NASECORE

NASECORE

Share

National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc... NASECORE ...a consumer advoca

10/05/2022

Dear Electricity Consumers:

As advocates for electricity consumers in the country, we pursued a campaign on a platform of lower electricity rates and reforms in the power industry. We were not favored with a victory.
However, it does not mean we will stop fighting for your rights and welfare, as we have been doing the past twenty-three years.
Rest assured that in the days and years ahead, we will continue to be your shepherd and your protector, pursuing our advocacy with the same dedication and vigor as before.
" Have nothing to do with the fruitless deeds of darkness, but rather expose them."
( Ephesians 5:11)
Thank you for all your prayers and support.
Pete Ilagan- President
NASECORE – Kontra Brownout Party List

21/03/2022

VOTE! #91 KONTRABROWNOUT PARTYLIST
TUNAY NA PARTYLIST NG LAHAT NG MGA ELECTRICITY CONSUMERS.
PATULOY NA LUMALABAN SA PANG-AABUSO SA INDUSTRIYA NG KURYENTE.

09/03/2022

# 91 PO SA BALOTA!
ITO PO ANG PAGSUPORTA KO SA TUNAY AT BUHAY NA PARTY-LIST NG MGA ELECTRICITY CONSUMERS.!

16/02/2022

VOTE! #91 KONTRABROWNOUT PARTYLIST!
TUNAY NA PARTYLIST NG LAHAT NG MGA ELECTRICITY CONSUMERS.

16/02/2022

FAQ : MARAMING PARTY-LIST NA ANG NANGAKO PERO WALANG GINAWA. ANO KAIBAHAN NYO SA KANILA?

SAGOT:

1.Wala pa kami sa Kongreso, subalit MARAMI NG NAGAWA!

Laman ng mga BALITA ang mga NAGAWA NAMIN at GINAGAWA ng #91 Nasecore KONTRA BROWNOUT advocacy group. Madalas na sagot namin ay i-Google lang ang salitang "nasecore" para malaman ang mga nagawa at mga ginagawa ngayon. Mababasa din po sa aming website, nasecore.com, ang mga impormasyon tungkol dito. Tumatakbo kami ngayon bilang party-list base sa mga nagawa na namin para sa lahat ng electiricty consumers… hindi base sa pangako lamang.

Lumabas ba sa google ang party-list na kilala mo? Kung hindi lumabas, malamang wala pang nagawa o katatayo lamang para lang sa election. Walang experience maglingkod.

2.Isang tunay na advocacy group ang #91 NASECORE KontraBrownout. Partylist.
Itinatag ang advocacy group namin noon 1998. Mahigit ng 20 taon, hindi po tumakbong party-list ang aming grupo upang unahin muna ang makatulong sa mga pangunahing issues at pangangailangan ng lahat ng electricity consumers. Malaking kaibahan po namin sa ibang mga party-list na binuo lamang para sa election at walang planong mag-serbisyo publiko.

3.Hindi kami gumagamit ng pondo ng gobyerno o naglo-lobby (lobbyist).

Sariling pondo, oras at kaalaman ng mga boluntaryong abogado, engineers, kuntador (accountant), atbpang mga propesyunal na miyembro ng #91 Nasecore Kontra Brownout Partylist ang ginagamit namin sa aming adbokasya. Ang mga napalunan namin (katulad ng bilyon perang REFUND ng MERALCO) ay deretso sa mga mamimili kahit pa kami ang gumastos sa mahabang pagdinig ng kaso sa hukuman bilang aming serbisyo publiko.

FAQ : BAKIT MATAAS PA RIN ANG PRESYO NG KURYENTE AT HINDI NAMIN RAMDAM ANG REFUND NA SINASABI NYO? KAYA NYO BA ANG MERALCO?

SAGOT:

1.Halos buwan-buwan ay nagtataas ng presyo ng kuryente ang MERALCO at mga ELECTRIC COOPERATIVES. Ito ay pini-petisyon nila sa ERC (Energy Regulatory Commission), ang parang korte na nagdedesisyon kung tama ba at magkano ang dapat itaas.. Ang #91 Nasecore KontraBrownOut Partylist, ang may pinakamaraming "INTERVENTION" sa ERC para PIGILAN ang pagtaas ng kuryente.. Meron kaming napipigilan o nababawasan pagtaas ng presyo at meron naman kinakatigan ang ERC. May karapatan po ang mga mamumuhunan na mabawi ang kanilang gastos at magkaroon ng resonableng tubo sa puhunan. Yun lamang sobra ang pwede nating pigilan. Ito po ang dahilan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente natin. Mas marami po ang aming magagawa kung susuportahan nyo kami at mas lalakas ang ating boses sa Kongreso kung sama-sama po tayo ma-ipaglaban ang ating karapatan laban sa mga abusadong capitalista.

2. Nag-refund ng bilyon-bilyon ang MERALCO dahil sa pag-file namin ng kaso laban sa deposito natin sa "meter" at "bill". Laman din po ng balita ang pagkapanalo namin. Ang sabi ng ilan ay hindi daw nila RAMDAM ang REFUND na ito. Tama po sila dahil kahit bilyon-bilyon ang naibalik, 6million konsumers ng Meralco ang maghahati-hati dito.. 6million ang nakinabang sa amin panalo at walang pera na pumunta sa NASECORE. Lahat ay deretso sa mga kustomer ng MERALCO.

3. Dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng kuryente, kaya patuloy natin nilalabanan sa ERC at sa Korte gamit ang sarili naming pondo, oras at kaalaman ng aming mga volunteers na mga Abogado. Mahabang proseso ito dahil alam nyo naman ang kalagayan ng Korte sa Pilipinas. Kaya minabuti po ng Nasecore, #91 KontraBrownout na mag-party-list upang samasama po natin labanan at mas mapapadali natin ang proceso.

FAQ : BROWNOUT LANG BA ANG ISYU NYO?

SAGOT:

1. HINDI PO.

Ang aming ADBOKASYA ay proteksyonan ang mga MAMIMILI laban sa mga pang-aabuso sa atin ng Industriya ng Kuryente at handa rin po kaming palawakin ito para proteksyonan din ang mga mamimili/konsumer ng ibang serbisyo gaya ng tubig, kumikasyon, high-way, atbp. Ang palawakin ang adbokasya ay nangangailangan ng resources, kaalaman at mga tao para mas maging epektibo ang serbisyo publiko. Nakikita po namin na walang totoong adbokasya kagaya ng mga ginagawa namin sa konsyumer ng kuryente.

2. EXPERTO SA BATAS SA KURYENTE AT TEKNIKAL.

Masalimoot ang batas sa kuryente at kakaunti lamang ang marunong dito. Hindi lahat ng abogado ay alam ang batas, policy, procedures, issuances ng mga ahensya. Ang #91 Nasecore Kontra Brownout Partylist ay may malalim na kaalaman sa kuryente. Ito ay ginagamit namin para matutulan at labanan ang mga pang-aabuso sa ating mga mamimili sa ERC at sa Korte.

May mga volunteers din kaming mga Engineers na marunong sa technical ng production, transmission at distribution ng kuryente.

May mga volunteers din kaming mga Accountants and Finance people na sya namang tumutulong para maintindihan ang financial aspect ng mga isyu at pag-aaral para malaman kung may pag-aabuso, halimbawa, sa petisyon na magtaas ng kuryente o kaya ay pag-utang na sa huli ay mga mamimili ang magbabayad.

4.HINDI lang brownout kundi pati na din ang presyo ng kuryente, pagkulekta ng sobrang pera sa mga mamimili, pag-utang at paggastos ng mga distribution at NGCP, kapalpakan sa serbisyo, kurapsyon ng mga opisyal ng gobyerno, pagbabago sa batas at policy, at ang pagpatupad o hindi pagpatupad sa mga batas at mga tuntunin ng mga ahensya ng gobyerno katulad ng DOE, NEA at ERC. Nasa balita ang mga ginawa at ginagawa ng #91 Nasecore Kontra Brownout Partylist, i-Google lamang “nasecore” upang malaman ang lahat ng aming mga nagawa.

FAQ : SINO-SINO ANG MGA NOMINEES NG KONTRA BROWNOUT?

SAGOT:

1st Nominee: Pete Ilagan, President and Founder of NASECORE. Dating Under Secretary for Consumer ng Department of Energy. Kilala bilang isang 'Walking Encyclopedia" sa batas at tuntunin ng iba't-ibang ahensya sa kuryente. Isang "Living Hero" ayon sa isang Senador dahil sa dami ng nagawa para proteksyonan ang mga mamimili ng kuryente mula ng itayo nya and NASECORE noong 1998.

2nd Nominee: Engr. Roger Reyes. Mechanical Engineer at 2-term National President of Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) (psme.org.ph). Current President and Chairman of PSME Foundation at isang entrepreneur.

3rd Nominee: Engr. William Espiritu. HR Practitioner at Negosyante sa larangan ng Manpower Services. Matagal ng volunteer ng Nasecore.

4th Nominee: Atty Raffy Acebedo. Executive Director ng Nasecore. Isang batikang Abogado sa batas sa Kuryente.

5ht Nominee: Atty Wilfredo Garrido. Director ng Nasecore. Isang batikang Abogado sa batas sa Kuryente.

Ilan lang sila sa miyembro ng NASECORE Kontra Brownout na boluntaryong ginagamit ang sariling pera, oras at kaalaman upang maproteksyonan ang mga mamimili at patuloy na labanan ang mga pang-aabuso ng Industriya ng Kuryente.

Bisitahin po natin ang nasecore.com. Marami pong Salamat sa inyong suporta sa darating na Election Mayo 2022.

God bless everyone.

09/01/2022

Ipinaglalaban ang mga consumers laban sa mga katiwalian sa industrya ng kuryente

09/01/2022

Ipaglalaban ka ng KONTRA BROWNOUT

NASECORE – National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. 07/11/2021

WALANG FOREVER....MAY KONTRA.

KONTRA KAPALPAKAN.
KONTRA MASAMANG SERBISYO.
KONTRA KURAPSIYON.
KONTRA MAHAL NA KURYENTE.
KONTRA KAPABAYAAN.

NASECORE KONTRABROWNOUT PARTYLIST!!!
KAKAMPI MO!!!

NASECORE – National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. NASECORE is an advocacy group that aims to promote and protect the best interests of the electricity consuming public by empowering them through information dissemination and other means.

Want your school to be the top-listed School/college in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

NasecoreKontraBrownOut an advocacy group that aims to promote and protect the best interests of the electricity consuming public

True. Genuine Advocacy. Founded on February 1998. For more details please visit our website at http://nasecore.com/

Location

Telephone

Address


#1 Beta Bayview Subdivision, Brgy 88, San Jose
Parañaque
6500

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 10am - 5pm
Friday 10am - 5pm