paracale District.

Paalala po sa mga magulang para sa darating na pasukan..😊🥰
1. Ihanda po ang ating mga anak sa nalalapit na pasukan. Sabihin po sa kanila na simula na muli ang klase. Modular learning pa rin po tayo. Di pa po pwede ang face to face.
2. Kahit hindi po tayo face to face, dapat regular din po ang gising at sa tamang oras magsasagot ng modules. Sundan po ang Home Learning Plan na ibibigay po sa mga anak natin.
3. Igawa po sila ng lugar aralan, hindi kung saan-saan lang. Dapat po ay maayos/malinis/maliwanag , may mga kagamitan (ballpen, papel,atbp.) at may sariling mesa at silya.
4. Lagi pong ilagay ang scheduled time sa lugar na madaling makikita para po guided ang bata at magulang. Kailangan din po ng bata ang recess/break time.
5. Sa pagsagot po ng modules, hayaan po natin ang ating mga anak ang sasagot, hindi po si mommy/nanay, daddy/tatay, ate, kuya o tutor. Mahalaga po ito upang kahit paano ay may matutunan sila. Tandaan din po ninyo na alam ni teacher ang gawa ng bata.
6. Isulat/Gawin ang modules/activity sheets sa takdang araw upang hindi po matambakan ng gawain.
7. Sumali sa Group Chat na gagawin ni teacher para sa klase niyo para lagi kang updated.
8. Ang mga pagkakamali noong nakaraang taon ay huwag na pong ulitin. Tandaan, kayo po ay katuwang ng PAARALAN para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nasa pagtutulungan ang ikakapagtagumpay ng mga mag-aaral.
Para sa Bata, para sa bayan! 💪

-2022

13/08/2021

PEDRP V. MORENO ELEMENTARY SCHOOL

ENROLMENT PERIOD
Magsisimula po sa August 16, 2021 hanggang September 13, 2021
Tara na! Magpalista na!
Inaanyayahan Ang mga magulang ng mga sumusunod para magpalista:
🖊️ Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang na ngayon o maglilimang taong gulang na bago mag October 31,2021 ( DepEd Order No. 47, s. 2016/ DepEd Order No. 20, s. 2018)
🖊️ Grade 1: Mga batang nag-aral at nakapagtapos ng Kindergarten sa SY 2020-2021
🖊️Transferees: Mga batang mula Grade 2-6 na nagnanais lumipat sa aming paaralan
🖊️Balik- Aral: Mga batang nagnanais na bumalik sa pag- aaral
Dokumento na kailangan isumite:
KINDER
📄 Photocopy ng PSA Birth certificate
* No PSA BC: Submit any of the ff._ NSO BC/Local live Birth/ Barangay Certification/Late Registration form
GRADE I
PECD
Kindergarten Certificate of Completion
height and weight certified by BHW or a doctor or whole body picture
GRADES II-VI
SF 9 o school report card
TRANSFEREES
Birth Certificate, SF 9, Certificate of Good Moral Character
BALIK-ARAL
SF 9, Birth Certificate
Maraming salamat po.

11/08/2021

Brigada Eskwela 2021-2022 na may temang " Bayanihan tungo sa Kalidad ng Edukasyon sa Panahon ng Pandemya" Nais po naming kumatok sa inyong mga puso na makilahok na tumulong sa mga pangangailangan ng paaralan. Maaari po kayong mag donate ng mga sumusunod: mga ornamental plants. ( lalo na yung may bulaklak na.) Pintura, gamit panlinis, health essentials school supplies at iba pa. contact #09353113196 para sa detalye.

10/08/2021

What: Brigada kick off
When: August 17,2021
Face book live
Link will be sent later
who: everybody is invited

Address

Malaguit, Camaines Norte
Paracale
4605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pedro V. Moreno ES. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Pedro V. Moreno ES.:

Shortcuts

Share

Category